Chapter 33: Trip Day 2.4

191 15 2
                                    


"May nangyari ba kay Aiko?!" I shouted  when I realized that something's off. Hinding hindi man kailan maghihiwalay 'tong dalawang 'to! Kahit magkatampuhan sila ang magkasama parin sila at hindi lang nakikibuan.  I don't want to think of it, may n-nangyari ba talaga kay Aiko?! Tiningnan ko lang si Christy ng may halong pag-aalala at kaba. Hinihintay ko syang magsalita pero walang lumalabas sa bibig nya. Let me think of it, may nagmessage sa akin kanina ng weird stuff! 


Dali dali kong binuksan ang cellphone ko at binasa muli ang text na natanggap ko kanina.


[This matter requires your immediate attention/response. Reache me Via ( pleaseDie@gmail.com ) It's urgent. ]


May ipinapahiwatig ba ang message na 'to?! Is this a threat?!


Tumingin sya sa akin ng diretso at para bang nawala ang lahat ng buhay na natitira sa mga mata nya. Her eyes are dead. Did something really happen?  


"Pfft!" napangisi naman sya habang pinupunasan ang mga luha niya. Ano bang nangyayari?! Gulong-gulo na ako! 


"It's a prank! HAHAHA there's hidden cam somewhere" masigla naman nyang pagbubunyag na para bang walang nangyari. Nawala lahat ng emosyon ko sa katawan. Ewan pero bigla nalang akong napatayo sa pagkakaupo ko.


"Heeey~ Sa tingin mo pwede na ba ako sa Drama club?" dugtong nya pa habang may malawak na ngiti sa mga labi nya. Tumalikod ako sa kanya at nagsimulang maglakad papunta sa pinto.


"It was not a good prank." hindi ko mapigilang humarap sa kanya at panlisikan sya ng mata ko. 


Lumabas ako ng kwarto at iniwan syang tulala. Dang! They made we worried for nothing. Muntik muntikan na akong sumugod at alamin ang lahat nang makita syang umiyak, kung itinuloy ko iyon mukha siguro akong tanga. I let out a long sigh. This was really a tiring day. Im kind of happy though, dahil prank lang iyon at wala talagang masamang nangyari. I don't really like when a girl cries. It made me think of how painful it was.


Nakita ko si Aiko sa di kalayuan. Naglakad sya ng mabilis papunta sa akin at ganun rin ang ginawa ko.


"Oppa, sorr-" hindi na nya naituloy ang sasabihin nya nang hilain ko ang kamay nya at bilang niyakap ng mahigpit. 


"Damn! You made me worried like hell!" nangibabaw ang boses ko sa buong floor kaya naman napatingin ang ibang lumalabas ng kwarto nila at naglalakad. Tinapik nya ang likod ko. 


This is embarassing! 


Ang daming nakakitaaaa! Bigla ko na syang pinakawalan dahil sa kahihiyan na ngayon ko lang na-realize. Nabaliw na siguro ako sa lahat ng nangyari ngayong araw! Tinignan ko naman sya. Oh? Mas maliit pala sya sa akin? Siguro hindi ko lang pansin dahil palagi syang naka-heels. She's quite cute in this view.


Niyakap naman nya ako pabalik.


"Oy isama nyo naman ako!~" sigaw naman ni Chirsty sa di kalayuan at bigla nalang tumalon sa aming dalawa ni Aiko para yumakap rin.

Gender Bender [Under Revisions]Where stories live. Discover now