Chapter 15: Others

226 29 1
                                    


Khiniel's P.O.V.

"Fvck! I said I don't want to marry her!" binabaan ko na sya ng telepono.

Bwiset! Nakakabwiset talaga! Ilang beses ko na sinabi na ayokong ikasal kay Aiko ee. Ilang beses ko nang pinaintindi na kaibigan ko lang sya at wala akong gusto sa kanya. Imposibleng magkagusto ako sa kanya! Ilang beses na ako nagpumilit na ayoko sa kanya. Ilang beses na! Ilang beses na pero hindi parin nila maintindihan.

Nag-iinit na ako sa galit. Parehas naman na labag sa loob namin yun ni Aiko ee. Bakit si Aiko pa? Bakit kaibigan ko pa? Nakakainit talaga ng dugo tuwing kasalan ang pag-uusapan ee. Nadamay pa si Aiko sa kawalanghiyaan ni dad. Napakakulit ng matandang iyon! Old fvcking geezer. Sa sobrang galit ko sinuntok ko yung pader. Hindi ko na naramdaman yung sakit ng kamao ko sa sobrang inis. Inis at galit ang nangingibabaw sa buong katawan ko. Sa tingin ko makakapatay ako ng tao ngayon.

*knock knock*

Bwiset talaga, kung etong kumatok kaya patayin ko?!

"Khin"

"WHAT?!" sigaw ko. Halos lumabas na yung lalamunan ko sa sobrang lakas ng sigaw ko. Tangina kasi, dadagdag pa ee. Badtrip! Bigla naman nyang ginalabog ang pinto. Narinig ko na pinakuha nya ang master key sa maid namin.

"Hoy Khin! Wag mo akong sigaw-sagawan ha!" Bungad nya sa akin at tinutukan ako ng kawayan na hawak nya. Tss, you think you can scare me? I ignored her. Nilagpasan ko sya at nagpunta sa harap ng closet. Pumili ako ng suit na susuotin ko. Mas mabuti pang huwag ko nalang sya pansinin. Baka sa kanya ko lang mailabas yung pagkainis ko.

"Umalis ka nga" Utos ko sa kanya. Of course, she can't see my sexy body. Swerte naman nya? Makikita nya ang katawan ng nag-iisang Khiniel Dawson. Nag cross-arms naman sya at nagtaas ng isang kilay. Ang slow talaga neto, bakit ko ba naging kapatid to? Plus Student Council President pa sya sa lagay na yan? Kalokohan.

"Khin, wag mo ako sisigawan ulit, kung hindi ipupukpok ko talaga sayo 'tong kawayan na hawak ko!" sabi nya with serious face.

"Ok. Ok fine." Oo ko nalang. Hindi naman kasi sya tatahimik kung hindi ako sasang-ayon. Di lang yan titigil sa kakadada nya. Palabas na sya ng kwarto pero bumalik sya ulit. Ano ba? Hindi ako makapag bihis ng dahil sayo! Late na ako, nandun na sa school sila Ace. Bwiset talaga itong araw na to. Kasalanan to ng nagmamagaling kong ama at ina.

"Maghanap ka na kasi ng girlfriend mo para matigil na yung kasal. Goodluck lil bro." Nagpatuloy na syang lumabas ng kwarto at isinarado na nya ang pinto. Sa wakas makakapagbihis na rin ako. Pero iniisip ko yung sinabi nya, pag ba nagkagirlfriend ako ulit mahihinto na yung kasal? What kind of bullshit is that? Nagbihis na ako ng suit, baka hinahanap na ako ng Unluckies.

"Get my car." Utos ko sa katulong namin. Tumingin lang sya sa akin na parang hindi nya alam ang gagawin nya. Tss, walang kwenta. "You're fired." hindi ko kailangan ng katulong na katulad mo. Napaluhod naman sya sa sahig.

"Young master, sorry po. Hindi po ako marunong magpatakbo ng sasakyan." Tss, wag nga ako, kaya ka lang naman nandito dahil sa kagwapuhan ko. Bahala ka sa buhay mo. Saka hindi pinapatakbo ang sasakyan, pinapaandar yun. Bobo neto. Patuloy na akong naglakad at nagpunta sa garage. Bakit may gasgas ang side mirror nito?! No good. Kukuha nalang ulit ako kila Giljam. Pumasok na ako sa kotse ko at pinaandar ito. Bumusina ako sa may gate para buksan ito ng gate keeper namin. Nagpatakbo na ako ng mabilis.

Nagtext ako sa Unluckies. Ipinaalam ko na nandito na ako sa school, ang sabi naman nila dumiretso ako sa Club House. Habang nagda-drive, nakita ko si Aiko na may kasamang lalaki at magkaholding hands sila. Bumaba agad ako ng kotse at tumakbo papunta sa kanila. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin. Inis na inis ako ngayon. Kumukulo ang dugo ko at nag iinit ang taenga ko. Ramdam na ramdam ko yung galit sa katawan ko. Sinuntok ko agad yung lalaki. Napasalampak naman sya sa sahig. "Don't go near her. If you do, I'll kill you." sambit ko. Hinila ko na si Aiko palayo sa lalaking iyon. Pinapasok ko na agad sya sa kotse.

Gender Bender [Under Revisions]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang