Chapter 14: ???

225 30 2
                                    

Pumasok sya sa kwarto ng tuwang tuwa. Alam nyo na kung sino yung tinutukoy ko? Sino pa ba? Edi yung walang kwenta na leader ng Unluckies na ang hangin hangin na si Mr. No Manners. Bwiset.

"Kamusta?" sabay ngisi nya. Demonyo talaga nya, nakuha pa nya akong tanungin ng 'kamusta'? Magsisinungaling ako kung sasabihin kong ok lang ako. Kakainis to.

"Masaya ka na ba?" tanong ko. Kahit mukhang hindi naman.

"Better be ready." sabi nya at humiga na sa kama nyang pink. Bakla talaga nya. At ano daw? Better be ready? Bakit? Teacher ba sya? Ang kapal ha! Better be ready nya mukha nya. Kala mo lang hindi ako nagagalit sa mga ginagawa mo pero, nagtitimpi lang ako. Subukan mong ubusin ang pasensya ko, malilintikan ka talaga sakin. Tandaan mo yan.

Minsan iniiisip ko kung bakit ako ang trip nya? Di ba nya naiisip na pwede ko syang patulan dito sa kwarto? O alam nyang hindi ko sya papatulan? Bakit kaya ang kitid ng utak neto?

Pwede bang sakalin ko nalang sya? Haha jk lang. Gosh, kung ano ano nang pumapasok sa isip ko.

Hay buhay, bakit ba ako nandito sa Red's High? O diba may rhyme pa haha!

Kung hindi lang talaga sya pinsan ni David, binigwasan ko na sya.

Humiga na rin ako sa kama ko. Hindi ko dapat sya iniisip. Bahala sya sa buhay nya. Basta ako, kay David parin. Ay landi! Haha tama na nga.

**

Heto na naman tayo. Panibagong araw na naman. Panibagong pagsubok. Panibagong kalandian. Haha jk!

*binato ng itlog* "Aray! Sino nambato nun?!"

At ano ito?! Ang lagkit! Itlog?! Napatingin agad ako sa likod ko para makita kung sino yung nambato ng itlog sakin. Pero maraming istudyante yung nasa likod ko at nagtatawanan. Ha-ha-ha, so funny. Ang lagkit ng buhok ko! The worst part is, short haired ako kaya tumulo yung egg whites sa batok ko.

Nagpatuloy ako sa paglalakad. Trip ako netong mga 'to ah? I'll keep my cool. Ang aga aga, mabubwisit ako. Sila naman, ang aga aga nambubwiset agad.

*binato ng itlog*

Shiks! Aba talaga! Hindi ko na nga pinansin, nagpapapansin parin. Siguro crush ako nitong mga 'to? Goodness, trip talaga nila ako no? Ako ata target nila? Mga walang magawa sa buhay eh. And for the second time, I'll just ignore them.

"No fun." rinig kong sabi ng isang istudyante. Oo, no fun talaga. Kaya kung ako sa inyo, tigilan nyo ako dahil mahaba pasensya ko. Alam ko namang nasulsulan lang kayo ni Mr. No Manners eh. Nagpatuloy lang ulit ako sa paglalakad, pero sinusundan nila ako. Teka, aso ba kayo?

Biglang may bumato na naman sa akin ng itlog. At this moment, marami na silang bumato. I covered my face quickly. Pinagbabato nila ako ng itlog habang tuwang tuwa. Ang sakit ng mga tumatamang itlog sa akin. Tapos umaalingasaw yung amoy. Mga bugok na itlog pa yung ginamit nila! Ang baho ko naaa! Oh no, I'm starting to lose my temper. Pero hindi pwede. Konting tiis pa Devonn, titigilan ka rin ng mga yan.

Nakarating na ako ng classroom and ngayon ko lang narealize na, bakit nga ba ako nagpunta dito? Wala naman akong gagawin dito and look at myself. Naglalagkit na sa mga itlog. Nagsitakipan naman sila ng mga ilong. Aiko is not here. It's better that she won't see me like this. I don't want her to worry. Though, I don't know if she'll be worried.

Lumabas agad ako ng classroom at tumungo papuntang dorm. I guess, I'll have a leave. Aabsent muna ako.

Naligo na ako tapos kumuha ng pamalit na damit at nakita ko sa cabinet yung PE uniform. Right, hindi ko pa pala ito nababalik sa may-ari. Hindi ko naman sya kilala, so paano ko mababalik to? Pano ko rin kaya sya mapapasalamatan? Hayst.

Dinala ko na yung uniform kong napakabaho dahil sa mga bugok na itlog sa laudry room.

Hm? May nakita akong babae, smooth long brown haired and maputi. Is that, Aiko?

"Aiko?" tawag ko sa kanya, bigla syang tumakbo palayo sa akin at hindi manlang sya tumingin sa direksyon ko. Hindi ko sya namukhaan. Maybe she's not Aiko. Pumasok na ako sa laundry room at inilagay sa washing machine yung uniform ko. Sinabay ko na rin yung iba kong damit. Wait

Something's wrong.

Gumagana yung katabing machine tapos may laptop and bag sa loob nito. Jusme, what is this? Another scene of bullying? Hinintay kong matapos yung pag-ikot ng washing machine at agad na inilabas yung laptop and bag. Kanino kaya ito? Ay oo nga pala, may name tag dito sa bag. Tinignan ko yun and I found out that this bag was mine. IT WAS FVCKING MINE. And this laptop too. LANGHIYA! Sinong gumawa nito?!

Teka, may babae kanina rito, she looked like Aiko but I am sure na hindi ito magagawa ni Aiko. Besides, wala naman akong ginagawang masama sa kanya so there was no reason for her to do this. And I trust Aiko.

But who the fuck did this to my things?! Like, really? Nag effort pa syang kunin yung bag ko sa classroom tapos itakbo rito sa laundry room? Wow. Just wow.

Pumunta agad ako sa labas ng dorm para patuyuin itong gamit ko. Sa tingin ko, wala nang pag-asa itong laptop ko. Tsk, sayang naman to! Ang mahal mahal kaya ng laptop.

Kapag nalaman ko kung sino may gawa ng lahat ng ito, uupakan ko talaga. Buti nalang wala pa akong nilalagay na anime merchandise dito.

Nandito lang ako sa labas ng dorm, binabantayan yung pinaaarawan kong mga gamit. Tsk, grabe naman yung gumawa nito! Aysh, pag hindi ito natuyo ngayon, bibili nalang ako ng bagong set ng notebooks and books. Kaso sayang pera eh.

Matuyo ka na pleaaase!

Bullying na itong ginagawa nila sa akin ah.

× × × × × × × × × × × × × × × × × × × × × ×

A/N: Kung nagustuhan nyo po please vote, share, and post a comment! Feel free po sa pag post ng comment, either bad or good Ok lang kasi opinyon nyo naman yun :) kung may tips kayo sa akin, go ahead! Salamat sa nagbasa at magbabasa ng kasunod! ^∆^

× × × × × × × × × × × × × × × × × × × × × ×

Next

Chapter 15: Others

Gender Bender [Under Revisions]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon