Chapter 56

91 8 0
                                    

THIRD PERSON'S POV

Dahil takot ay tumakbo si Freddie sa loob ng bahay na putlang putla at tila nakita si kamatayan.

"parurusahan nya tayo! Kukuhain na tayo ng mga demonyo!" sigaw nya

"anong nangyare sayo?" tanong ni Sally.

"hon nandito na sila! Ibabaon na nila tayo sa impyerno!!!!" sigaw nya na tila isang baliw. "oh dyos ko!"

"tumahimik ka nga! Bakit ka ba nag kaganyan huh?" tanong ni Jeff . Bigla muling namatay ang ilaw at sumabog muli ang dilim. "anak ng! Ako na ang mag aayos ng fuse wala kang kwenta!" hahakbang nasa sya pero mabilis syang nahawakan sa damit ni Freddie

"wag... Wag kang lumabas may kampon ng demonyo sa labas." bulong nito.

"tumigil ka nga!" pwersahan nyang ilalis ang kamay ni Freddie pero base sa mga salita nito ay Nakaramdam din sya ng takot hanggang sa biglang lumiwanag. Nag mumula sa labas ang ilaw... Mula sa kotse sa labas na nakatutok sa bahay nila. "anak ng..." bulong nya ng may aninong lumabas at may hawak na palakol mula sa ilaw papunta sa kusina.

Nadagdagan pa ng dalawa ang anino... May hawak na chain saw ang isa at ang isa naman ay itak. Abot langit na ang kaba nila halata sa pag hinga na tila tumakbo ng pag kalayo layo habang nakatingin sa malalaking anino na umaabot hanggang kusina.

"tao po?..." sabi ng isang lalaki mula sa labas na kumatok ng tatlong beses. "tao pooo?" ulit nito "alam ko may mga tao sa loob..."

"Nandito na sila... Kukuhain na nila tayo!... Dahil yun sa ginawa natin kay Nyx. Pinag hihigantihan na nila tayo!" saad ni Freddie

"tumahimik ka..." saad ni Sally na nanginginig na rin sa takot. "saan ka pupunta?" tanong nya ng lumakad si Ben papunta sa pinto ng dahan dahan

"ila-lock ang pinto..." bulong nito pero nahuli na sya dahil umikot na ang doorknob at marahang bumukas ang pinto. Kaya napatakbo sya at tinulak ang pinto para hindi makapasok ito. "i-lock nyo ang pinto!!! Bilis!" sigaw nito ng nag tulakan sila

Mabilis na tumakbo si Jack at iniharang ang sofa katulong nya si Masky at si Sally ang nag lock. Mabilis silang umatras...

"oh no... So disrespectful of you guys" sabi ng tao sa labas "masaya lang kami dahil may bago kaming kapitbahay!"

"kumuha kayo ng mga pwede nyong panlaban!" saad ni Masky na ginawa naman nila. Lahat sila ay nakatingin sa pinto dahil nawala ang mga anino at ang mga ingay. Hanggang sa laking gulat nila ng biglang palakulin ang pinto.

"aaah!" tili ni Sally.

Nakarinig din sila ng chainsaw sa likod bahay. Pero hindi naman sinisira ang pinto doon ngunit kinalampag ng mga tao iyon sa labas kasama ang mga salaming bintaha. Habang sumisigaw ng

"labas!"

"tao po!"

"tao!!"

"HAHAHAHAHA"

"nanjn pa ba kayo?"

Nag kumpulan ang lima sa gitna ng sala malayo sa bintana at pintuhan.

"LUMAYAS NA KAYO DITO PARANG AWA NYO NA!? WALA KAMING KASALANAN SA INYO" pag mamakaawa ni Sally.

"ho ho ho ho" tawa ng nasa labas na tila ba si santa clause. "wala rin namang kaming kasalanan sa inyo... Pero sa iba marami tulad nyo!?... May naiisip ba kayong...  Matindi nyong kasalanan?... Pag usapan kaya natin yun?"

"PAKIUSAP WALA KAMING ATRASO KAHIT KANINO!" sigaw ni Ben

"ul*l dude!" sigaw ng nasa labas. Nabasag ang bintana pero buti nalang ay may grills na bakal kaya ligtas pa din sila. Kitang kita nila na napakarami palang mga nakamask sa labas. Lahat ay may hawak na mga armas... Kutsilyo... Itak... Balasong... Yung iba ay screw driver lang at simpleng lagareng bakal at iba pa pero lahat sila ay balot ng dugo.

Goodbye Agony Book 1Where stories live. Discover now