Chapter 60

102 7 0
                                    

THIRD PERSON'S POV

sa loob ng kwarto ni Ethan ay nakahiga na sya kasama si Leon para matulog pero kahit anong pwesto ang gawin ng dalawa ay hindi sila makatulog dahil sa ingay ng mga kwarto. Puro sigawan at tawanan ang naririnig nila kahit malakas ang ulan ay nananaig ang mga boses ng mga kasama nila.

"sheeeeeet..." reklamo ni Ethan

"ikaw nag sabi na wag silang umuwi kaya mag tiis ka!" saad ni Leon

Samantala sa kwarto ng mga leaders kasama si Angel, Yuna at Ylona ay facial mask pa din ang inaatupag nila.

"so tatanggalin na natin yung mask tutal half hour na yan... Kuya Orville halika dito." tawag ni Yuna na lumapit naman si Orville at tumabi dito.

"hindi ako mag hihilamos!?" tanong ni Orville pero umiling lang si Yuna. Dahan dahang kinutkot ni Yuna ang nasa gilid ng mukha nya. Una ang noo sumunod ang sa pisngi pababa sa baba nito. Bumalik si Yuna sa noo nya at hinawakan ang dulo habang nangingiti.

"dadahan dahanin ko lang ko lang..." saad ni Yuna

"okay..." sagot ni Orville kaya hinila na ni Yuna ang mask na ikinangiwi naman nya "Aaaaaaaaaraaay..." reklamo nya "ang sakeet!"

Napangiwi ng mukha ang apat na leader habang tinitignan si Orville na halos maluha dahil sa dahan dahan na pag hila ni Yuna.

"Teka! Timeout!!!!" saad ni Orville na natatanggal na ang halos kalahati sa mukha nya. "shit! Ang hapdi! AAAAAARG!" reklamo ni Orville habang naka pikit kaya ang ginawa ni Achilles ay hinila ang exes na natanggal na ni Yuna ng isang hilaan. "AAH!" gulat na sigaw ni Orville "aaaaah! AAAAAAH! Ang sakit!"

"hahahaha" malakas na tawa ni Achilles pero pinalo sya ni Ylona "aw!"

"masama para sa skin yun!..." saad ni Ylona hinawakan nya ang mukha ni Achilles saka binakbak ang nasa gilid ng mukha at ang mask sya naman ang tinanggal kasabay nya si Lyle na tinatanggalan ni Yuna. "aaaaarrraaayyy! Isang hilaan mo na lang para isang aray lang... Ang saaaakeeet" reklamo nya

"makakasira nga yun ng balat..." ulit ni Ylona

"killing me softy ang theme song para sa ganyan.." saad ni Cornelius habang nakangiwi ang mukha dahil sa nakikita nya kung paano sumunod ang balat sa pag hila ni Yuna at Ylona sa facial mask.

"holy coooow... Sumama na ata yung balat ko..." nang matanggal na yung nasa mukha ni Lyle ay agad syang kumuha ng salamin at nakita kung gaano ka pula ito at nang tignan nyang maigi ang balat nya ay may napansin sya. "... Nawala yung mga balahibo ko sa mukha..." saad ni Lyle na Hindi masyadong makapag salita dahil sa hapdi ng nararamdaman nya sa mukha.

"yung whiteheads ko sumama sa kape..." sabi ni Achilles

"pati yung dead skin..." saad ni Orville

"walang biro... Ang sakit talaga..." saad ni Lyle "feeling ko wala na akong mukha..."

"so kayo naman..." saad ni Ylona na tumingin kay Alyster at Cornelius na sobrang layo ng pwesto

"hindi ba pwedeng mag hilamos na lang?" tanong ni Alyster

"pano ba ako na pasok dito?..." ibinagsak ni Cornelius ang likod sa gitna ng kama at dun nahiga. "bilisan nyo lang parang awa nyo na. " si Ylona ang nag tanggal sa mask nya nasa noo pa lang nya ay "FUCK! THAT HURTS! YOU SAID IT WAS A BEAUTY CARE!" saad ni Cornelius. Hinipan ni Ylona ang noo ni Cornelius para kumalma ito "its supposed to be a facial care and not a torturing method!!!" sigaw ni Cornelius

"sorry!" saad ni Ylona ng mapansin nya na sobra ang pamumula ng mukha ni Cornelius dahil sa pagiging sensitive ng balat nito.

"Aaaaaaaaahhh..." pabulong na reklamo ni Cornelius habang nakapikit kaya mas binilisan ng bahagya ni Ylona ang pag tanggal ng mask "Holy mother of! Ouch! Jeez!... I'm so mad! I'M REALLY MAD NOW!" galit na galit na sigaw ni Cornelius ng hawakan ni Orville ang kamay ni Ylona at hatakin ang mask para mapabilis ang pag tanggal. "natanggal ata ang balat ko sa mukha..." reklamo nya.

Goodbye Agony Book 1Where stories live. Discover now