Chapter 12

198 28 0
                                    

LELOUCH'S POV

Nakita ko sa Mukha ni Nyx ang bakas ng pag kabigla. Tila hindi mag process sa utak nya ang mga sinabi ko. Kaya nga ayaw kong sabihin sa kanya kung ano talaga ang nangyayari sa company pero pinilit na kase ako ng board of directors upang matulungan nya kami.

Magaling ako pagdating sa loob ng korte pero sa business... No.

Law and Business... Hello ang layo kaya nun! Kung batas lang din pala ang magpapa asenso at mag papalago sa company na toh, kahit buong mag damag ko pa e-state ang fundamentals at constitution eh! Kaso hindi.

Oh my... I forgot... Hi I'm Lelouch Velvet, 27 years old, 6 ang height, 10 ang sukat ng sapatos ko, single and ready to mingle. Sabi nila pogi daw ako pero di ako naniniwala dun. I define my self as greek god tinalo ko pa sa kagwapuhan si Adonis.
At hindi ako yung tipo ng tao na nagpapatalo. Mataas ang superiority complex at Extrovert ako.

"what did you say?... Nalulugi ang kompanya? Bakit ngayon nyo lang sinabi huh?..." napakagat ako ng labi. I know how precious this company to her and it's hurt to tell her this situation. "I'm sorry" yun lang ang tangi kong nasabi.

Purong katahimikan lang ang namumuo sa loob ng napaka lawak na kwartong ito. Walang gustong mag salita, walang gustong kumibo, bakas ang lungkot sa mga mata. But I know... Kaya nga si Nyx ang tinawag namin eh dahil kahit papalugi na ang kompanya alam kong makakagawa sya ng madalian at epektibong solusyon. "Now what's your plan?" tanong ko sa kanya.

"Before that... Ano muna ang naging dahilan upang malugi ng ganito ang company?" tanong nya sa amin.

Binuksan ng secretary ko ang projector, lumabas ang dalawang Line Graph na nag papakita ng mag kaibang rating ng Company. Nakita ko ang pagkadismaya ng Maganda nyang mukha. Saka nag salita at ipinaliwanag ng secretary ko ang hinihinging dahilan ni Nyx.

"If I'm not mistaken Miss Nyx, aware po kayo sa kalaban nating company na umangat ng mabilis sa loob lamang ng 4 months. Iyon ay dahil sa pag babago ng kanilang design ng sapatos. Its more Elegant yet simply at talagang tinangkilik hindi lang ng mga teen girls pati na rin ang mga adult women. Sila ang nag pauso ng sikat na design ng stiletto ngayon--"

"sa madaling salita, nasawapawan tayo dahil luma at hindi sunod sa uso ang design natin?" tumango ang lahat sa sinabi ni Nyx. "nasaan ang new design na ginawa nyo?" ibinigay ng isa sa mga designers ang 10 folders na nag lalaman ng purong sketch ng sapatos. "ito lang yun?" tanong ni Nyx sa kanila. And that kind of tone... Alam ko kung anong meaning ng tanong na yun. "ito lang ba yung kaya nyong gawin?"

Walang nagawa ang mga designers kundi ang yumuko na lang.

"okay Fine we don't have a choice. Kailangan nating lumabas sa comfort zone at i-expand pa lalo ang talents natin. Kung ano ang hinahanap ng customers yun ang ibibigay natin. Kailangan nating gumawa ng sapatos na kailangan hindi lang maganda kundi maganda ang kalidad at mura. Kailangan bukas, at exact 5am ipasa nyo sa akin lahat ng designs na maiisip nyo. Gagawa tayo ng stiletto at pauusuhin natin yun." nakita ko kung gaano ka diterminado ang mga mata nya. Wala ng umangal sa sinabi nya hanggang sa natapos ang meeting.

Diretso kami sa ceo's office. "hindi ka pa uuwi may pasok ka pa ah" nakaFocus sya sa tambak na mga folders sa lamesa at walang tigil sa pag babasa kaya hindi nya ako sinagot.

Pinagmasdan mo lang sya hanggang sa lumabo na ang paningin ko at tuluyan nang nag dilim ang paligid ko.

...

...

...

...

...

Goodbye Agony Book 1Where stories live. Discover now