Chapter 40

141 12 6
                                    

ICARUS POV

Pumasok ako ng school ng puno ang isip ko ng mga nangyayare. Hindi dahil sa may naka tuklas na ng sekreto ko dahil expected ko na namalalaman nya iyon hindi nga lang sa ganito kabilis na panahon.

Sinabi sa akin ni Yuna na 10 members na ng Reapers ang natatambangan ng di unknown group na iyon.

Nabalitaan din ni Tori na 8 na ang inatake sa group ni Achilles---ang knights.

Usap usapan din sa Duchess university na pinapasukan ni Dart ang Frankenstein... 15 members na ni Alyster ang nasa hospital.

Ganun din sa Catalina University... 11 members na ni Orville ang napapahamak.

Sa black Rose naman ay may 10 na.

Hindi na toh maganda...

"Icarus~"

Hindi na masyadong nag lalalapit ang mga estudyante ng M. U. sa Black Rose dahil natatakot sila madamay. May lead na kaya sya kung sino ang nasa likod nito? Tsk. Hindi maganda ang pakiramdam ko sa mangyayare.

"ICARUS!" biglang may kumapit sa braso ko.

"Era!" banggit ko sa pangalan nya. "umalis ka nga!" inalis ko yung hawak nya sa akin pero Grabe sya makakapit sa braso ko.

"ano ba?! Future Boyfriend kita kaya dapat masanay ka na!" inilapit nya pa ang mukha nya sa akin at hindi ko inaasahan na nakawan nya ako ng halik sa pisngi.

"hay kadiri ka!" anak ng! Para lang ako kay Nyx... Kaya walang pwedeng lumandi sa akin. Pinunasan ko ang pisngi ko dahil dumikit yung lip gloss nya. Kung laway to ni Nyx baka matuwa pa ako!!!! "lumayo ka nga!"

"haaay ang aga aga ang sungit mo! Bleeeeh~" matapos nya akong asarin ay tumakbo sya palayo kaya hinayaan ko na sya. "ICARUS!"

"ano na naman ba---" natigil ako ng nakawan nya ako ulit ng halik sa mga labi ko. Nagtilian ang mga tao na nakakita samin sa corridor dahil sa kilig.

"good morning kiss yan... Bye bye..." nung umalis na sya ay nagulat ako ng makita ko sya. Si Nyx...

Nakita nya yun... Ginawa yun ni Era dahil alam nyang nandun si Nyx.

"Nyx... I can explain..." pero nilampasan nya lang ako at gaya ng laging Nakikita sa mukha nya ay wala syang pakialam. Walang emosyong mahahagilap sa mga mata nya. "Nyx..." tawag ko

"what?" sagot nya. Tumigil sya para harapin ako

"I can ex--"

"you don't have to" yun lang at tumuloy na sya sa classroom. Nakita ko ang benda sa braso nya... Hirap din syang maigalaw ito. Nilapitan ko sya ng makaupo na sya sa pwesto nya sa dulo.

"anong nangyare sa braso mo?" pag aalala ko.

"non of your business..." ang lamig ng pakikitungo nya sa akin ngayon. Dahil ba yun kay Era o dahil sa halik ni Era o dahil sa mga kinasasangkutan ng mga gang ngayon? Bakit ba ang hirap basahin ni Nyx.

"Nyx naman?" tila nag mamakaawa na ako sa kanya. Pati na rin pala sila natambangan na din. Tsk. Pag babayaran toh ng grupong yun.

"get lost... I don't like anybody's presence right now..." umupo ako pag tapos nyang sabihin iyon. Nanahimik lang ako sa pwesto ko habang nakamukmok... Pasulyap sulyap sa kanya at sa braso nya. Naiinis ako sobra.

*You have a message*

Narinig ko ang notification ng phone ko na may nag text. Binasa ko yun at nag reply agad...

I can protect... And I will protect her. I'm Lucifer the evil of them most.

*you have a message*

Goodbye Agony Book 1Where stories live. Discover now