Chapter 2: Red's High

646 55 10
                                    

Red's High

Mission:

The Red's High School is bound by its commitment to develop and equip learners with competence, character, collaboration, and creativity .

Vision:

To explore a life of fulfillment, joy, and services to his school, fellow citizen and society as a whole.

Rules and Regulations:

Students are NOT allowed to leave the school building during class hours.

Students are only allowed to leave the dormitory on Weekends and Holidays.

Students should follow curfew hours.

Punishment goes ahead.

Grabe, ang sosyal naman ng Red's High!

Ibig sabihin pala, may dorm sila dito?

Woah! Ang cool talaga ng school na ito. Hindi ko pa kailanman naranasang mag-dorm.

Pero, ibig sabihin ba nun magkasama kami ni David sa iisang bubong? As in, pagkagising ko makikita ko agad siya? Sana roommate ko sya! Tapos ... kyaaaaa! Alam mo 'yun? Yung mga nangyayari sa drama, mai-inlove yung lalaki sa babae. Omaygash! Eto napapala ko kakanuod ng drama e. Sabi ko magmu-move on na ako sa kanya. Ang gulo ko naman e. Tapos kung anu-ano pang ini-imagine ko dito. Aasa na naman ako sa ginagawa ko e. Mabuti pa itigil ko nalang to.

"Ate, may pinadalang package yung school mo, bumaba ka na't kuhain 'to." buti nalang tinawag ako ni mommy kung hindi baka pagpantasyahan ko na naman itong si David. Bumaba na ako pero naisip kong bakit ako papadalhan ng package ng school? Anong meron? Ganito ba pag transferee? Ang weird. Ate nga pala ang tawag sakin ni mommy dahil ako yung panganay sa aming magkapatid.

Nung nakita ko yung package, nagulat ako. Malaki siya, para siyang maleta. Tintry kong buhatin. Mabigat siya pero kaya ko naman kaya kinuha ko na agad yung package at bumalik sa kwarto. Binuksan ko ito.

May apat na box na laman yung package, kinuha ko yung nasa itaas.

Parang atachi case yung laki nung box. Pagka-bukas ko nito, isang laptop yung nakita ko na may kasama ring manual. Nagtaka ako kasi di ko akalaing magpapadala yung school ng laptop. Siguro meron din yung kapatid ko.

Kinuha ko na agad yung kasunod na box at binuksan ito. Backpack yung nakita ko, May silver keychain na nakasabit sa bag tapos nakita kong nakaukit doon yung pangalan ko. Binuksan ko yung bag tapos may 9 books na nakalagay. May printed logo ng school tapos printed name ko na rin yung nasa books. May envelope dito, binuksan ko ito. Susi yung laman nya tapos may papel, 'Locker 713, Yuuki Devonn Kawaguchi'. Tinabi ko na yung bag tapos kinuha ko na yung susunod na box.

Pagka-bukas ko naman nitong pangatlong box, nakita ko yung uniform namin. Dalawang plain white long sleeved polo's, dalawang black neckties, dalawang red blazers na may white highlights sa mga dulo dulo tapos may dalawang bulsa na may ibabang parte tapos may school logo sa upper left side, at dalawang black skirts na may dalawang white stripes sa ibaba. Five inches above the knee sya. Palda sya pero may black cycling shorts sa loob na nakakabit kaya siguradong hindi ka mabobosohan kapag suot mo ito. Sa loob ng box na to, meron pa ulit na isang box sa ilalim na agad ko namang binuksan. Laman nito ay dalawang knee socks na may isang black stripe sa itaas at ribbon sa gilid tapos isang pares ng sapatos.

Gender Bender [Under Revisions]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon