Chapter 17: Help

279 30 5
                                    

[[A/N: Before you read this chapter, please play that soundtrack right there. Thank you. Lots of love!]]

Devonn's P.O.V.

"Hey Devonn? Gising.." ahh~ such an angelic voice. It's like I'm in heaven. David's voice is just ugh. And now, I'm awake again.

"Sorry, Nakatulog ako haha.." di ko alam na nakatulog pala ako habang nagrereview kami.

××Flashback××

"David!" tawag ko sa kanya habang tumatakbo palapit sa kanya. Huminto naman sya at tumingin sa direksyon ko. Ang pogi nya talaga guys.

"Oh? Kamusta? Ang dalang natin magkita ah." bati nya sa akin with wide smile. Stop that! My heart can't take this anymore.. Homaygat.

"Oo nga eh.." at sumabay ako sa paglakad nya. Hihi, para kaming couple. Ay lande! Nagsabay lang maglakad couple agad? Haha di na nga eh. Hay nako Devonn. Bakit ba ako ganito.

"Papunta ka rin bang canteen?" tanong nya sa akin.

"Ah hindi, hinanap talaga kita. Pwede humingi ng favor?" tanong ko naman. Hmm, is it really ok to ask him a favor? I don't know tho..

"Sure, ano ba iyon? Basta kaya ko." sabay ngiti nya. Ang pinkish ng labi nya, bakit ganon? Tapos yung mata nyang dark brown, ang ganda ganda... parang.. Parang.. Inaakit ako ng mata nya.

Ay juskopo! Devonn! Wag mo syang titigan ng ganyan, alalahanin mo he doesn't feel the same waaay! So stop! Stop! Stop! And diba binusted ka nya? Yesss, binusted ka nya! Binusted! Currently moving on ka na, kaya control yourself.

So after kong magising ulit sa katotohanang hindi nya ako gusto, pinigilan ko na syang titigan.

"Ah, magpapatulong sana akong magreview para sa incoming exam natin?" 

"Yun lang ba? No problem. Tara na doon sa Library" alok nya sa akin at dumiretso na kami agad doon.

×× End of Flashback ××

So, ayun nga ang nangyari. Nandito kami ngayon sa library habang tinuturuan nya ako. Then, di ko napansin na nakatulog na pala ko. Aysh, nakakahiya! Nakita nya pa tuloy yung sleeping face ko. Tas feeling ko nabastos ko sya kasi ako yung nagpapatulong pero tinulugan ko lang sya. Nakakahiya talaga. Kung nandito lang sana si Aiko, edi sa kanya nalang ako magpapaturo. Matalino rin kasi sya, si Christy naman hindi raw interisado sa pag-aaral. So ayun, kay David nalang.

"Ituloy na natin. So in terms of memorization, may mga techniques akong ituturo sayo." pagpapatuloy nya. Oo, hirap talaga ako dito pero alam ko pag sineryoso ko kaya ko naman. Focus Devonn!

"Try mo isulat sa sticky pad yung mga keywords. Tapos idikit mo kung saan mo yun mapapansin. Kunyari sa pader sa may higaan mo. Para nakikita mo agad."

Ah ganun pala yun, na-try nyo na ba to? Effective ba?

"Then, highlights. I'll print a copy of my reviewer for you" copy daw? Hala no no no, nakakahiya.

"Wag na David, tinutulungan mo na nga ako eh, kaya ko na to" at nginitian ko sya. Hindi na sya nagpumilit.

Marami pa syang binigay na tips sa akin tulad nalang ng makinig daw sa music pag nagrereview, kung type ko lang daw kasi may mga nagrereview daw na gusto tahimik. So dun daw ako kung saan ako masaya, paano kung sa kanya ako masaya? Haha chareng. Ang landi.

Tapos sabi nya pa, matutulog na daw dapat ako ng maaga. Hihihi, kilig ako! Pinapatulog nya ako ng maaga <3

At marami pang ibang suggestions.

Gender Bender [Under Revisions]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora