Chapter 23

166 22 1
                                    

NYX'S POV

malalakas na katok ang gumising sa akin. 12:45 nang sulyapan ko ang digital clock na nasa table sa gilid ng kama.

"HOOY!  BABAE GUMISING KA!!! HOOOY!!!" oh great! Ang butihin kong auntie.

Tumayo ako para pagbuksan sya ng pinto.

"oh ano?" bugnot kong tanong. Alam nyo naman na wala akong tulog ilang araw na.

"wala pa si Etha--" pinutol ko ang sasabihin nya

"wala akong paki!" isinara ko pinto at humakbang pabalik sa kama pero

*BAAG BAAG BAAG*

Ayaw talagang tumigil!

Binuksan ko ang pinto "wala nga akong paki-alam di mo ba maintindihan?"

Pwersahan nyang binuksan ang pinto ko para makapasok sa loob ng kwarto. "kayo mag kasama sa school diba?"

Tumaas ang kilay ko. Kami mag kasama sa school? "iisa kami ng school pero hindi ko sya kasama at wala akong paki. Baka naman nasa mga kaibigan nya at humihithit ng kung ano ano?" sinampal ako ni Auntie

Pampagising ba yun?

"Wag mong ginaganyan ang anak ko! Hindi sya ganyan!" oh well...  Hindi sya ganyan kase ganun sya.

Please stop fcking around.

"labas na!" tinulak ko sya palabas.

"hindi! Dahil ikaw ang lalabas! Hanapin mo sya!" - Auntie

"shit! Nang ganitong oras?" - Me

"wala akonh paki basta hanapin mo sya!!! At siguradihin mong buhay sya! Mamatay ka na wag lang ang anak ko!!!!" - Auntie

Tinulak nya ako palabas ng bahay. Naka pajama lang ako at sando. Buti inan-hook ko lang ang bra ko kanina bago matulog.

Madilim na kalye ang bumingad sa akin pag labas ko. Malamig na semento, tila nag yeyelong hangin ang dumadampi sa balat ko na nagpapatindig ng balahibo ko ang dumalubong sa akin. Wala pala akong tsinelas pero nung babalik ako eh naka lock na ang gate.

"naiwan ko yung tsinelas ko!!" sigaw ko pero parang walang taong nakarinig sa akin mula sa loob.

Nag lakad na ako paalis. Hindi ko alam kung saan ako mag uumpisa para hanapin sya. Bahala na...

Ako lang ang mag isa sa daan walang tao kahit na sino.

Lakad lang ako ng lakad. Masakit na anh mga paa ko dahil nga Wal akong sapin sa paa. Parang gusto na ding tumuklap ng mga balat ko dahil sa lamig. Niyakap ko na lang ang sarili ko para mabawasan ang lamig. Pero kahit palad ko di ko na ramdam.

Sa tagal ng lakad ko ay nakarating na pala ako sa hide out ng gang pero madilim ang lugar. Halatang walang tao pero pinasok ko pa din. Nilibot ko ang lugar.

"aaww! Sh*t!" nakatapak pa ata ako ng bubog! Ang bwisit na Cornelius na yun nag basag na naman ng bote.  Bakit ba kase hindi nalang ulo nya ang basagin nya?

Kahit sugatan ang paa ay tumuloy pa din ako sa pag hahanap kay Ethan. Iika ika akong nag lakad. Papatayin ko si Ethan pag nakita ko sya.

Hindi ko alam kung anong oras na, o kung saang imperno ako naroroon. Gusto nang matanggal ng mga ngipin ko sa lamig.

Nasaan na ba ako?

May mga dumadaang sasakyan... Nang aalok ng tulong pero di ko pinapansin.

Pero di nag tagal ay di na kinaya ng katawan ko ang lamig, ang pagod ang sakit kaya na pa upo na lang ako. Wala na rin akong marinig na kahit na ano. Inaantok na ako.

Goodbye Agony Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon