Chapter 26: Girl

244 20 4
                                    

Devonn's POV

Ilang araw na rin nang di ko nakikita si David o kahit makasalubong manlang.

Di ko alam kung bakit feeling guilty ako. Yung tipong hindi ko manlang sya pinakinggan. Bakit ko nga sya pakikinggan kung kasinungalingan lang yung mga sasabihin nya? Ewan! Bahala na si tadhana.

"Gurl, ano na. Di mo ba kakainin yan?" sabay tapik sa akin ni Christy. Hindi ko pa naikukwento sa kanila yung nangyari pero alam na naman na siguro nila dahil sa mga estudyante rito. Sa ngayon, wala akong ganang kumain kahit na aminado akong matakaw ako.

"Oppa, don't you think na seryoso sayo si David?" tanong naman ni Aiko na mas lalong nagpatahimik sa aming tatlo. Di ko talaga alam, para bang ayokong maniwala. Takot akong mahalin nya ako.

"You're too scared. Knock it off Devvy." payo naman ni Christy.

Matapos ng break bumalik na kami sa sarili namingg classrooms. Kahit anong gawin kong focus sa lesson di ko magawa. Nakatulala lang ako all the time. Wala ako sa sarili ko ngayon, kailangan ko ng snickers. LOL

*boogsh*

"Sorry Dev!" sigaw ng kaklase ko sa field.

Shet. Natamaan pala ako ng bola? Parang wala namang nangyari sa akin. Di ko nga alintana yung sakit eh. Mas masakit kasi yung dinadamdam ng puso ko.

"Ui dumudugo yung ilong mo! Ok ka lang?" dumudugo na nga, tatanungin mo pa ako kung ok ba ako. Ganyan tayo eh. Tumayo ako sa pagkakaupo ko at pumuntang banyo para alisin tong dugo sa ilong ko.

"Haha, tanga naman" pang-iinis sakin ni Kingkong nang malagpasan ko sya. Huminto ako saglit at lumingon sa kanya,

"Khin!" tawag ko at sumulyap naman sya sakin nang may di maintindihang mukha. Itinaas ko ang gitnang daliri ko at tinapat sa direksyon nya saka tumawa. Kekeke tanga ka pa dyan ah? Eto ka, p*kyu.

Tuluyan na akong nagpunta sa banyo. Di naman ako mamatay sa ganito di ba?

May nag-abot naman sa akin ng tissue at tinanggap ko ito. Ibabalik ko sana nang makita ko sa salamin kung sino nagbigay sakin kaso nakuha ko na eh. It's rude kung ibabalik ko pa diba.

I gave him a poker face. Im waitin for his explanation and such. Why am I doing this?

"Uhm, can we step out? It's a little strange if we have a conversation at girls comfort room." at sinundan ko sya.

"Devonn I'm sorry for yesterday. I'm just-"

"No it's ok. Don't mind it." pagputol ko sa kanya. Ayokong marinig kung anong sasabihin nya. Nakakabaliw di ba? Kanina lang gusto kong marinig ang explanation nya pero ngayon ayoko na. Natatakot akong sabihin nyang it's a mistake. Na pinagtitripan nya lang ako and such. There's still a part of me na gusto kong mahalin nya ako kahit di ako sigurado sa nararamdaman nya sakin.

"Line up!" sigaw ng group leader namin kaya naman iniwan ko na rin si David. Hindi ko na rin sya nagawang tignan dahil ayokong makita kung anong itsura o reaksyon nya.

Natapos yung klase namin nang walang nangyayari. Parang ang tahimik ng school. Walang issue, walang bullies, no bullshits. Or baka hindi ko lang napapansin? 

"Devvy!~" masayang tawag sa akin nila Aiko at Christy. The Energetic duo. They never fail to take my uneasy feelings. Nginitian ko sila at naghintay na makarating sila kung nasaan ako. 

"Yah oppa, wanna hang out?" nakangiting alok naman sa akin ni Aiko. Hindi pa man ako nakasasagot, pumalupot na silang pareho sa magkabilang braso ko. Haha ang saya talaga kasama nitong dalawa. Nagiging masigla yung aura ko pag dating sa kanila eh. 

Gender Bender [Under Revisions]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon