Chapter 31: Trip Day 2.2

216 16 3
                                    

Everything went fine except nalang sa nangyaring accidents kanina katulad noong madapa ang team namin at doon sa kawawang nahulog at nabayagan sa obstacle course.


Now we're going back to Fancy House. Oh gosh, please erase from my memory that elevator scene. Please!


Huminto na ang bus kaya nagsibaba na kami kahit pagod na pagod. Buti nalang damit lang ang laman ng bag ko, medyo masakit pa rin kasi yung likod ko dahil kanina eh. No regrets naman pero masakit talaga.


Tumungo kami sa kani-kaniyang kwarto para magpahinga. Time check, 4:30 pm. Sulit na sulit yung pagpunta namin kanina, ang sarap sa pakiramdam na mapawisan ka. Feeling mo alive na alive ka. Feeling na buhay ka talaga. Naikwento ko rin bang nag boodle fight kami kanina? Sobrang saya! As in. Lumabas yung mga masisiba kumain, tawa lang kami ng tawa kasi nagkaroon pa ng contest kung sino  mas maraming makakain. 


"Haaa" Christy let out a long sigh pagpasok agad namin sa kwarto. Mukhang pagod na pagod ah. Bigla naman silang humiga ni Aiko sa kama. 


"Shower muna ako" paalam ko naman. Hindi na sila sumagot at nag 'ok' sign nalang. 


Binuksan ko ang shower at agad namang tumulo ang maligamgam na tubig. Nakaka-refresh lang. Narinig ko namang naghihigikhikan yung dalawa. Ewan ko, napapangiti nalang akong mag-isa dito sa banyo pag naririnig ko yung mga tawa nila ngayon. Mukhang mga  kinikilig pa  base sa pagkakarinig ko. 


Natapos ako at  ayun, nakita ko silang napatingin sa akin at nag ngiting aso. Ano na naman bang binabalak ng dalawang 'to? 


"Bakit?" tanong ko agad sa kanila habang nagpupunas pa ng twalya sa ulo. Bigla naman akong hinatak ni Christy dahilan para mapaupo ako sa kama kasama nila.


"So tell us, tomboy ka ba?" walang alinlangan na tanong ni Christy. Ilang beses ko bang sasabihin?


"Hindi, bakit ba?" sagot ko naman nang may halong kuryosidad. Napapaisip rin ako, bakit ba ako laging tinatanong ng ganito? Saka alam naman nilang may tinitibok na yung puso ko. Para saan pa 'tong tanong nila?


"Sure ka?" tanong naman ni Aiko ng seryoso.. Ano ba talagang meron? Siguro halata na mukha ko yung pagtataka sa kanilang dalawa. 


"Uy, seryoso ka naman masyado!" pabirong sigaw ni Christy sabay hampas sa akin habang humahalakhak silang dalawa ni Aiko. Seryoso, ano bang ginagawa ko kasama ang dalawang 'to? "Haha" sumabay nalang ako sa tawa nila kahit hindi ako maka-relate. 


"Pero seryoso, what if there's a girl that likes you. Anong say mo?" seryosong tanong ni Christy na nagpatahimik sa aming tatlo. Nakaka-pressure naman 'to. May nagawa ba ako para tanungin nila 'to? Sa loob ng tatlong buwan naming magkakakilala, kailangan pa bang tanungin 'to? Is this regarding about my fan?


"Hmm, wala naman sigurong masama kung may magka-crush sa aking babae? I'm Ravi in the parallel universe." napa-isip nalang rin ako. Ikaw, paano kung may magka-crush sayong kauri mo? Anong mararamdaman mo?


"Six o'clock na pala?" mahinang sabi naman ni Aiko habang nakatingin sa cellphone nya. Six na? Matagal siguro akong naligo kaya di ko napansin yung oras, saka nag tanungan pa kami nitong tatlo. Mga tanong na favorite at kung ano ano. 

Gender Bender [Under Revisions]Where stories live. Discover now