Chapter 13: Proposal

279 32 0
                                    

2nd Week ko na rito sa Red's High

And yes, walang bago. Roommate ko parin si Mr. No Manners.

Sobrang nakakatamad pumasok ngayon, hindi ko alam kung bakit pero nakakatamad.

At dahil pumunta ako rito para mag-aral, di pwedeng tatamad tamad ako. Sayang naman yung tuition ko no. Tumayo na ako sa pagkakahiga ko at bumaba. Narinig ko yung mga patak ng tubig mula shower. Naliligo sya. Hmm, ok. Maghihintay nalang muna ako dito sa desk ko.

Sa wakas, lumabas na rin sya. Napakatagal maligo, kala mo nagswimming sya doon sa banyo ee. Pumunta na ako sa banyo at nakasalubong ko sya.

At dahil di ako tumitingin sa paligid, natisod ako ng paa nya, bwiset na to. Babawian kita mamaya! Nakita ko syang ngumisi, talaga lang ha? Tingnan lang natin kung ganyan parin itsura mo mamaya.

Dumiretso na ako sa banyo para maligo. Mabilis naman akong natapos. Kinuha ko na yung gamit ko at lumabas na ng kwarto. Mabuti nalang di ko sya kasabay, and never pa naman kaming nagsabay pumasok.

Bago umalis, chineck ko muna yung cellphone ko kung may message. Di na ako aasa, wala namang nagtetext sakin.

Inbox (12)

What? Why? Minsan lang to! Haha! Syempre, excited, binuksan ko na yung inbox..

808,

5556,

5555,

Myloves ♥,

211,

483,

Sabi na nga ba eh. Di na dapat ako umasa. Haha! Ay teka, Nagtext rin pala si Aiko.

From: Myloves ♥

Annyeong Oppa! Mianhe, wala kang kausap sa classroom mamaya. And wala ka ring kasabay sa lunch. Pupunta kasi kami ni Christy sa newly opened shop nila, medyo malayo pero Keri naman. Kay Giljam ka muna sumama.. Mwuah :*

Mygoodness. Loner na naman ako. Pero Ok lang, business nila yun. Ok lang talaga *le cries* haha jk.

Di na ako pwede magdrama dito kaya naglakad na ako. Ayoko nang ma-late ee.

Wala namang nangyari sa buong maghapon. Buti naman, wala na akong kaaway. Tahimik sila. Matahimik na ako.

So lunch na ngayon, dahil wala sila Aiko, nahirapan akong maghanap ng pupwestuhan. May nakita naman akong bakanteng table sa gilid. Dito sana ako uumupo.

*boogsh!*

"AY! SORRY!" mabilis ko sabi. Unfortunately, may nabunggo ako na kung sino at natapon yung laman ng trey sa kanya. Hindi ko naman sinasadya dahil naka focus ako sa pagkain na dala ko. Pinunas punasan ko pa yung damit nya dahil nga natapunan ko sya.

"Tanga ka ba?!" sigaw nya agad sa akin kaya naman napatingin ako. Kung minamalas nga naman!

"Tumitingin ka ba sa dinadaanan mo?! Di mo ba alam kung gaano kamahal itong necktie, suit, at sapatos ko?!" sabi nya pa.

"Ako pa ngayon? Kita mo nang may hawak akong pagkain ee. Saka nag sorry naman ako ha?" Tss. Anong paki ko sa necktie mo? Di mo rin ba alam na nasayang ang points ng card ko para dito sa order ko? Napakayabang, kala mo naman kung sino. Tapos di pa nagsusuot ng proper uniform.

"And so? I am the King! Di ka dapat humaharang sa dadaanan ko! Your sorry is not enough!" pagmamayabang nya pa. King? Kinginurs mo! Walang haharang? Wow! Grabe, so pati mga lamesa dapat iiwas rin pag dadaan sya? Ang kapal ng mukha nito aa.

Gender Bender [Under Revisions]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon