Chapter 45

125 7 2
                                    

ICARUS POV

Hindi ako pinalabas ng mga CAT kaya bumalik ako sa upuan ko at nanahimik pero punong puno ang utak ko tungkol kay Nyx. Nag aalala na naman ako kung saan sya pupunta... Tsk.

Ilang oras din ang kinain ng seminar bago na tapos. Kahit si Nyx ang laman ng isip ko ay nakinig pa din ako para mas maunawaan ang sitwasyon nya at ang feelings nyo.

"Icarus..." tinignan ko si Leon kasama si Ethan at Cornelius. Nasa labas na kami ng gym para hanapin si Nyx... "tignan mo si Nyx sa paligid ng school kung saan lagi syang tambay hanapin namin sya sa loob ng building, Ethan sumama ka na kay Icarus"

"ako?" gulat na tanong ni Ethan pero wala syang nagawa at tinignan lang ako. Meron pa ding awkwardness sa kanya.

"Halika na Ethan..." tawag ko sa kanya na may kasamang ngiti. Alangan mang lumapit ay sumama pa din sya... Una kaming pumunta sa soccer field at nilibot iyon pero wala sya. Sunod ay sa likod ng gym pero wala rin tapos sa garden pero wala pa din.

"hoy... Mag pahinga ka muna" napatingin ako kay Ethan ng magsalita sya. Napansin nya siguro yung paghinga ko... Napapagod na din kase ako at hirap sa pag hinga. Alam na rin ni Ethan ang sakit ko dahil sinabi sa kanya ni Alyster, na buko na ako kaya sinulit ko na at inamin ang lahat sa kanya pati sa Identity nila Angel. Well... Nagulat sya tulad ng nangyare noon na nalaman nya na lalaki talaga si Angel. Kaya nga hindi ko na alam kung ano na ba ang lagay ni Angel sa puso nya. Hindi naman ako tutol kung mahal nya si Angel eh at kung mahal din sya ni Angel. Basta kung saan sila sasaya.

Umupo muna ako sa isang bakanteng bench sa ilalim ng puno habang nakaharap sa playgroup. Meron din kaseng Elementary sa Montenegro University kaya merong ganito para sa mga bata. Merong mga halaman at bulaklak sa gilid at mga puno para maging malilim sa playground at hindi mainitan yung mga bata.

"oh..." inabot ni Ethan ang isang Tubig mula sa Vending machine.

"thank you..." saad ko ng mahina. pinikit ang mga mata ko para ikalma ang pagtibok ng puso ko bahang umiinom.

"narinig nyo ba ang balita... Si Icarus Feist daw ang tunay na Lucifer..."

"oo... Nakalabay din yun sa M. U. App"

"huh talaga? Sinong naglagay ng balita na yun?"

"Anonymous person ang nakalagay... Kakaupload nya lang kaninang umaga, nasa news feed ko pa nga eh"

Narinig kong bulungan ng mga studyanteng lalaki sa likod namin ni Ethan

"narinig mo yun?" tanong nya

"oo..." saad ko

Kinuha ko ang phone at binuksan ang wifi na connected mismo sa school. May free Wi-Fi kase dito... Sunod sunod na notif ang dumating sa akin lahat galing sa app ng Montenegro University. Naka-tag yung account ko... Ganun din ang ginawa ni Ethan at hinanap namin sa top news for the day. Nasa top 2 na may pinaka maraming star balitang iyon.

Biglang nag ring ang phone ko si Cornelius ang tumatawag.

[nakita mo na ba yung article about kay Lucifer?!] galit na boses ang binigay nya sa akin.

"oo... Narinig ko din dito dahil lahat ng mga studyante nasa akin ang mga mata..." sagot ko

[...]

"Cornelius?..."

[hindi naman yun totoo di ba?] basag na boses ang inilabas nya

"naniniwala ka ba?"

[oo o hindi lang ang sagot para sa tanong ko]

Goodbye Agony Book 1Where stories live. Discover now