Chapter 23: War

224 22 4
                                    

"I told you she can't be yours because she's mine."


Konting nga-nga nalang mahuhulog na yung panga ko.


"Pare nagkakalabuan ba tayo rito?" sabay hawak ni David sa lower lip nya with matching death glare and I think that's sexy. Malandi ka talaga Devonn, hindi ito yung time para isipin mo iyon. 


"We're all clear that she's mine." hirit naman ni Khin. Medyo nagkakainitan na sila at bumibigat na ang atmospera pero ayaw mag sync-in ng mga nangyayari sa utak ko. EOTTOKHE?!


Author ng buhay ko, hindi ko hinihingi ang ganitong pangyayari! Pwede paki balik nalang ako nung time na nagdedesisyon ako kung papasok ako sa Red's High? Babawiin ko!


[A/N: Stay there. Ginusto mo yan so ibibigay ko hihi.]


Ngumisi si David kay Khin at sinabing, "Nagpapatawa ka ba pre? Eh diba pinaglalaruan mo lang naman sya?"


"Ako ang natatawa sayo, di ba sabi mo she's nobody? Sabi mo she's not your type. Sabi mo pinagtitripan mo lang sya." kalmadong sagot ni Khin. Real talk ba 'to? Totoo ba lahat ng sinabi nya? Kaya ba wala akong maramdaman sa lahat ng sinabi ngayon sa akin ni David dahil totoo nga itong sinabi ni Khin? Oh brain, please cooperate.


Alam ko namang pinaglalaruan ako ni Khin at sanay na ako roon. Pero hindi ko maimagine na laruan lang ako ni David? All this time akala ko mabuti syang tao. Eh mukhang mas mabuti pa nga ata si Mr. No Manners sa kanya eh. At least si Kingkong harap harapan akong ginagago, harap harapan akong pinagtatawanan.


Pero David? Di ko talaga akalaing ginagawa na nya akong tanga. Yes I fell for him, matagal na. Pero grabe naman kung paglalaruan mo yung feelings ng isang tao di ba?


"Oo sinabi ko ang mga iyan" unang lines pa lang sa sinabi ni David gumuho na ang mundo ko. Ramdam ko ang mainit na luha sa pisngi ko. Oo umiiyak ako. Masakit eh, yung taong gusto mo aaminin na ginagago ka nya pero nakuha nya pang mag confess kanina. Ang saya diba? Mukha akong tanga.


"Pero iba na ngayon. Oo di sya matalino, hindi kilos babae, malakas kumain. She's totally not my type-"


"She's not your type pala pare eh, 'bat ganyan ka kumilos? She's fat ass. Wala syang poise. Wala rin syang pake sa itsura nya. She's not into girly things so ano pa bang gusto mong iparating?" Pagputol ni Khin sa mga sinasabi ni David. Pa-mura nga isa. Putangina. Tngna rin netong mga 'to eh noh? Ginagalingan rin sa panlalait sa akin. Sa harap ko pa talaga. Ang lakas ha? 


"Pero iba na ngayon. Devonn, hear me." Hindi ko mapigilan ang pag-agos ng luha ko. Ang hirap hirap sa sitwasyon ko. Iba na ngayon? What does that mean? Iba na ngayon kasi alam ko na ang baho nya? Iba na ngayon kasi nagising ako sa katotohanan? Pumagitna sa amin si Khin. That way hindi ko na makita si David at tanging likod lang ni Khin ang nakikita ko.


"That's enough. Can't you see? She's hurt. Because. Of. YOU." sabi pa ni Khin at pasimpleng inabutan ako ng panyo habang nananatiling nakatalikod parin sya.


"Wala kang karapatan para harangan ako Khin. Let me explain myself. Hindi mo alam ang pinagdadaanan ko." sagot naman ni David na may halong pagkainis na. 


