Chapter 37: Run!

304 11 7
                                    


"Oops, sorry. Ten." -Darren

"Let's watch them. Nine." -Aiko

Ako lang ba? Ako lang ba ang naguguluhan at walang kaalam alam sa sitwasyon namin? All of a sudden naman kasing may lalaking kinaladkad ang Unluckies dito sa rooftop eh.

"Okay fine. Eight." Bigkas naman ni Christina. Teka? Kanina ang sabi ni Darren ay ten, si Aiko naman ay nine. Is this some kind of countdown?

Hindi parin mapakali ang isip ko tila ba hinahanap sa kaibuturan ng utak ko ang posibleng dahilan ng mga pangyayari ngayon. Hindi naman ako tanga para hindi maramdaman ang pag iiba sa aura ng mga kasama ko. Para bang nasa giyera kami.

Nasaan na ba ang teachers? Sa pagkakaalam ko ay dapat nasa silid aralan kami at matahimik na nakikinig sa boring lessons. Saka sa dami g estudyanteng nakaantabay sa amin ay imposible naman atang hindi iyon mapansin ng teachers?

Sakto namang kakatunog lang ng bell indikasyon ng susunod na klase. Nagsiliban na ang iilang estudyateng nanonood sa ganapan ngayon kahit halatang labag ito sa kaloob-looban nila. Hanggang sa kami nalang ang matira sa rooftop. Gusto ko na ring bumalik pero sa tingin ko ay kinakailangan ko na masaksikan ang gagawin nila.

"Spill the beans now. Seven." pagbasag ni Ace sa katahimikan namin. Pinagmamasdan ko parin ang mga kilos nila. Mga nakatayo lang habang tinitignan ang lalaking nakasalampak sa maalimoong sahig sa gitna namin.

"Or else, you want to see your own blood bathing your own body. Six." Bakas sa tono ni Giljam ang pagiging seryoso niya sa naturan niya. Ang dating kilala ko na puno ng kakulitan sa katawan ay ngayo'y parang ibang tao na.

"What are your schemes? Answer in Five." Direktang nakatingin si Louie sa lalakaing nasa gitna namin.

Pinagmasdan ko sina Aiko at Christy na tila ba ibang tao narin ngayon. Hindi mo mababakas sa mata at mukha nila ang pagiging masaya, friendly, at masigla nila noon. Hindi ko nga talaga sila lubusang kilala.

Nadako naman ang tingin ko sa kapatid ko na ngayo'y nakiki-usyoso sa notebook ni Law. Napatingin din sya sa direksyon ko at saktong nagtama ang mata namin. Siya ba si Darren? Hindi ko makita sa kaniya ang kapatid ko. Ako lang ang walang kaalam-alam sa mga nangyayari ngayon. Nakipagtitigan pa ako ng ilang saglit sa kapatid ko nang mauna siyang bumitaw ng tingin. Muli niya akong tinignan at napa-iling iling nalang. Seriously? What's the matter with all of you?

"Four..." Naiinip na bilang ni Law habang rinig na rinig ang pagpitik ng sapatos nya sa semento. Para bang inip na inip na itong marinig ang sasabihin ng lalaki.

Hindi ko naman magawang magsalita dahil wala naman akong alam dito. Naaawa lang ako sa sinapit ng lalaki. Hindi kita ang mga tama niya sa katawan dahil sinadyang puruhan siya sa mga bahaging hindi makikita ng mga guro o ninuman. Ano ba talaga ang dahilan kung bakit ito ang ginawa sa kaniya?

Teka, naalala kong may nagtanong sa kaniya kung istudyante siya rito o hindi. Pero sapat na ba iyon para puruhan siya nang wala man lang siyang ginagawa? Baka naman transferee kaya ngayon lang nila nakita? Wala kang alam Devonn. Pagpapaalala ko sa sarili ko.

"Ano? Naiinip na kami. Three!" Sigaw naman ni David. Nakabilot pa ang kamao nito na halata  mong galit na galit. Hindin siya ang David na nakilala ko. Ang David na nagustuhan ko. Ang David na sa paningin ko ay anghel ay hindi na siya. Nalihis naman ako kay Khin na katabi niya.

Alam kong bad boy itong si Khin at hindi na bago iyon sakin. Pero matapos niya akong pakitaan ng iilan niyang good sides ay babalik na naman siya katulad ng kung ano siya dati? Bakit...

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 12, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Gender Bender [Under Revisions]Where stories live. Discover now