Chapter 42

117 9 2
                                    

THIRD PERSON'S POV

FEB 12, ****

Ordinaryong araw para sa lahat ng estudyante ng Montenegro University pero hindi para sa black Rose at kay Icarus.

Hindi ito ang usual set up nila... Hindi nag papansinan o kahit ngiti man lang. Yung dating kulitan ni Icarus sa Kahit na sinong grupo ng black rose ay nawalang parang bula lalo na ang pakikitungo nya kay Nyx.

Hindi na sila nag papansinan na para bang hindi sila mag kakilala. Nagkasalubong sila sa hallway pero hindi sila nag pansinan dinaanan lang nila ang isa't isa na parang hangin lang ang dumaan.

Bumalik sila sa dati... Sa dating Nyx na hindi kilala ang lalaki at walang pakialam dito, sa dating Icarus na hanggang tingin na lang sa kanya. They complete strangers...

Maraming nagtaka pero mas maraming nag diwang.

"mabuti nga yan para hindi na mahawaan ng kamalasan nya si Icarus"

"dapat habang buhay na syang mawala sa landas ni Icarus noh"

"hindi naman talaga sila bagay eh! Mang-aagaw"

"tama lang na lumayo sya! Baka mapahamak pa si Icarus dahil sa kagagawan nya"

"may hatid talaga na kamalasan ang babaeng yan eh"

"salot will always be salot forever"

"wicked witch..."

"dapat lang na walang nag mamahal sa kanya"

"kapal ng mukha nya na pumasok pa"

"dapat sa mga mangkukulam sinusunog"

"ang kapal ng mukha mag pa lakad lakad pa Dito!"

Yan ang mga usap usapan sa buong school about kay Nyx. Naririnig nya ito harap harapan pero baliwala ito sa kanya. Because she's numb with those words. Para yung mga pana na paulit ulit na tinitira derekta sa kanya... Masakit, madugo, nakakasira ng ulo pero sa tagal ng panahon naging manhid na sya sa sakit na  hindi gumaling kahit minsan ngunit laging nadadagdagan. Wala na syang maramdaman kahit ang sarili nya. Ngunit ngayon... Ngayon na hindi sila nag papansinan ni Icarus

'we were together for so long... But we acted as strangers now...' ang nasa isip ni Nyx.

Behind her calm eyes there's an hidden volcano waiting to erupt.

'sometimes you need to pretend as a villain even though your the hero...' yun ang umaalingaw ngaw sa isip ni Nyx na sinabi ni Ethan sa kanya bago pumasok. Alam ng pinsan nya na mahirap ang magiging sitwasyon nila ni Icarus sa school kaya pinagaan nito ang loob nya. 'Para din yun sa kaligtasan ni Icarus' dagdag ni Ethan. Nasa rooftop si Nyx at nag iisa lang doon, dinadama ang banayad na simoy ng hangin habang nakatingin sa iisang tao na napalilibutan ng mga babae at nakikipag tawanan.

Lingid sa kaalaman ni Icarus ay pinag mamasdan sya ni Nyx mula sa malayo. Nakaupo sya sa bleacher kasama ang apat na babae. Katabi nya sa kanan si Hemera (Era) na nakakapit pa sa braso nya at tila sweet. Nag tatawanan sila at kung ano ano ang pinag kukwentuhan pero sa kabila ng mga masasayang ngiti ni Icarus ay naroon ang pait sa mga pangyayari.

"Icarus!" tawag ng isang lalaki na masayang tumatakbo papunta sa kanya. "tara nood tayo ng basketball practice sa gym"

"sige!" tumayo na si Icarus sa kinauupuan para sumama sa lalaki. Kaya tumayo na din si Hemera para sumunod dito. Parang walang halong sakit ang mga ngiti nya pero sa loob ng isip ay sumisigaw ito...

'I accepted the fact that I'm not perfect. But you make me feel like I'm useless too...' - Icarus

'and maybe in the end I was meant to be alone' - Nyx

Goodbye Agony Book 1Where stories live. Discover now