Chapter 36

146 14 1
                                    

NYX'S POV

ilang araw Ang lumipas matapos ang date ni Ethan at Angel. After ng pangyayari ay hindi ko na nakita si Ethan na lumabas ng kwarto nya simula lunes ng madaling araw. Hinatid sya nila Leon at ng ibang black rose sa bahay dahil hindi na ito makatayo sa kalasingan. Ang sabi nila simula sabado ng gabi pag dating nya sa tambayan nila ay nagyaya itong uminom. Tinanong nila kung kamusta ang date nya at ni Angel pero parang walang narinig at walang nangyaring date dahil hindi nag kwento ng kahit na ano. Uminom lang ito at nag pakalunod sa alak, na kahit sila ay ipinag tataka nila. Inakala ng lahat ng na-busted sya dahil sa ninaasal nya.

Bago ako umalis kaninang umaga ay natutulog pa sya. Binalak kong gisingin si Ethan pero hindi sya sumasagot sa katok na ginagawa ko. Pero ngayon kakauwi ko lang mula sa school at natutulog pa din sya. Tinanong ko kay Leon kung tinawagan ba sya o ni-text ni Ethan pero kahit sya ay hindi din kino-contact nito. Binuksan ko ang pinto ng kwarto nya, buti at hindi ito naka-lock.

"may dala akong sopas... Kumain ka na" nilapag ko sa side table ng kama nya yung tray. Pinadala yun sakin nila Yuna para ibigay kay Ethan...

Pero nakahiga lang sya sa kama nya habang balot ng kumot, nakapikit na tila natutulog ngunit hindi nagtagal ang katahimikan na namumuo sa kwarto nya dahil tumunog ng malakas ang kanyang tiyan dahil sa gutom.

"eat" saad ko. Pero hindi pa din sya natinag. "I'm higher than you... You should obey me. Now eat, or else ibubuhos ko to sayong sopas nakakakulo lang" Hindi ako galit dahil kalmado lang naman ako. Pero pag hindi pa sya tumayo itutuloy ko ang sinabi ko. Gaya ngayon hindi pa din sya natitinag, lumapit ulit ako sa side table para kuhain ang kaldero saka tinanggal ang takip at itinapat sa mukha nya. Mukhang Naramdaman nyang seryoso ako kaya umupo na sya sa kama. Hindi pa din pala sya naliligo dahil suot nya pa din ang damit nya nung sabado. Ininaba ko na yung kaldero at nilagyan yung mangkok ng sopas saka binigay sa kanya.

"ano pambayad sa konsensya mo? Tsk..." maangas ang pagkakasabi nya pero di ko sya masisisi nag lihim ako at sangkot sa panlolokong ginawa namin.

"yeah" matipid kong sagot. Pinagmasdan ko lang syang kumain ng kumain. Kahit hindi nya sabihin alam kong nasarapan sya sa sopas. Gusto kong sabihin na si Angel ang nagluto nun para sa kanya kaso... Kaso wag na dahil baka hindi nya ubusin at itapon na lang ng basta. Sinabi sa kin ni Leon na hindi kumain si Ethan simula nung sabado. Wala sila auntie sa bahay isang linggo na Kaya walang mag aasikaso sa kanya. I'm a monster inside and out but I'm not a demon hindi ko sya pwedeng pabayaan. Ilang minuto lang ang nakalipas ay tagaktak na ang pawis nya at simot na ang kaldero na kahit patak ay wala na. Inabot ko ang gamot pati tubig sa kanya. Pantanggal headache sanhi ng hangover... Hindi nya yun kinuha kaya sapilitan kong pinainom sa kanya.

"ano ba!!! Anak ng!!! Mmmmmnn!!!!!!! *ubo* *ubo* *ubo*" sinuntok nya ang dibdib nya dahil nabulunan sya sa ginawa kong pagpapainom ng tubig at gamot.

"done" yun lang ang binanggit ko matapos ang lahat. Hindi ko alam kung ano pa ang dapat sabihin. I guess I should say 'sorry' but I don't know how.

"tapos na kaya makakaalis ka na" humiga ulit sya sa kama nya. I don't like his smell... Amoy ng alak. And it's stink af. Inalis ko yung kumot nya. "Nyx ano ba???" pilit kong tinatanggal yung mga butones ng polo nya. "bad trip naman eh! Ano bang problema mo? Sabik ka ba sa katawan ko huh???" naiinis na sya sa akin alam ko pero mas umiinit ang ulo ko sa baho nya.

"maligo ka ang bantot mo" pilit nyang inaalis ang kamay ko pero di pa din ako tumitigil.

"hindi! Ayoko!!! Wala ako sa mood ngayo maligo" kadiri ang lalaking toh

Goodbye Agony Book 1Where stories live. Discover now