Chapter 32: Trip Day 2.3

207 15 7
                                    

"Nope. My little evil Devonn you are mine." sabay kindat pa nito at hinila ako papalit pa sa kanya. Bigla namang tumaas ang mga balahibo ko. Kung ibang babae siguro ang nasa katayuan ko, mamamatay na sila sa kilig. Ako naman, mamatay-matay na sa kilabot na nararamdaman ko!


Pilit ko syang itinulak palayo sa akin kaso hindi nya parin binibitawan ang kamay ko kaya parehas kaming nahulog sa pool. Bumalot sa buong katawan namin ang malamig na tubig habang mas lalo kaming hinihila pailalim. Di kinalaunan, bago kami malagutan ng hininga ay pinilit naming umangat at humigop ng hangin.


"You! What are you doing?!" sigaw naman sa amin ng isang teacher habang ang ibang istudyante ay nakapokus ang tingin sa amin na nasa pool parin.


"You are disqua-"


"We are not!" sigaw naman ni kingkong sabay angat ng kamay naming dalawa. Teka-?! Hindi nya parin binibitawan?!


"Umahon muna kayo at magpunas. Kayo talaga! Wala na kayong ginawa kundi ang gumawa ng gulo." saway naman sa amin. Parehas kaming lumangoy papuntang gilid para umahon. Kasalanan niya ito eh! Nadamay pa tuloy ako sa listahan ng mga istudyanteng walang ginawa kundi ang manggulo.


"Hoy manyak anong ginagawa mo?!" pabulong kong sigaw kay Khin habang hawak nya ang bewang ko. Bigla-bigla nalang kasing humawak sa bewang ko?! Tapos ang gentle pa na ewan! Nakaramdam tuloy ako ng kuryente sa katawan ko, siguro kinikilabutan ako.


"Wag kang assuming, tinitulungan kitang umahon." sabi nya naman habang hawak ang bewang ko.


Hindi na ako umangal kaya tumalon ako habang sya naman ay puwersang binuhat ako para makaahon. Nakaahon na ako kaya't kumuha ako ng tuwalya sa bench para magpunas. Nakita ko naman sya na nakatingin sa akin habang nakalahad ang kamay nya.


"Tulungan mo kaya ako?" banggit nya habang papalapit ako sa kanya. Tinignan ko lang sya na nasa pool parin. Kaya naman nya umahon kahit walang tulong no. Hindi ko na sya pinansin kahit na magpuppy eyes pa sya.


Patuloy ko lang na pinunasan ang buhok ko nang mapansing nakatingin sa akin ang mga kaklase ko at ang ibang section. Na-intimidate naman ako sa atmospera nilang ibinibigay kaya napatingin ako kay Khin na nasa tubig parin at hinihintay akong tulungan sya. For the nth time I gave in! Kailan ba ako mananalo sa kanya?


"Oo na, oo na tutulungan na nga kita." walang gana at napipilitan kong sabi. Inilahad ko rin ang kamay ko kaya naman inabot nya ito. Hinila ko sya paangat pero binigyan na naman nya ako ng nakalolokong ngiti. Bago pa man sya makaahon ng tuluyan, hinigpitan nya lalo ang aking kamay. Lumiyad sya at sinipa ang dulo ng pool, dahilan ng pagkahulog na naman namin sa pool!


Bigla nya akong niyakap habang nasa ilalim pa kami kaya naman hindi ko mapigilang magpumiglas at huminga sa tubig. Nakalanghap ako ng tubig sa ilong kaya napaubo ako hanggang sa hindi na talaga ako makahinga. Dali dali nya akong iniangat sa tubig habang ako naman itong naghahabol ng hininga sa oras na maiahon ko ang ulo ko.


"A-alam mo bang muntik na akong malunod?!" sigaw ko sa kanya habang hinahampas hampas ng dalawa kong kamay ang kanyang dibdib. Pinigilan nya ang mga kamay ko gamit ang mga kamay nya.

Gender Bender [Under Revisions]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon