Chapter 4: Unluckies

547 48 8
                                    

"IKAW?!"

Hindi ko alam. Bakit ganito? Bakit lalaki yung roommate ko? Sa dinamirami ng studyante dito, bakit sya pa? Naiinis ako. Sobra. Ano na lang mangyayari sa amin dito? Isang babae, isang lalaki, sa isang kwarto. Ano bang iniisip ng school na ito?! Paano magiging sya yung roommate ko kung magkahiwalay naman yung kinuhaan namin ng box? Wag mong sabihin, na isang lalaki at babae talaga ang nasa isang kwarto? Mababaliw na ako. Bigla nalang naglakad yung paa ko. Hindi ko alam kung saan papunta yung paa ko. Paano si David? Pano pag maganda yung roommate nya? Tapos magka-in love-an silang dalawa. Di ko maimagine! Dapat sya nalang yung roommate ko >.< Paano nalang yung kapatid ko? Na may kasamang babae? Hindi ko sya mababantayan. Third year palang sya at sa ganung edad, may posibilidad na maaya sya ng tukso. Kailangan ko syang puntahan, wala na akong pake dito sa roommate ko. Makikipagpalit nalang ako sa kapatid ko, oo tama ganun nga!

Nang mahawakan ko na yung pinto ng kwarto, bigla namang namatay yung ilaw. Anong problema? Brownout ba? Hihingi nalang rin ako ng kandila sa mahihingan.

"AAH!" nakarinig ako ng malakas na galabog. Tapos may humawak sa paa ko. Juice ko, ilayo nyo po ako sa masasamang ispirito. Nag cross sign ako. Ano ba ito? May mumu ba dito? Usually hindi naman ako takot sa dilim, pero anong nangyayari saakin? Pinagpapawisan ako ng malagkit. Nanlalamig ako. Bumibilis yung tibok ng puso ko. Kinakabahan ako. Tumataas yung balahibo ko.

"Tulong" hala sino yun? Mumu ba yun? "Waaa!!!" Palabas na sana ako kaso pinipigilan ako nung mumu. Hala? Asan na nga pala yung roommate ko? San sya nagpunta?! Iniwan nya ko dito sa mumu? Gaano ba kalaki yung galit nya sa akin? Malas ba ako? Mommy, I need you huhu.

"Roommate nasan ka?" Nasaan ka hayop! Iniwan mo ako dito, pag may nangyaring masama sa akin lagot ka! Di pa kita napapatawad sa pagsapak mo sa akin kanina letche ka.

"Nandito" hinahanap ko sya pero wala akong makita, ang dilim dito sa kwarto. "Nasan?" tinanong ko sya ulit pero biglang hinigpitan nung mumu yung pagkapit nya sa paa ko. "Nasan ka?!" tumaas na yung boses ko, dali nasan ka hayop? Nanginginig na yung tuhod ko.

"Nandito nga" nanghihina na yung boses nya, kagagawan ba yan ng mumu?

Bigla namang bumukas yung ilaw. Napanatag yung loob ko dahil maliwanag na ulit. Natatakot akong tumingin sa paanan ko. Pinikit ko nalang yung mata ko. Hinihintay kong tigilan nung mumu yung paa ko, pero ayaw nyang bitawan!

"Hoy, tulungan mo ako." roommate? Ikaw ba yan? Nasaan ka? Hindi kita makita? Nasan ka?

"Buksan mo yang mata mo tanga! Walang multo dito. Bilisan mo, tulungan mo ako" tingnan mo to, wala talagang manners. Ng hihingi pa sya ng tulong nyan ah? Tss. Binuksan ko naman yung mata ko, tumingin ako sa paanan ko. May tao dun. Yung lalaking pogi na sana kaso wala namang manners na nanapak sa akin na naging roommate ko yung nakita ko.

"Wag mo na akong titigan, alam kong pogi ako. Bilisan mo na dyan!" Aba, bahala ka sa buhay mo! Ang yabang mo. Pogi? Saan? Di ko mahanap. Si David lang yung pogi sa panginin ko. Saka ang bossy mo ah? Hindi ka pa nga nag so-sorry sa ginawa mo tapos gusto mong tulungan kita? No. Never. Sipain ko kaya to sa mukha? Para naman makaganti ako. Kaso kawawa naman, may sugat na sya sa ilong tapos parang may pasa yung mukha nya? Patas na siguro kami? Haha! Ang bilis nga naman ni karma. Hays >:)

"Bilisan mo" anong akala mo? Mauutusan mo ako? Ganyan ka ba humingi ng tulong? Katawa ka. Sinipa ko sa ere yung paa ko para matanggal yung pagkakahawak nya. Type na type nya siguro yun, ayaw lubayan eh. Kala ko pa mumu sya, tungnuh. Lumabas na ako sa kwarto at pumunta sa room 20. Room ni kapatid. Nasa tapat lang ako.

"Ahhh!" Whatata, si kapatid yun ah? Anong ginagawa nila?! Dumikit ako sa pintuan, pinakikinggan ko sila.

"Wag! Dahan-dahanin mo lang" oh juice ko, ako na po ang humihingi ng inyong kapatawaran sa kapatid ko. Di ko na kaya, wala na akong paki na makikita ko sa kanilang dalawa! Pumasok ako nang hindi kumakatok. Tumakbo ako hanggang sa makita sila.

Gender Bender [Under Revisions]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora