Chapter 28

171 22 0
                                    

DART'S POV

pag kaalis ng Black Rose saka lang kami naging kalmado at payapa. Bisit!

Sa stress ko ay nag selfie na lang ako.
Hay ang swerte talaga ng magiging girlfriend ko.

"ano na-in love ka na naman sa sarili mo?" tanong ni Ylona. Nag pose lang ako sa harap nya Para mang-asar.

"dapat hindi Dart ang pangalan mo eh" sabi ni Tori

"oo nga eh. Dapat handsome talaga yun eh, si papa kase eh" sabat ko. Inayos ko ang buhok ko sa harap ng salamin.

"Papalitan kaya natin yung pangalan mo? Gawin nating Narcissus o kaya electric fan" itong Dora na ito!

Napatingin ako sa lugar ni Ate Nyx, nag babasa pa din sya. Pero na alarma ako ng makita kong wala ng laman yung dextrose nya at may red na sa hose nun, dugo na ata yun!

"tumawag na tayo ng doctor!!!" nag kagulo kaming lahat. Pinangpipindot namin ang mga buton na nakita namin! "bilis! Bilis! Bilis!"

Nang wala pa ding doctor or nurse ay binunot ni Tori ang karayom mula sa kamay ni Ate Nyx wag lang masipsip ang dugo.

"anong ginagawa nyo?????!!!!" galit na sigaw ni ate Nyx.

"baka maubos ang dugo mo!" sabat ni Ylona. Hingal na hingal kami. "pano ba toh i-refill? Saan kukuha ng tubig? May mineral water dun kumuha ka!!!" agad akong tumakbo para kuhain ang bottled water

"ito absolute to! Distilled pa!" ibinato ko kay Tori at agad nya namang nasalo to! Pilit na binubuksan ni Ylona yung takip!

"ayaw ang tigas! Di ko mabuksan!!!!" nataranta na kami. Si Tori na may hawak sa karayom ay nanginginig na sa kaba kaya ilang beses na nyang muntik matusok yung mga mata namin. Binutasan N lang ni Ylona yung taas na bahagi para maisalin dun yung mineral water. "okay na!"

Ilalagay na dapat namin yun sa kamay ni ate Nyx pero ayaw nya!
"lumayo kayo sa akin!" itinataboy nya kami. Pero pilit nyang inilalayo yung kamay nya pero kinukuha yun ni Yuna. Kinuha ni ate Nyx yung kutsilyo katabi ng apple. "PUPUTULIN KO ANG KAMAY KO PAG LUMAPIT PA KAYO!!"

"anong kaguluhan to?" napatingin kami sa likod. Si tita Cempa at si Tito. Pinaalis nila kami sa tabi ni ate Nyx. Nagdudugo yung kamay nya grabe pero parang wala syang naramdaman.

Ipinakita nila sa amin kung paano ang mag Palit ng dextrose.
"aah ganun pala yun" sabay sabay naming nasabi. Pero di namin napansin ang lumilipad na clip board. Pero dahil mabilis ang reflexes namin, nakailag kami at sa pader yun tumama!

"kayong mga bata kayo!!!!" sigaw ng mama ni Tori! Nakakatakot sya magalit.

"nag aalala lang naman kami eh!" katwiran ni Tori.

"mangatwiran ka pa at ibabalik kita sa sinapupunan ko!" banta ng mama nya. Ngumuso na lang sya at tinanggap namin ang mga sermon nila.

*kinabukasan. Umaga sa hospital*

Weekend ngayon kaya maaga kaming Pupunta kay ate. Nakokonsensya kase kami. Nagalit sya kahapon dahil nilagyan namin ng Christmas decor ang kwarto nya which ayaw nya pala. Siguro dapat pang Halloween yung nilagay namin with Christmas theme. Ganun. Halos bumuga sya nga apoy dahil nag pumilit kami. Pinalabas nya pa nga kami kaya ayon maaga kaming umuwi. Nagiging tambayan na ang kwarto ni ate Nyx sa hospital. Kasama nga rin namin ngayon sila Quentin eh. Hay... Ang daming flowers nila na dala dala. Kung pag kain yan baka matuwa pa kami. Makakain ba yun?

Papasok na kami sa kwarto ng kusang nag bukas iyon. Si Attorney! Mukha syang bagong gising dahil magulo pa ang buhok nya at gusot gusot ang damit, namumula rin ang mga mata. Pero isa pa sa nakakuha ng pansin ko ay yung nag mamadali at tila nag aalalang mukha nya. Siguro naalimpungatan akala may Zombie Apocalypse na.

Goodbye Agony Book 1Donde viven las historias. Descúbrelo ahora