Chapter 25

143 22 4
                                    

NYX'S POV

"ayaw ko na nga sabi eh!" sinara ko na ang bibig ko. Pero pilit pa din akong pinapakain ni Lelouch. "aaarrrg! Ang kulit!!!! Kain mo yan mag isa mo!" nag takip na ako ng kumot para iwasan ang pangungulit nya!

"para kang ibon kung kumain eh! Nakaka limang subo ka palang oh! Wala pa sa kalahati toh!" ang kulit talaga. "aay! Nyx! Isa... Ay!... Ay!... Ay!..."

Sa inis ko umupo na ako at inubos ko yung pagkaing Dala nya sa mabilis na paraan na kahit ako di ko alam kung paano ko yun ginawa. Adrenaline rush siguro.

Nag palakpakan silang lahat! "yeeeeey! Very good ang baby ah!"

(-___-*)

Pinapa putok talaga nila ang batok ko sa sobrang inis! Sinamaan ko sila ng tingin lahat kaya itinigil naman nila ang pag palakpak.

"waaaah ang galing talaga ng baby!" di ata nakaramdam si Dart kaya sa inis ko naibato ko yung unan sa Mukha nya na dahilan para ikahulog nya sa upuan.

Di ka makuha sa tingin huh!

Kanina pa Sila dito sa kwarto na pinag dalhan sa akin. Maya maya ang punta dito ng papa ni Feist Para i-check Ko pati yung mga nurse. Hindi na din pumasok ang mga taong toh sa school at sa trabaho. Dinala na lang ni Lelouch yung papers dito. Dapat daw kase may mag bantay sa akin. Tambak ang dinala nyang pagkain pero sila Ylona ang tumitira. Ngayon ko lang nakita ang side nya na matakaw. Kanina pa sya kumakain eh walang pahinga ang bibig kaka nguya.

May kumatok sa pinto at pinagbuksan naman ni Angel. Sinalubong ni Lelouch ang dumating at nakipagbeso ito sa kanya, nakipag kamay naman ang kasama nun. Nag bago ang aura ng paligid... Yung kaninang maingay, ngayon naman ay puno ng nakaka binging katahimikan.

"Nyx..." mabilis na lumapit si Auntie at Niyakap ako. Ganun din si uncle. "nag-alala talaga kami ng uncle mo sayo ng sobra nung lumabas ka para hanapin si Ethan kahit madaling araw" sabi ni Auntie with teary eyes pa

"oo nga naman hija! Pero dahil sayo nailigtas si Ethan. Salamat talaga" hinalikan ako ni Uncle sa noo.
Mukha lang yung ordinaryo pero kinilabutan ako dun at nanuyo ang lalamunan ko.

Natanaw ko ang mga mukha nila Yuna at Tori. Puno ng pag tataka at halong galit. Pero di ko yun pinansin. Hindi ako nag sasalita. Umupo silang dalawa sa kama ko. Hinawakan ni Uncle ang mga kamay ko pero tinggal ko rin agad.

"hahahaha pasensya na. Alam nyo naman Na makulit ang bata Na ito. Kunyare bad girl pero mabait naman talaga" ginulo ni Lelouch ang buhok na mabilis ko namang tinabig palayo.

Sa galing ng drama ni Auntie kulang ang Oscar Award sa kanya. Ganun din si Uncle napapa ikot nila si Lelouch ng ganun ganun na lang. Hindi ko sya masisisi dahil kahit ako naniwala din nung una.

Ngumiti sila sa akin na parang walang nangyaring sakitan, murahan at sigawan.

"nakakasuka..." parinig ni Yuna.

"oo nga... Nakakasuya pa! Paano kaya sila nakaka-kain? Tch tch" kaswal na pag uusap ni Yuna at Tori. Hindi yun malakas Hindi rin mahina. Sakto lang ang pag-uusap nila na tila kaswal. Hindi ako tanga para di malaman na parinig yun. Sila ang mga kasMa ko kanina kaya alam nila ang Story.

Si Feist umiinom lang ng Dutchmill. Kumakain si Angel at Ylona, si Dart nag si selfie, si Tori at Yuna Kumakain ng jelly beans. Pero kahit may kanya kanya silang Ginagawa ay alam kong nasa amin Nila auntie ang mga tenga nila. Nakita ko ang nagngingit ngit na ngipin ni Auntie at Nanlilisik nyang mga mata. Hindi yun nakikita ni Lelouch dahil nakatalikod ito Mula sa kanya.

"bat hindi mo na lang bantayan yung anak mo kesa nag paplastikan tayo dito? Hindi naka-lock ang pinto kaya makaaalis na kayo..." saad ko. Kung wala si Lelouch malamang sampal na ang inabot ko.

Goodbye Agony Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon