Chapter 4

397 40 7
                                    

THIRD PERSON'S POV

Pilit nyang inaabot ang Tanging liwanag na nakikita nya habang tumatakbo sa deriksyong iyon. Ilang milya na ba ang natatakbo nya? Ilan pa bang hakbang ang gagawin nya upang maabot lang iyon? Mga bagay na iniisip nya.

ICARUS'S POV

Maraming araw ang lumilipas. Patuloy ko pa ring Pinagmamasdan at sinunundan ang babaeng nasa tabi ko ngayon. "Nyx" tawag ko sa pangalan nya.

"ano? -___-" umay nyang tanong sa akin.

"kamusta ka na?" tumingin lang sya sa akin saka nag kibit balikat "ewan ko sayo" bakit ako ang tinatanong eh sya ang nag mamay-ari ng katawan nya?

Hinawakan ko ang buhok nya at hinaplos iyon. Hindi na sya nag reklamo. Siguro nasanay na sya. Kinuha ko ang suklay sa bag ko. pumwesto ako sa likod nya at doon umupo para suklayan sya. Nasa tagong part kami ng garden pala ngayon para mapag isa este mapag dalawa. Lunch time kaya ito dito kami tumatambay.

"tigilan mo ang buhok ko Feist" hay naku. Sya na ngang sinusuklayam eh. "susuklayan kita. Wag kang magulo" medyo galit ako ng konti sa tono ko para masindak naman sya kahit papaano.

Natutuwa kase talaga ako sa mahaba nyang buhok eh. Ang ganda ganda at ang lambot. Hindi lang sya marunong mag suklay kaya magulo. Lagi ko na tong ginagawa simula nung mahawakan ko yung buhok nya. Lagi ko ng sinuklay.

"para kang baliw! Bitawan mo nga ang buhok ko!" inilihis nya ang ulo nya dahilan para mabitawan ko ang buhok nya. Pero dahil makulit ako. Hinapit ko ang bewang nya at nilapit sa akin. Magaan lang naman si Nyx kaya mabilis bitbitin at buhatin. Hindi nga mahihirapan ang kikidnap sa kanya eh.

"tsk, nag pupumiglas pa eh" pinabayaan nya na lang akong suklayin ang buhok nya. Naadik na ata ako kay Nyx. Para syang drugs na ang hirap pakawalan at layuan.

Maingat kong sinusuklayan ang buhok nya. Naamoy ko ang Mabangong amoy nun. Ibinaba ko ang suklay na hawak ko at tahimik na inaayos ang buhok nya.

"Feist itigil mo na yan!... Feist! Feist!" ang ingay naman nya. "ssshhhhhh... Nag ko concentrate ako sa ginagawa ko, ang ingay mo" I braiding her hair but I can't concentrate kase ang ingay nya.

Matatapos na ako sa pag tirintas ng mahaba nyang buhok. "may Rio ka?" inabot nya sa akin ang isang rubber band. "wag yan nakakasira ng Buhok yan eh"

"ang arte parehas lang naman yan eh!" hay naku! "hawakan mo toh." Inabot ko sa kanya yung dulo ng buhok nya. Hinalungkat ko ang loob ng bag ko. Ang alam ko may mga rio ako dito eh.

Ayon! "tada! Meron ako" pinakita ko pa sa kanya yung hawak kong mga rio. "kamag anak ka ba ni Doraemon?" tanong nya. "sino yun?" tanong ko ulit.

Tumingin sya sa akin. "yung blue na pusa, yung may magic na bulsa. Yung kaibigan ni Nobita" hindi ko talaga yun kilala "movie ba yun?" hindi na lang sya ulit nag salita. "si Hello Kitty lang ang kilala kong pusa atsaka si Tom and Jerry at tsaka si Oggy" tinali ko na yung buhok nya.

"si Tom lang. Daga si Jerry" yun na din yun.

Hindi ko naman sila gusto eh. "Hindi ako mahilig sa mga pusa kaya di ko alam yun. Basta ang alam ko Dinosaur si Barney"

"anong kinalaman ni Barney sa usapan natin?" tanong nya.
"syempre favorite ko sya. Ina isolate mo sya ah!" kaya nga Violet ang bag ko eh. Pati mga note book ko. Sya din Cover photo ko sa FB at Twitter. Sya din ang wallpaper ko sa cp.

"parang baliw" narinig namin ang bell. Hudyat na mag uumpisa na ang classes. Inawakan ko sya sa kamay para alalayang tumayo. Pinagpag nya ang jeans. Inabot ko ang bag nya.

Goodbye Agony Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon