Chapter 20: Hell Week

219 26 3
                                    

"Devonn... Hey, are you listening?"

"Ay, ay ano ulit yun?" pagbalik ng presensiya ko sa paligid. Si David pala. Ayun, nagrereview na naman kami. Mamayang 12pm na kasi yung exam namin, tinatamad parin akong magreview.

Kahit isang linggo na akong tinuturuan nitong ni David, parang walang pumapasok sa utak ko. Sya lang. Ay malandi ka talaga Devonn! Huy! Ano ba? Study over lovelife ka tanga. Di mo priority ang mag lovelife, mag-aral ka muna! Mahal tuition!

"So yung Holocaust kasi ..."

Taena.

Wala akong maintindihan sa pinagsasabi nitong si David. Send help. Salita lang sya ng salita tapos wala akong maintindihan. I feel guilty mygash. Alam mo yung feeling na, gusto mo talaga mag concentrate pero ayaw ng utak mo. Yung tuwing may maririnig kang about lesson, biglang ayaw makinig ng utak mo. Ba't ganun? O utak ko lang yun hahaha.

"Uh ano... Sa totoo lang, wala talagang pumapasok sa utak ko. Send help hahahha" ang awkward shete. Pero seryoso, blanko utak ko.

*whacks*

Aray!

"Bakit mo ako pinukpok?" di naman sya malakas pero, why David? Pupukin daw ba naman ako ng bote sa ulo eh.

"Para matandaan mo. Pag nahulog tong isa, may kiss ka sakin. Pag mali naman sagot mo, lagot ka na" ay bes, ihuhulog ko tong bote hahaha jk. Malandutay ka Devonn Kawaguchi! Nilagay na nya yung isang bote sa ulo ko, yung isa naman hawak nya. Yung totoo? Nangangalakal ba sya ng bote?

"Ano ang tawag sa unti hunting pagkamatay ng kultura?"

Ay sus, ang dali naman ng tanong nya hahaha!

"Death of culture!" kampante kong sagot.

*whacks*

"Ethnocide ang tawag dun. Ethnocide. Tandaan mo yan sigurado akong kasama yan sa tanong mamaya" so tinotoo nya talaga na papaluin nya ako. So dapat pag pinalo nya ko di ako gagalaw kasi pag gumalaw ako mahuhulog tong bote sa ulo ko? Ganon? Hirap ah.

"What do you call a person who's sexually attracted to people of the opposite sex?" tanong nya. Sus, tinatanong pa ba yan? Super easy. This is soooo basic. Kahit ako ganito eh, syempre ang taong ganyan ay

"Inlove." sagot ko habang sya ay humalakhak at tumingin sa akin.

*whacks*

"Heterosexuals. That's what you call them Devonn." natatawa tawa nyang sabi sa akin. Ay oo nga pala, may heterosexuals, bisexuals, etc pala.

"Students, please proceed to your respected classrooms."

Homaygasshhh yun na yun? Parang ang bilis naman ata ng oras?! TAPOS NA AGAD KAMI MAGSAMA NI DAVID?!

Ay loka! Dapat ang iniisip ko ay yung tapos na kami magreview. Jusker.

Nagsimula na akong pagpawisan, kinakabahan ako.

"Deal?". Oh shxt. Ngayon ko lang naalala may deal nga pala ako kay Mr. No Manners! Yung magiging slave yung makakakuha ng mababa na grade.

"Goodluck Devonn! Punta na ako sa room namin. Tandaan mo lahat ng tinuro ko ah?" sabay ngiti nyang sabi. Kahit papaano gumaan yung loob ko.

"Goodluck din David! Libre mo ko pag nasa top ka ha?" pagbibiro ko naman. Natawa naman sya at tumalikod na. Nagsimula narin akong magligpit ng gamit ko at pumunta sa room.

Eto na. Nasa room na ako, I can feel this heavy dovy air. Nakakasuffocate.

Nireview ko lahat ng marereview para sa exam namin ngayon. AP WHY? 

"Put down everything and leave your pens on your table. Ilagay lahat ng bags sa harapan. Even your phones and calcus, put them in this box." sabi ng kakapasok lang naming teacher. Yun agad ang bungad nya mygash I can feel na talagaaaaa.

"Stand up at tumalikod kayo sakin. I won't let you put sticky notes on the back of your mates." mygoodness ang higpit ni T. Lea ah, grabi. Tumalikod nalang rin ako. Ui 'cher di pa ba tayo magsisimula?! Tumatakas na po lahat ng ni-review ko! Huhu.

"Sit down. Here's your test papers. Goodluck everyone." umupo na kami at hinanda ang utak namin.

*Bell ring*

Ipinasa na nila sa amin yung test papers.

"Don't forget to write your names."

What do  you call the deliberate and systematic destruction of the culture of an ethnic group?

Jusme ano tooooo?! Systematic destruction of my brain daw ay este culture pala. Uy uy my Brain's going to explode. Feeling ko na review ko to di ko lang matandaan eh!

Tumingin ako kay Mr. No Manners and daebak [[amazing: Korean word]]

Tuloy tuloy yung pagsasagot nya. Mukha ngang pa-easy easy lang sya eh. Di rin sya mukhang seryoso sa sinasagutan nya. Di ko alam kung matalino ba sya kaya mabilis nyang nasasagutan yung exam o di nya talaga alam mga sagot kaya nanghuhula nalang sya. What am I gonna dooo? Lagot ako kay mommy pag bumagsak ako.

Think Devonn, think!

Third Day of First Period Examination

Huhu gashhhhhh I DON'T WANT TO KNOW MY GRADES. SA WAKAS TAPOS NARIN ANG EXAM. SUMAKIT ULO KO TAE.

"I guess you sucked the exam. Look at your face haha!" pang-aasar ng sino pa ba? Edi si k*pal. Ay Mr. No Manners pala.

"Ha! Look at you, madali bang hulaan ang exam?" sagot ko naman. Nagtitigan naman kami ng masama. Bwiset.

"Ok class, get ready for our event." sabi ng teacher namin.

Ito yung pinagplanuhan namin dati at yung booth namin is Veggie Café. Nagbihis na kaming lahat ng maid at butler uniform.

"Devvy~" lapit sa akin ni Aiko.

"Oh Aiko, kamusta exam?"

"Nothing much, I'm still beautiful hahaha!" ang cute nya bumanat haha!

"Wahh, ang cute mo sa maid outfit!" umikot naman sya para mas makita ko yung suot nya. Ang ganda talaga, bagay na bagay sa kanya. Sana kahit minsan bumagay rin sa akin yung mga pambabaing damit. But no, ayoko hahaha.

Sucks, hindi nakuha ni Khin yung measures ko dati kaya wala akong maid outfit! Tapos may isa kaming absent na lalaki kaya yung sa kanya ang isusuot ko. Not a big deal na magsuot ng suit pero naman eh! Gusto ko nga magmukhang cute kay David eh. Pero joke lang, maid outfit sucks kung ako ang magsusuot HAHAHA.

Lumipat na kami sa Building 1 dahil doon namin aayusin ang booth namin. Remember na napaaway pa kami para lang makuha tong pwesto dito malapit sa entrance ng school.

"Welcome to Veggie Café!" Masaya naming sabi sa mga pumapasok sa booth namin. Of course, pinagkaguluhan sila Aiko at Mr. No Manners.

Gender Bender [Under Revisions]Where stories live. Discover now