Chapter 8: Clubs

415 35 11
                                    

*yawn*

Another day of my boring life.

7:30am

Buffering...

Buff

Buff

Waaaa?! Nakuuu, late na ako! Huhu third day ko palang dito ganito na? Napuyat ako kakaisip kagabi ah? Eto namang roommate ko walang kwenta, di man lang ako gisingin! Ay feeling close?

Bumaba na ako dala yung uniform para maligo. And guess what? Pagkatingin ko sa pink nyang higaan nakita ko syang natutulog. Gigisingin ko ba to? Iwanan ko nalang kaya. Di naman kasi ako ganun kasama. Tiningnan ko syang mabuti. Ang amo ng mukha nya. Parang ang bait bait nya. Pag tulog. Pinindot ko yung cheeks nya para gisingin. Sorry di kami close para gawin ko yung panggigising ko kay kapatid. Ay oo nga pala! Baka tulog pa rin yun. Lumabas agad ako at nagpunta sa kwarto nila kapatid. Wala na sila. Tss, nasayang lang ang oras ko sa pagpunta rito. Nakakatampo, ako ginigising ko sya pero sya di nya ako ginising. Walang kwentang kapatid. Bumalik na ako sa room. Tulog parin si Mr. No Manners.

"Hooooy~" bulong ko sa taenga nya. Wow baka magising sya nyan Devonn. Ang galing mo talaga eh no? Di ko na nga gigisingin yan. Baka magkaroon lang ulit ako ng pasa, di pa nga masyadong magaling yung pasa ko madadagdagan pa.

Pumasok na agad ako ng cr para maligo. Kailangan kong maligo agad bago pa sya magising. Right, may ginawa nga pala akong rules. Kumuha ako ng papel sa desk at sinulatan ng "Taken" means taken na itong cr kaya bawal syang umepal. Hopefully maintindihan nya. Mabilis akong naligo dahil late na late na talaga ako. 7:30 yung start ng klase pero yun yung oras na nagising ako. Ang galing ko talaga.

Biglang bumukas yung pinto. Tss, aasa pa ba akong susunod sya sa rules? Konting respeto naman hoy! Babae po yung kasama mo. Buti nalang tapos na akong maligo at naka-uniform na rin ako. Nagkatinginan kami, ang tagal nyang kumawala sa tingin.

"Ah, may roommate nga pala ako?" Sabi nya with his morning voice. Trying to look sexy? That won't work at me. Pero grabe ah, halatang half asleep pa sya. Subukan nya lang na gawin yung ginawa nya kagabi, isusubsob ko sya dito sa bowl. Nag shoo-shoo sign ako sa kanya means na lumabas sya. Kaso no effect. Ano bang laban ko dito sa zombie na to. Nag toothbrush na ako dahil wala talaga akong panahon sa kanya. Bahala syang tumulala dyan. Tumabi sya sakin at sumabay mag toothbrush. Wtf. "Hahaha!"

Tiningnan nya ako ng masama. Napatigil naman ako sa pagtawa. Haha! Grabe kasi, pati ba naman toothbrush at mug nya color pink parin? Not to mention na pati sando at pajama nya pink parin. Haha! I can't help myself but to laugh. Kalalaking tao ang hilig sa pink. Bading ka no? Napansin nya na pangisi-ngisi ako rito kaya

*bam*

Tongono ang sakit! Itulak daw ba naman ako sa pader? Tinanggal nya yung toothbrush nya sa bibig nya at nagsalita, "Shubukhan mong sumawa, maririnshikan ka shakin" ..

"Hahaha!" Nakakatawa!

Oh no. Ang sama ng tingin nya sakin. Kung nakakapatay lang yung tingin nya, kanina pa ako nakahandusay rito sa banyo. Dinura nya yung bubbles sa bibig nya na dala ng toothpaste saka tumingin ulit sa akin. Sinubukan kong dumaan sa ilalim ng braso nya pero bigla nyang pinandyak yung isa nyang paa. Ang lakas, nakakagulat. Napabalik tuloy ako dun sa pwesto ko. Kabayo ka ba ha? Kabayo ka? Naiinis na ako. Male-late na ako ee!

"Padaanin mo nga ako!" sinamaan ko na sya ng tingin. Kala mo nakakatuwa yung ginagawa mo? Kala mo bad boy ka na? HINDI. Walang wala ka kila Luffy, Sanji, at Zoro. Bigla naman nyang sinuntok yung pader. Ang bilis ng kamay nya, humangin yung buhok ko. "Pasalamat ka, kapatid ka ni Darren." Oh well thanks. Ipagpapasalamat ko pa ba yun sa kapatid ko? What a fvcker. Umalis agad ako sa banyo. Ok na sana, nakakatawa na sya eh kaso na-beastmode ko ata? Kaya ayun ang ending. Kinuha ko na yung bag ko at nagsapatos. Dumaan muna ako sa lounge para kumuha ng chocomilk.

Gender Bender [Under Revisions]Where stories live. Discover now