Chapter 31

138 24 0
                                    

YLONA'S POV

kinuha ko yung sulat Sa kamay ni Dart, binuksan ko yun at binasa.

"dear new owner... To whoever gets my dogs. I can't say that I'm happy you're reading this letter. Sinabi ko sa shelter na ang bagong may ari lang nila Ruru at Koko ang pwedeng mag basa nito. I'm not even happy writing it... They're smart dogs they knew that there's something wrong, lagi ko namang ginagawa ang pag impake ng mga gamit nila para lumabas at mamasyal pero alam kong ramdam Nila na iba ang sitwasyon ngayon."

nakita ko ang malabong tinta at tila napatakan ng tubig yung papel

"Let me tell you about my Alaskan malamute and micro teacup Pomeranian husky... First, they love playing balls the more the merrier just say the keyword and they will catch it for you kahit saan pa yan. Please... Really don't do it by any roads I do that once at halos ikamatay nila yun, nag sisi ako pag tapos kong gawin yun. Mahilig makipag titigan si Koko wag mo lang lalapit yung mukha mo pag ginawa mo yun dahil kakagatin nya yung ilong mo hindi naman yun bumabaon eh parang laro lang yun sa kanya mag kaiba sila ng personality makulit si koko at matapang at mature na aso naman si Ruru... Mahilig syang matulog sa tabi ko... Meron ding alam na commands silang dalawa. They know 'sit', 'stay', 'heel', 'come'. My dogs also knows hand signals 'back' to turn around and go back when you put your hand straight up. 'over' when you put your hand out right or left. 'shake' for shaking water, 'paw' the high five. They also knows 'ball' and 'food' and 'bone' and 'treat'. They love treats. They are sweet lil babies so I'm sure you can get along with them. Laging nawawala si Koko pero don't worry dahil lagi syang nahahanap ni Ruru... For feeding schedule, twice a day, once about 7 in the morning and again at 6 pm. Regular store-bought stuff. The shelter has the brand. They up on their shots, call the vet clinic on trinoma mall and update their info with yours, the clinic will make sure to send you reminders for when they due..."

Grabe ang haba ng sulat. Halatang halata na mahal na mahal sila ng former owner nila.

"be forewarned: those two hates the vet. Good luck getting them in the car... I don't know how they knows when it's time to go in the clinic. They just know it. And Finally give them some time... Hindi ako nag-asawa kaya sila lang talaga ang kasama ko sa buhay at ako lang din ang kasama nila in their whole lives. Lagi ko silang kasama kahit saan ako mag punta so please include them in your daily car rides if you can. Nakaupo lang sila sa backseat at walang reklamo at hindi kakahol o mag iingay. Wag mo lang bubuksan ang bintana dahil tatalon si Koko bigla at kakaripas ng takbo. They love to be around people and me most especially... Alam ko na mahirap ang pagbabago sa mga buhay namin lalo na sa kanila na matutulog sa ibang bahay at may kasama ng iba... That's why I want to share a bit of info with you... There real name is Hydra and Cerberus. Base on greek mythology monsters. Mahilig kase ako dun. Si Cerberus yung maliit at si Hydra naman yung malaki---" natigil ako sa pag babasa ng biglang kumahol yung dalawang aso ng marinig nila ang kanilang Mga pangalan. Lumapit sa akin si Hydra kaya hinawakan ko ang ulo nya Saka nagbasa ulit.

"... Hindi ko alam kung anong sumapi sa akin at bakit ruru at koko ang binigay kong pangalan nung tinanong ako sa shelter... Sure ako na sinabi na sayo ng keeper kung bakit ko sila iniwan dun... I was suffering from my bone cancer. And it's already stage 4 bago ko pa nalaman... Hindi ako pinayagan ng ate ko nadalahin silang dalawa sa America to give my last days for them... Hindi kase sya mahilig sa aso at sure na mapapabayaan lang sila and I don't want it to happen. Pero sinabi ko sa shelter na bago sila ipaampon ay kailangan muna nilang makakuha ng tawag mula sa America--from my ate. Kung nababasa mo tong letter na to isa lang ang ibig sabihin--" I pause dahil nabasa ko na yung susunod Na mga salita. Naramdaman ko ang pagsikip ng lalamunan ko at halos tutulo Na ang luha ko.

"ano sunod Ylona?!??" sabi ni Dart.

I clear my throat saka tinuloy ang pag babasa "... Ibig sabihin nakabaon na ako 6 feet sa ilalim ng lupa... Yun ang huling hihilingin ko sa ate ko bago ako lumisan ang tawagan ang shelter at ipaampon na sila ng tuluyan. Wala akong mga kaibigan na pwedeng mag pasensya sa kanila dahil sobrang kukulit talaga nila, hindi ko din sila pwedeng ipag katiwala sa iba kong kamag-anak dito sa Pinas. They're not into dogs... If you're reading this means my ate has made good in her words... Sa totoo lang Nakaka-depress ang pag susulat nitong letter nito... Even though... I'm just writing it for my dogs. I couldn't imagine if I was writing it for my husband and kids. Hydra and Cerberus has been my family for the last 5 years Since when I decided to live with my self. That unconditional love from my dogs is one of my inspiration to live long and had that motivation to be happy with my life hanggang sa huling Mga sandali. Sa dami ng mga taong pinagtaksilan ako at nililang, sila ang mga naging tapat at alam ko na kahit anong mangyari di ako iiwan... Pero sa kabila ng katapatan nila sa akin ay ako naman ang nang-iwan which is unfair. Alright that's enough... I have to drop this letter off to the shelter. Babyahe na kase Ko mamayang madaling araw. I don't think I'll say another goodbye to Hydra and Cerberus, though. I cried too much the first time after what happened to me in my whole life... Good luck with them, give them a good home and give them a goodnight kisses for me, every night. Hindi kase sila matutulog hanggang walang kisses sa noo. Kailangan lang ng maraming pasensya sa kanilang dalawa. At bago ko Makalimutan... Wag mo syang pag hihiwalayin na Dalawa mag kakasakit kase sila pareho. Dapat lagi silang magkasama...at yung keyword just say presto... Thank you... Daisy McCoy" natahimik ang lahat matapos kong mag basa. Pinunasan ko din ang mga luha ko. Pag tingin ko akala ko ako lang yung umiyak pero pati rin pala sila. Maliban kay ate Nyx pero nakatingin sya sa dalawang aso. Nakapatong sa ulo ni Hydra si Cerberus at kinakagat ang tenga nito.

"Hydra... Cerberus..." sabi ni ate. Agad na nag taas ng ulo at tumingin ang dalawang aso sa kanya. "give me that ball Hydra... Presto" matapos nyang sabihin iyon ay mabilis na tumakbo ang malaking aso at kinuha yung bola na binato ni Tori kanina saka masayang ibinigay kay ate Nyx iyon. "very good..." she pet it in its head. Ngayon ko lang nakita si ate Nyx na ganito. "hindi ko sila pwedeng dalahin sa bahay... So I guess pwede sila sa inyo." Tumingin sya sa amin.

"OPO!" sabay sabay naming sagot. Ganun din si Boss. Sa akin muna sya kaya. Di naman magagalit si lola eh kung mag aalaga ako ng aso.

"kailangan mag schedule tayo kung kanino sya mapupunta for 1 week--" sabi ni Dart

"ang tagal naman ng 1 week... Pwede na yung tatlong araw lang." - Tori

"ang bitin ng tatlong araw! Tama lang ang isang linggo" - si Angel.

Yan na mag talo talo na sila hahha. Samantalang takot kami kanina. Si Yuna umupo katabi ni Cerberus at nilaro ito. Nag pasya kami kung sino ang mauuna at binase namin ito Sa division namin.

1st division si Yuna
2nd division ako
3rd division si Dart
4th division si Angel
5th division si Tori. At huli si Boss.
Sumang-ayon naman ang lahat. Sabi ni ate Nyx tatawag na lang sya kung kelan sya free at pwede ipasyal yung dalawa.

Matapos ng diskosyon ay nag sikainan na kami. Napansin namin na ang Saya nya dun sa pagkain inihanda namin base sa dami ng kain nya. Meron kaming turon, banana-Q, gulaman, at kung ano ano pa.

"ay oo nga pala. Naalala ko may binili akong puto bung bong at bibingka kanina sa simbahan" mabilis na tumakbo si Angel sa may kwarto at maya maya ay may dala na itong plastic. "ate Nyx oh!" binigyan nya si ate at gaya ng inaasahan eh kinain nya yun agad.

Pagtapos kumain ay nagbukas ng karaoke si Tori. Kaya nag kantahan kami.
Hindi sobrang lakas yung volume dahil may dalawang aso na kaming kasama baka masira ang eardrum nila sa lakas eh.
Sa kapal ng mukha ni Tori ay sya ang unang kumanta. Ibinigay nya yung isang mike kay Yuna.

"duet tayo!!" sabi nya. Tumango lang si Yuna dahil wala na rin naman syang magagawa.
Nagulat kami ng 'hanggang ngayon' yung sinelect nya. Anak ng chuchu naman oo.
Hindi naman sa paghuhusga pero si Tori ang taong gugustuhin mong lamunin ng lupa pag kumakanta. Magaling syang sumayaw as in... Yung mag lalaway ka dahil sa sexy pag gumiling, ang swebe. pero siomai iba na ang usapan sa kantahan. Paos na garalgal na ewan, parang lata ang tunog tas ang hilig pa sa high notes. Mabilis kaming nag takipan ng tenga maliban kay ate Nyx..

Pero nung nasa mataas na yung kanta. Napapikit sya, kumunot ang noo at humawak sa tenga. Nakita ko din na nag takip ng tenga yung dalawang aso. Hahahahaha umiyak din ang mga ito. Letse talaga Tori!!!!

Masaya lang kaming nag kwentuhan at nag kantahan habang kumakain. Masaya lang kami ditong nag jamming. Tiis tiis pag si Tori na ang kakanta.

Kumanta si Yuna ng MIGRAINE
Pero alam ko na patama yun kay Dart...

"oo nga pala... Di nga pala tayo... Hanggang dito na lang ako... Nangangarap na mapasayo... Di sinadya... Nahanapin pa ang lugar ko, asan nga ba ako? Anjn pa ba sa iyo..." hay naku Yunaaaaaaa. Di ka maririnig nyan... Kahit megaphone pa gamit mo. Ang manhid forever manhid.
Natapos na lang syang kumanta pero nga nga pa din. Pero nag katinginan kaming lima nila boss nung makita namin ang sunod na kanta. 'akala mo' ni Aiza.
Nang tinanong ni Tori kung kanino yun agad kinuha ni Dart yung mike sa kanya.

Hindi ako tanga para di malaman na parinig din yun kay Yuna. Alam nya, halata nya pala na may gusto ito sa kanya pero hindi nya lang talaga tinatanggap pero bakit? Si Yuna ang perfect girl para sa isang lalaki. Baliw lang talaga minsan. Kaya nga patay na patay si Quentin sa kanya eh.

"... Akala mo hindi ko pansin... Akala mo hindi ko alam..." - Dart

Seryoso yung mukha nya habang kumakanta kaya sigurado ako patama yun. Nung tumingin ako kay Yuna nakangiti pa din ito at masayang kumakain. Pero kilala ko tong babaeng to deep inside nalulunod na yan ng mga luha nya...

To be continued...

Goodbye Agony Book 1Where stories live. Discover now