"She doesn't need your explanation pre. Alam ko naman na gusto mong sabihin na gusto mo sya diba? Pero di mo ba nakikita? Di mo  ba talaga naiintindihan? Give her time to think! She's not a robot para sagutin ka ng ganoon kabilis! Isa kang malaking GAGO" nagulat ako sa isinigaw ni Khin. Para syang dragon na konti lang magbubuga na ng apoy. Nope, I'm wrong. He's spitting fire right now. He still have manners pa rin pala kahit papaano. I'm touched by his words.


"Even though her gestures are like a guy, she's still a girl! Tanga ka talaga pare. I want to root for you but I don't want others to touch my property." mas lalo pang tumulo ang mga luha ko sa sinabi ni Khin. Yes. That's right, I'm still a girl. Im human and I have feelings too. Di ako makatingin sa kanilang dalawa ngayon dahil nilalamon na ata ako ng tensyon.


Hinila ako ni Khin sa kawalan. Iniwan namin si David sa harap ng room namin. Hindi ko alam kung saan kami pupunta ni Khin pero automatic nalang na sumusunod ang paa ko. Wala ako sa sarili ko ngayon. Wala ako sa katinuan.


"Stop crying, stupid." hindi ko alam kung mako-comfort ba ako sa sinabi nya, may stupid pa kasi eh. Can't he say it not being a jerk?


"Stop crying." He said it with his deep voice and sincerity. Two words, but still kahit na sobrang comforting ng mga binitawan nyang salita mas lalo akong napaiyak. Humagulgol na ako sa iyak. Hindi ko na kaya eh. Wala na akong pake kahit para akong bata kung umiyak. Masakit kaya. Kanina pa ayaw tumigil ng luha ko.


Kakalakad namin hindi ko namalayang nasa dorm pala kami. Hindi ko na rin inintindi na may klase pa pala kami. Alam kong my valid is not reason or my reason is not valid. Nababaliw na ako and for sure may parusa akong kailangan harapin pero hindi ko talaga kayang pumasok ngayon. I'm weak. I act like a guy but still I'm weak.


Umupo ako sa isa sa mga upuan dito sa lounge. Tumayo naman si Khin para kumuha ng maiinom sa vending machine. Pinunasan ko yung luha at uhog ko. Tumingin sya sa akin ng seryoso. What are you looking at? Right, it's his handkerchief at siningahan ko ito. 


"Teka, may pera ka ba dyan? I do have cards lang kasi." natawa naman kaming pareho. This is the first time na magaan ang feelings ko sa kanya. Kasi usually, ayoko syang kasama at nakikita. Dumukot ako sa bulsa ng pera pero natawa nalang kami ulit sa laman ng bulsa ko. It only have my cafeteria card. Parehas nalang kaming bumalik sa pagkakaupo. Hopeless kami rito sa vending machine.


Walang nagsasalita sa amin but I'm contented with his presence. Naalala ko lang lahat ng mga sinabi nya kanina. May ganoon rin pala syang side?


"Don't get the wrong idea." sabi naman nya habang nakatingin sa malayo.


"Alam ko, you don't want things bad for Aiko's sake." napangiti naman ako ng konti. Bigla naman syang napatingin sa akin ng nagtataka.


"What?" tanong ko.


"Stupid." at saka nya binaling ang tingin sa iba.


Tss.


Hindi na kami pumasok sa mga klase namin onwards. Feeling ko safe ako pag kasama ko sya. Hindi ko na nga nagawang mag-alala na mapunta ulit sa jail room eh. Nagkwentuhan nalang kami tungkol sa mga bagay bagay. May weird side rin pala sya? Akalain mong yung rival ko ang kausap ko ngayon.


Napag-usapan namin kung paano tumatae yung mga nasa spaceship tapos kung lulutang parin ba yung matataba sa outerspsce. Like for bear's sake, how can he think of that things when he's top 1? How silly he is. Natatawa-tawa nalang kami sa mga pinagkukwentuhan namin.


This is really the first time that we got comfortable with each other.

Gender Bender [Under Revisions]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz