Chapter 29: Trip Day 1.2

265 20 8
                                    

"I'll take her to my room."







"I'll take her to my room."









"I'll take her to my room"







"I'll take her to my ... ROOM."



Wala nang ibang pumapasok sa isip ko kundi ang isang pangungusap na yan. Isang pangungusap na yayanig na naman sa buhay ko. Isang pangungusap lang pero maraming kahihinatnan. 

AAAAAAA!!! 



Ayoko na, suko na 'ko! 

Mag drop out kaya ako? Ano sa tingin nyo? Mabilis lang naman siguro bawiin yung isang taon diba? O kaya naman lumipat nalang ako ng school? Katatapos pa lang naman ng first quarter namin eh, siguro pwede pa?

"Mababaliw na ako!" wala sa katinuan kong sigaw habang hilahila ang maleta ko patungo kung saan gugunaw ang mundo ko. Isang impyerno ang makasama sya.

"Come here" aya naman sa akin ng magaling nyong Hari kuno. Aktong lalapit sya sa akin pero umuusod patalikod ang lakad ko. I want to keep distance from this creature. I'm really unlucky to met him!

"Come. Here." madiin nyang sabi sa akin habang sinesenyasan akong lumapit gamit ang kamay nya. Ramdam ko ang maiitim na aurang pumapalibot sa kanya pero kailangan kong protektahan ang sarili ko.

Ano na naman bang pakulo nya? He's REALLY pain in the ass! Bakit ko ba sya nakilala? Bakit? O kaya naman kahit nakilala ko sya, bakit ganito yung nangyayari? Wala na bang matinong araw sa buhay ko? Lagi nalang ba akong susunod sa kanya? Ano bang meron at sinusunod ko sya?

Sana hindi nalang ako pumasok noong Opening ceremony. Edi sana hindi ko na-meet 'tong halimaw na 'to!

Nagbukas ang elevator sa harap namin at ayaw maniwala ng mata ko sa nakikita ko.

"What are you two doing?"  para namang huminto ang mundo ko. Bakit ang lamig? Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko nang maaninag ko kung sino ang nagsalita. Isang magandang babae with her shoulder-length hair. A woman in her 40's. 

"Mother Lily" bulong ko nalang sa sarili ko. 

"Oh mom! We're on our way." hinila naman ako ng kasama ko papasok sa loob ng elevator. May pinindot syang floor at kaming tatlo lang ang narito sa elevator. This is suffocating. I can feel my heavy breathing. My heart keeps its fast phase. Parang nakikipagkarera kung kanino ang puso ko. Ayaw magpatinag! Pati itong tuhod ko, umaksyon na rin. Kulang nalang ata maihi ako.



Bumukas na naman ang pinto ng elevator at bumungad sa amin ang mga ibang lahi. Mga blonde ang buhok at may mga asul na mata. Mga naka suit and tie at may mga bitbit na papeles. Mukhang high class at may inaasikasong mahalaga. Lahat sila napatingin sa dereksyon namin. Para bang inaalam kung anong nangyari sa bawat sulok ng elevator.

"Mio, mio. Finalmente sei qui! Possiamo iniziare la nostra riunione. " maligayang bati naman ni Mother Lily at saka lumabas ng elevator. Kahit isa sa sinabi nya wala akong naintindihan. Nagbigay pugay naman itong kasama kong lalaki. Nasa labas na sya pero nasira ata yung elevator, o mabagal lang talaga? As soon as possible ayoko syang ma-meet! Hinihintay kong magsara ang pintuan ngunit mukhang tinamaan na ito ni tadhana. 

"Questo è mio figlio e .. uhm sua fidanzata." hirit pa ni Mother Lily sa mga kausap nyang ibang lahi. Napatingin naman sila sa amin at tumango tango habang nakangiti. Ano bang ginagawa ng mga hunghang na 'to? Wala akong ideya sa pinagsasabi nila. 

Gender Bender [Under Revisions]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon