Chapter 11: Weekend

312 36 4
                                    

"Bilisan mo nga! Baka naghihintay na sila don!" sigaw ko kapatid. Ang tagal tagal mamili ng damit ee! May isusuot tapos huhubarin. May ilalabas pero ibabalik lang rin. Ano ba?! Daig pa babae sa sobrang tagal mamili ee. Ako kung anong makuha ko, yun na isusuot ko. Ee sya parang aattend ng fashion show ee.

"Eto na tapos na." Wow ha? Hiyang hiya naman ako sa suot nya? Parehas pa talaga kami ng outfit. Ang galing talaga neto ee. Tshirt-tokong-sandals lang.

"Idol mo ba ako?" pang-aasar ko.

"Shut up. Mas pogi parin ako." EDI IKAW NA!

"Lakas ng hangin grabe. Tinangay ako" pero I admit, gwapo naman talaga itong si kapatid. Pero mas gwapo ako hahaha!

"Let's go!~" at inakbayan ko na sya.

Nagpahatid kami sa driver namin papunta sa meet up place namin.

"Devvy!" sigaw agad ni Christina pagkalabas na pagkalabas namin ni kapatid sa kotse. Yinakap agad ako ni Christina at Aiko saka kami pumasok sa loob. Nakipag handshakes naman agad si kapatid sa dalawang kung sino man. Siguro member sila ng Unluckies. Well, fvck them. Wala pa si David dito.

"Let's wait for them, may pupuntahan pa tayo." sabi ni Aiko sa amin sabay ngiti. At saan naman kami pupunta? Ang akala ko ito na final destination namin, hindi pa pala.

"Annyeong Oppa~ did you save my number?" bati sa akin ni Aiko. Uh well, hindi pa pala? Haha.. ~_~"

"Mukhang hindi pa, peram ako ng phone mo" tapos inabot nya sa akin yung palad nya. Wala naman akong magawa kungdi ibigay nalang ang phone ko. Wala naman syang makikita at wala rin naman akong tinatago kaya OK lang.

"Ohmygosh Oppa!" sheet, nagulat ako! Bigla bigla nalang kasi syang sisigaw, akala mo may nangyari o ano eh. Ano bang nakita nitong si Aiko? Lumapit naman kami agad and wala naman akong nakikitang mali sa cellphone ko.

"Bakit ang boyish ng cellphone mo? Wala man lang akong makitang kolorete dito sa phone mo. Ang simple simple, tapos yung files mo ganun rin. Wala akong makitang girly stuff rito." Hindi ko alam Aiko. Ganyan lang siguro talaga ako. Hahaha.

"Lalaki pa sa lalaki yan ee." Sabi ni kapatid. Inaasar ba ako neto? O kino-compliment ako?

"Here." Binalik na sa akin ni Aiko yung phone ko at may kakaibang ngiti sa mukha nya. Sinave na nya rito yung number nya and what's with the Nickname? Myloves♥. What the duck?

"Ang daya ni Aiky, ba't alam mo number nya? Devvy ako rin! Pahingi ako ng number mooo" pangungulit ni Christina. At shempre, binigay ko naman. Aarte pa ba? Haha! Kinuha naman nya yung phone ko para i-save din ang number nya, tapos isinave narin nya yung number mo sa cellphone nya.

"Omygosh Aiky." ano na naman? May mali na naman ba sa phone ko?

"Look. Asungot, Mom, Dad, BG, Yaya, Jacob, Joshua, Charles, Rou," tuloy tuloy lang sya sa pagbabasa ng contacts ko.

"Devvy.." kinakabahan ako kay Christina, hindi ko mabasa kung anong sasabihin nya.. Yung itsura nya pa seryosong seryoso tapos sa mata ko talaga sya nakatingin. Nakakakaba na para bang ewan.

"Babae ka ba talaga? Puro lalaki nasa contacts mo ee." Hay jusko, yun lang pala sasabihin. Porket puro lalaki nasa contacts, ganun na rin ako? Kasalanan ko bang puro lalaki yung Answer? Hayst.

"And Aiky! You have an achievement! Haha" natatawa naman sya na ewan

"Ikaw ang kauna unahang babae na unrelated na nagsave ng number nya sa phone ni Devvy hahaha" tumawa naman silang dalawa. I don't get it. Hindi nalang ako nagreact sa kanila.

Gender Bender [Under Revisions]Where stories live. Discover now