chapter 14

196 28 2
                                    

TORI'S POV

Hinabol namin sila Miss Nyx dahil bigla na lang nyang hinila si Yuna pag tapos nyang ibaba yung phone. Nakasakay kami ngayon sa Kotse ko at si Dart ang nag da-drive. Ang ganda ng sports car na yun!

"sigurado ako ayun yung lalaki na nasa school kanina!!!! (๑و•̀ω•́)و" nanggagalaiti na naman sya. Kanina pa yan. "bilisan mo Dart" utos ni Boss. Waaaaah! Baka magasgasan ito naku!

Huminto kami sa tapat ng napakalaking building. Nakita namin napumasok sila Yuna at miss Nyx sa loob nun kasama yung lalaki. Pi-nark lang namin ang kotse ko at bumaba na papunta doon. Diretso lang kami ng lakad. Pero...

"oi! Oi! Oi! Saan kayo pupunta? ID nyo?" sita ng guard.

"may sinusundan po kami" si Ylona yung sumagot. "anak ng..." bulong ni Angel sa likod ko.

Nakita ko kung paano nag iba yung tingin sa amin nung tatlong guard. Mukha ba kaming kahina-hinala?

Mabilis kaming hinila palabas nung mga Guard pero...

"teka ano ba? Nyyyyyyyyxxx!!!" sigaw ni boss. Papasakay na ng elevator sila pero hindi nila kami marinig dahil nasa malayo sila. Hanggang sa ayun... Wala na. Nag pumilit kaming pumasok. "Teka masira yung damit koooooo" sigaw ko naman.

"Kuyang manong Guard yung buhok magugulo mo na!! Mag siCR na lang kamii!!!" -Dart

"oo sa Jollibee Ng pwede mag CR eh! >_<" -Boss Icarus

Pero natulak nila kami sa labas at nasubsub kami sa sahig. Pero tumakbo ulit kami at nagpumilit na pumasok sa loob at sa pangalawang pagkakataon humalik kami sa sahig.

"ang kukulit nyo ah!" sigaw nila manong Guard.

"kayo kaya yung Makulit! Ang damot pa!" sigaw din namin.

Lumakad kami at nag-isip kung anong Magandang plano para makapasok. Nang makita namin ang isang delivery Van. Nagbaba si Kuya nung malalaking boxes. Sya lang naman ang nag iisa na gumagawa nun kaya nag palit kami ng damit. May mga extra shirts ako sa loob ng kotse eh.

"Kuya." tumingin sa akin si Kuya. Mabilis namim syang inakbayan ni Dart. Mukha atang natakot sya. Tsk tsk tsk.

"mukhang kailangan mo ng Tulong?" tanong ni Boss habang nakangiti. Mabilis ang paghindi nya. "hindi nakikita ko kailangan mo ng tulong." pinalagutok ni Boss yung kamao nya. "di ba?" mabilis na "oo! Oo! Oo!" mabait naman pala sya. Sakto lang na tig iisang box yung dala namin. May extra rin na caps si kuya kaya sinuot namin. Habang papalapit sa entrance ay abot abot ang kaba ko. Nakayuko lang kaming apat. Hucha! Nasa dulo pa naman ako!

"deliveries para kay att.
Lelouch Velvet" tumango sila kuya guard. Nakapasok na yung si Kuya delivery. Sumunod si Ylona, pati si Boss, si Angel at Dart... Ako na lang. Inaaaaa... Yung tuhod ko.

"ayus ka lang bata?" tanong ni Kuyang Guard. Mahina pa naman ako sa ganito. "a-ayus l-lang." dali dali na akong nag lakad paloob kahit na hindi ko maramdaman ang mga binti ko.

Nakinga na ako ng maluwag nung malapit na kami sa elevator. Pero isang nakakagimbal ang nangyari...

"WUUHOOOOOO!!! NAKAPASOK DIN!!!!!! P*TANG *NA! sa wakas!! KALA NYO HUH! MAUTAK TOH BOY!!" sigaw ni Dart sa sobrang saya.

Napalingon kami sa mga secu! At tumatakbo na sila palapit sa amin.
"hoiiii sabi na nga ba kayo yung kanina eh!!!"

Mabilis na tinulak ni Boss si kuyang delivery boy. "bilis!!!! Takboooo" nung makapating kami sa elevator ay nag unahan kaming pindutin yung elevator. Mabilis at walang tigil!!!

Goodbye Agony Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon