Chapter 28: Class trip

239 22 6
                                    

So currently rest time namin. Hinihintay pa kasi ang feedback ng parents about the said class trip kung saan top 3 highest classes lang ang maisasama. 

It's been three days since the announcement so next week ang results. Naipaliwanag na rin sa amin kung saan kami pupunta since may letter rin na binigay samin regarding dito. 

It's Friday kaya maaga ang uwian namin, usually our friday schedule focused on minor subjects na madali naman i-take like physical ed., arts, music, and etc. Plus extended club activities.

For now, wala kaming meeting sa Dance club dahil advancing palang sa amin. Means na nagsasagawa pa lang sila ng proseso kung anong level ka na, beginner, intermediate, advance and such.

That's why exempted ako sa activity ngayon, I got the president's permission na daw kasi. 

Kaya heto ako ngayon, naghahanda nang umuwi sa bahay. Remember, every weekends lang kami pwedeng umuwi sa bahay kaya susulitin ko na. Daig pa namin ang may trabaho kung ikulong nila kami rito sa Red's High.

Come to think of it, akala ko ba sabi nila wala silang paki sa grade ng istudyante? Sabi nila they want us to experience the word fun in highschool life. Wala silang paki pero may kailangan kang ma-reach na grade dito which is 85% pataas kundi pagtitripan ka dito. Dumapo lang naman sa isip ko.

At ngayon ko lang din napag-isipan, they really do care about our grades. Ang kaso sinisilaw nila kami sa rewards and punishments. Katulad sa mga nangyayari ngayon, may class trip ang top 3 classes pero kapag top 3 students with the lowest averages naman pinapahiya. This is some kind of game na kailangan mong mag level up  para makakuha ng rewards at kailangan mong hindi ma-game over. 

Red's High is pretty cool. Hindi nila ipinapamukha na kailangan naming mag-aral hanggang sa ma-realize namin sa sarili namin na kailangan pala talaga. I wonder what those 3 low score students have in their minds. 

*knocks*

Oh wait, nawala sa isip ko uuwi nga pala kami. End up, sinalaksak ko nalang sa maleta lahat ng dadalhin ko. Di na ako nag-abalang ayusin pa ito. 

"Teka lang!" sigaw ko naman sa ibaba. Binuhat ko ang dala kong maleta pababa sa hagdanan nang bigla nalang itong mahulog sa kawalan. Well, that's good. Hindi na ako nahirapan pang buhatin ang maleta ko nang dumausdos na ito sa hagdan. Sa susunod nga ihuhulog ko nalang ito para mas madali haha!

Binuksan ko ang pinto at saka inilabas ang maleta ko.  Nakita ko naman ang magaling kong kapatid na puro pasa ang katawan dulot ng judo practices nila. Tinignan ko naman sya ng kaawawa (not really, yung tipong nang-iinis). Binatukan nya ako at ganun din ang ginawa ko sa kanya. Haha akala nya siguro magpapatalo ako. 

Sabay naming hinila ang maleta namin at nagtungo sa labas ng dorm, naghihintay na sunduin ni mommy. Ilang minuto rin ang lumipas bago dumating si mommy. Sumakay na kami at nagkwentuhan sa loob ng kotse habang bumabyahe pauwi.

Nabanggit rin ni mommy na malapit nang umuwi si daddy. That really sent chill to my very own spine. Close naman kami ni daddy pero madalas hindi ko talaga sya ma-gets. Yung mukha nya kasi parang may galit sa mundo pero mabait naman sya. 

                                                *** 

Natapos ang weekend at ibinahagi na sa amin ang resulta. 

It's a YES!  

We have to leave this coming wednesday and have the rest weekdays in our hands. So to explain further, we will stay 3 days and 2 nights at Laguna! I am looking forward to this class trip. Hindi ko kailanman na-experience mag out of town with anyone except my family. This is a new adventure to me though hindi ako masyadong nakikipag-communicate with other people, kasama ko naman si Aiko and Christy.

Gender Bender [Under Revisions]Where stories live. Discover now