Chapter 25: Legendary

228 17 6
                                    

Devonn's POV



Bumaba ako at umupo sa sofa. Tumulala lang ako sa hangin. Ang dami daming tumatakbo sa isip ko pero hindi ko alam kung ano iyon. Para bang sa sobrang dami nito, wala na akong maisip. 


Actually maaga akong nakatulog kanina dahil sa kaiiyak. Sinabi ko kasi sa sarili ko na yun na yung last time na iiyakan ko sya. Naalinpungatan ako sa tulog ko kaya heto ako sa ibaba, nag-iisip isip ng mga bagay bagay. Napatingin nalang ako bigla sa liwanag na taglay ng pink na lampshade sa higaan ni Khin, wala sya. I won't call him Mr. No Manners again dahil sa mga nangyari. But still, he's a big jerk. A big one.


Pumunta ako sa banyo para maghilamos at mahimasmasan. Para narin makadilat ako ng maayos, puro muta na kasi ang mata ko dahil nga nakatulog ako ng umiiyak kanina. Nagbabadya akong buksan ang pinto ng banyo nang biglaan nalang itong bumukas at tumambad sa akin ang isang mukha.


Parehas kaming muntik nang mapatalon sa gulat. Kasi naman, sino bang hindi magugulat kapag patay ang ilaw tapos bigla nalang may bubungad sayo na lalaking hindi malaman. Ano ba 'tong nasa mukha nya? Uling?


"Shit! Nagulat ako, may panget kasi" pang-aasar pa nya. Aktong sasampalin ko sya nang pigilan nya ang kamay ko.


"Nah motherfvcker, don't mess with my facial mask" ah so facial mask pala tong nasa mukha nya. Para namang bakla to. Mas maarte pa sa babae. Ako nga hindi naggaganyan eh. Facial mask pang nalalaman, mukha namang bakla. Mahilig pa sa pink. Hays, nakita ko na naman 'tong pajama nyang pink.


"Shit, nagulat din ako! May taong grasa kasi" bawi ko at saka sya tinulak palabas ng banyo.


Pagkatapos kong maghilamos ay hindi ko na sya pinansin, ganun din naman ang ginawa nya. Am I expecting something from him? Nakita ko syang nagchi-chill lang sa kama nyang pink. I wonder, bakit ang hilig nito sa pink? Lahat nalang pink.


Umakyat na ako sa higaan ko at hinanap ang cellphone ko. Isang pangalan naman ang tumambad sa screen nito.



1 message received from Jaculangot



Agad agad ko utong binuksan. Talaga naman oh, ngayon pa naglag yung cellphone ko. Kung kailan naman nagmessage sa akin si Jacob oh.

From Jaculangot

Hyung, alam kong late na pero pwede ka bang lumabas? Nandito kami ng Answer sa park malapit sa school nyo.

Shit. It's real. A real text message from Jacob. Kelan lang nung nagkita kami pero di naman kami ganoon katagal nakapagusap. Nagmadali akong mag bihis at bumaba sa hagdan, muntik pa nga akong mahulog eh.


"Where are you going?" tanong ni Khin at tinignan ko lang sya habang naka face mask parin.


"Somewhere" sagot ko naman habang nagmamadaling magsuot ng sapatos.


"It's already 11pm at sarado na ang gate"

Gender Bender [Under Revisions]Where stories live. Discover now