Chapter 16

290 27 1
                                    

THIRD PERSON'S POV

Isa-isa nang nag sidatingan sa isang abandonado, luma, madilim at sira sirang haunted Asylum ang mga members ng Lucifers. Kung hindi nyo naitatanong lahat ng members ng nasabing gang ay mahilig sa horror, sa katatakutan. Kaya baliwala lang sa kanila ang pagpasok sa hide out nila.

Sa initiation ng Lucifers ay wala kang sakit na mararamdaman tulad ng paddle na magkakapasa ka sa mga hita at halos ika-pilay mo at kung mas malala pa ay ang ikamatay. Sa mundo ng gang na ito mo lang makikita ang kakaibang initiation, ang pagpasok sa isang haunted house, hospital, at asylum. May mga bagay silang ipapagawa sa iyo. Hango sa isang phone game na "Can you escape?" ang ipinapagawa nila. Kailangan lang lumabas simula sa pinakaitaas na kwarto hanggang sa pinakababa at makalabas ng tuluyan ng hindi humihiwalay ang kaluluwa sa katawan dahil sa takot, may mga Kailangan silang i-solve na problem para makalabas at makarating sa panibagong kwarto. "ang isip ng isang tao ang lumilikha ng sarili nyang multo at ito ang papatay sa sarili nya, kapag nalabanan nya ang takot sa dilim, takot sa multo, takot ng pag iisa at takot laban sa sarili ay makakabilang sya sa gang na ito" ang mga katagang binitawan ni Icarus para sa mga kasama.

Marami na ang nag tangkang sumubok pero sa sampong sumubok ay 1 lang ang nakakapasa at kung minsan nga ay wala pa dahil makita pa Lang nila ang lugar na pagdarausan ng initiation ay tumatakbo na sila palayo.

"Andito na silaaaa!!!" sigaw ng isa sa kanila. Tinigil ng DJ ang music at ang kaninang patay sindi na ilaw ay naging normal. Tumigil sa pagsayaw ang lahat at binigyan ng daan ang mga leader ng Lucifer. "Good Evening" bati nila lahat
"wear your masks, we have some visitors" utos ni Icarus sa kanila. Hindi na sila nagtanong at sinunod na lang nila ang utos ng kanilang boss.

Dumiretso sila Icarus ng lakad patungo sa isang kwarto kung saan exclusive lamang para sa kanilang anim. Binuksan ni Dart ang Aircon at naghanda naman si Yuna ng Tsaa. Inihahanda na Nila ang kwarto na ito dahil ito ang pagdarausan ng meeting.

"boss may problema ba?" tanong ni Angel sa kanina pang tahimik na si Icarus. "napapansin namin kanina ka pa tahimik simula ng umalis tayo sa studio at iniwan natin sila Ate Nyx" dagdag nya pa.
Huminga muna ng malalim si Icarus at nag isip ng malalim ulit saka sinagot ang tanong na iyon. "Hindi kaya si Nyx Yung kanang kamay ng Black Rose?" nagulat ang lahat sa sinabi nya at sabay sabay na nag "HUUUH???" napatayo pa sila sa kinauupuan nila.

"pano mo nasabi boss?" - Dart

"that's impossible" - Yuna

"Hindi si Ate Nyx ang mukhang sasali sa ganun" - Ylona

"Kaya nga naman, wala sa ugali nya yun pano mo naman nasabi?" -Tori

"Instinct" mabilis na sagot ni Icarus sa mga tanong nila. "wag kayo mag-alala di naman ako sigurado eh"

Napaisip din si Angel sa sinabing iyon ni Icarus. 'wala nga sa ugali ni ate Nyx iyon pero... Kung titignan sa isang normal view si boss, wala rin naman sa itsura nya ang pinuno ng isang praternity.' mga bagay nainiisip ni Angel.

"At hindi pa nag kakamali ang instinct ko" nanahimik ang lahat sa suwestyon ni Icarus.

*Flashback*

Habang kumakain ng dinner sila Icarus kasabay si Nyx at att. Velvet sa isang Restaurant ay may tumawag kay Nyx kaya naputol ang pagkukulitan ng lahat.

Goodbye Agony Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon