Chapter 38

198 11 13
                                    

CORNELIUS POV

*PIIP* *PIIP*

ang init!

Ang ingay!

Nakakairita!

Ang daming tao!

Ang kalat!

Ang dumi!

Nakakabanas!!!!! Nasaan ba ako?!!

Purong mga sasakyan at mga tao sa bangketa ang nakikita ko... Hindi ko alam kung saan ako... Ayoko naman mag tanong! Ayokong sumakay dahil wala akong pera, nadukutan ako kanina kasama cellphone ko kaya walang sasaklolo sa akin. What the heck!!!!!!!!

*****
Kaninang umaga...
*****

May mga kumakatok sa punto ng kwarto ko.

"gising na ako kaya manahimik na kayo jn sa labas! Mga bwiset!" sigaw ko sa mga maids na nasa labas at katok ng katok. Ang aga aga mga panira agad ng araw.

Lumabas ako ng kwarto at ibinalibag ang pinto pasara. "Ano bang problema nyo?" tanong ko sa kanila. Pero walang sumagot... "tsk..." lumakad lang ako papunta sa kusina para kumain. Hindi ko na inaasahan na kasabay kong kakain ng agahan si Mommy at daddy... Dahil bihira lang ang mangyari ang ganun.

"what's this?" tanong ko with my disgusting face.

"Gulay po sir. Yan po ang ibinilin ng mommy nyo sa amin ipag agahan nyo..." saad ng isa

Mabilis na nag pandig ang tenga sa narinig ko. "What am I to you? A goat? A sheep? A bu***hit animal in farm?!!" mabilis kong hinagis ang mga iyon sa harap nila. Nabasag ang mga plato at baso, kasabay na natapon ang mga pagkain na naroon. Tumayo ako "nawalan na ako ng gana..." kinuha ko ang bag at sinabit sa balikat.

Pag labas ko ay nakaabang na ang bukas na kotse. Dinaanan ko lang yun at hindi na nilingon pa... Hinabol nila ako upang sumakay doon pero diretso lang ako at tila ba walang narinig.

"Sir..." sinamaan ko ng tingin yung driver at agad naman itong tumigil.

"mukha ba ang sasakay? Mag ji-jeep ako. Kaya tumigil ka! Layas!" Nagulat man ang mga mukha nila sa sinabi ko pero agad silang natakot at umalis sa daan. Nag lakad lang ako at sinipa yung gate para bumukas, hindi naman kase iyon naka kalso. Nag lakad lang ako hanggang sa pinaka main entrance ng subdivision. May humintong taxi sa tapat ko.

"Sir saan po kayo?" tanong sa akin ng driver

"ano bang pakialam mo? Lumayas ka nga sa harap ko!" bulyaw ko dito kaya mabilis na umalis ang taxi

Kung gusto kong sumakay edi sana pinara kita bobo. Kung mag tataxi ako edi sana nag pahatid na lang ako sa driver namin. Letse!

pansin ko na nag si tinginan sa dereksyon ko ang mga guard. "anong tinitingin nyo?"

Umiwas sila ng tingin at akala mo kung sinong mga santo pero nag bubulungan na ang mga yan tungkol sa akin, sa mga kasutilan ko. Wala akong kaibigan sa subdivision na ito o kahit kakilala lahat umiiwas sa akin dahil nga salbahe ang tingin sa akin ng lahat.

Masama
Spoiled brat
Pilyo
Demonyito.
At iba iba pang mga tawag sa akin.

Mukha nga daw akong ampon dahil sa kabila ng kabaitan ng mga magulang ko eh ganito ang ugali ko. Well, masisisi ba nila ako eh buong buhay ko wala sa akin ang attention nilang dalawa. Kaya walang kahit na sino ang pwedeng mag utos sa akin kung anong gagawin dahil kahit mga magulang ko wala akong sinunod na utos. Hindi nila ako tinuturing na anak kundi isang display lang, para lang may matawag na 'anak' silang dalawa. Ang tunay na magulang ibinibigay ang attention sa anak nila at hindi puro trabaho lang. Mabuti pa ang iba nagagawa nilang ngitian at kamustahin pero ang sarili nilang laman at dugo ay hindi man lang nila kayang tignan at bigyan ng sapat na attention. Mga wala silang kwenta...

Goodbye Agony Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon