Chapter 61

115 7 0
                                    

THIRD PERSON'S POV

Sumakay na ng Bus ang anim na gang papuntang Quezon Province para sundan si Alyster. Kanya kanya silang pwesto na akala mo ay field trip lang nila. Tuloy na ang byahe ng mga bus dahil sa magandang panahon na ipinakikita ng kalangitan.

"bad trip yung bagyo... Bigla biglang darating tapos maninira lang saka ka lalayasan ng parang walang nangyare..." saad ni Tori

"HUGOT PA!" sigaw ni Luke na ipinasok sa bibig ni Tori ang isang pandesal na may Cheesewiz. Nag tawanan sila ng malakas dahil nga paos ay napiyok si Luke. Pero hindi ito hadlang sa kadaldalan nya.

"mga hijo Hindi tayo nag pi-field trip tandaan nyo..." saad ng konduktor na kumukuha ng bayad sa mga nasa unahan na pasahero. Dahil Madami sila ay mabilis na napuno ang bus at makakaalis agad sila. Nang kukuhain na ang bayad ni Ethan ay nag salita ito

"tay KKK po..." saad ni Ethan

"anong KKK?" tanong ng konduktor

"kanya kanya kami" sabay sabay na sabi nilang lahat. Kaya nag tawanan ang ibang mga pasahero pati ang konductor

Sa kalagitnaan ng byahe...
Nasa gitnang parte si Nyx habang naka headset sya. Katabi nya si Icarus habang natutulog ito... Maya maya ay nalaglag sa balikat nya ang ulo nito at dun na komportableng natulog kasabay ang pag yakap ni Icarus sa bewang nya. Tatanggalin sana ni Nyx ang kamay ni Icarus pero napansin nyang masarap ang tulog nito kaya hinayaan nya na lang "Fine..." bulong ni Nyx

Lingid sa kaalaman ni Nyx ay gising talaga si Icarus at dahil naka earphone sya na naka full volume ay hindi nya na ririnig na pasimpleng nag ha-humming ito. Kahit dalawang gabi na na mag katabi matulog si Nyx at Icarus ay hindi nya magawang makalapit ng sobra sa dalaga at mayakap ito. Tanging pag hawak ang sa kamay ang nagagawa nila pero masayang masaya na sya sa parteng ito. Walang kahit na anong level ang relationship nilang dalawa kaya Nalilito na ang lahat pati sila... Pero Ayus lang... Basta alam nilang dalawa at ramdam nilang dalawa ang pag-ibig para sa isa't isa ay wala nang kailangang linawin pa.

Hindi sa lahat ng pag kakataon ay kailangang sabihin o mag mula sa bibig na mahal ka ng isang tao sapat nang makita iyon at maramdaman.

Dahil lahat sila ay gising kagabi ay ngayon sila nakatulog sa bus. Sa unang pag kakataon na mag kakasama sila ay ito ang pag kakataon na tahimik ang lahat. Makalipas ang kulang kulang tatlong oras ay nakarating na sila sa kanilang destination kaya ginising na ni Nyx at ng konduktor ang mga kasama nya. Pag kababa ay nag alalangan silang mag lakad dahil putik na ang lalakaran nila. Lahat sila ay tumingin sa kani-kanilang mga sapatos.

"I will not step my shoes in that muddy road!" saad ni Cornelius dahil suot nya ang paborito nyang adidas shoes.

"puti ang sapatos ko..." saad ni Lyle

Saka sunod sunod na silang nag reklamo pero hindi na sila pinansin ni Nyx at nag lakad na ito kahit kalos lumubog ang sapatos nya sa putik. Pero si Icarus naman ay nakakita ng paraan para makapag lakad ng walang problema. Tumapak sya sa mga bato sa gilid at patalon talon tapos hahakbang ng malaki para maabot ang ibang bato o sa mga damong pwedeng lakaran. Kaya ginaya nila iyon...

"letse wag mo akong itulak!" sigaw ni Dart kay Hugh

"ang bagal mo kase!" sigaw pabalik ni Hugh.

"anak ng!" reklamo ni Sidney ng matapsikan sya ng putik nung tumalon si Enoch

"Aaaah!" tili ni Yuna ng tinulak sya ni Mortimer para mawala ang balanse nya. "baliw ka!" at nang ma out of balance sya ay napahawak sya kay Ylona kaya na dulas ito imbis sya

"aaah!" tili ni Ylona Pero bago pa bumagsak ang katawan ni Ylona sa putikan ay nahawakan sya ni Orville sa braso at tinayo sya. Nag lalakad sa putik si Orville at hindi sa mga bato kaya hindi sya nag dalawang isip na saluhin si Ylona. "thank you!" sabi nya kay Orville aalisin na sana nya ang braso pero hinawakan lang ito ng lalaki.

Goodbye Agony Book 1Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora