Chapter 34: We're back

256 19 1
                                    

[A/N: Happy 3k reads! So here's an early update to show my gratitude! :D There's also a gift waiting for you after you read this.]


Precisely Class Trip Day 3


It's pretty obvious that we stayed up late and now, mukha kaming mga zombie. Ako lang pala, somehow my two beautiful roommates happened to pass through the apocalypse. 


Tanghali na at nagre-ready na kaming bumalik sa campus. Medyo awkward pa kagabi nang matulog kaming tatlo nila Christy sa iisang kama kaya naman noong nakatulog na sila, lumipat ako sa kabilang kama. Tingin ko mas lalong sumakit ang likod ko sa mga pangyayari. Hindi ko na rin na-update si mommy at Darren sa mga pangyayari dahil wala akong vacant time.


"Sigh, napagod ako ng sobra!" rinig naming pagrereklamo ng istudyante habang umaakyat ng bus. Haha! Totoo naman kasi.


We started our journey to go back at Red's High. Magkatabi ulit kami ni Aiko, hindi na naman na awkward masyado dahil sa kalokohan ni Christy. Ang awkward para sa akin ay yung isang babae na kaklase pala nila Louie. 


Bumagsak kaming lahat sa bus (not literaly). We fell asleep while going back.


Pagkagising namin ay nasa Red's High na muli kami. Sobrang pagod namin, para na kaming zombie maglakad sa campus. Nagtitinginan naman ang ibang istudyante sa amin na kakalabas lang ng room. Seryoso? Bakit hindi nalang kami idiniretso ng school bus doon sa dorm? Parang pinarusahan lang kami sa class trip eh.


Nang makabalik kami sa dorm ay hindi ko na nakayanan ang pagod kaya hindi na ako umakyat pa para sa kwarto ko. Humiga nalang ako sa couch at ipinikit ko ang mga mata ko.


What a tiring trip it is. Pero kahit ganoon, sobrang saya naman! It was worth tiring off. 


Narinig ko namang bumukas ang pinto kaya napatingin ako roon. What an unpleasure sight. Nakita ko na naman ang lalaking iyon na may bitbit pang pink na maleta habang umiinom ng something pink.


I guarantee that he's not gay, sa mga ginawa nya ba naman sakin eh?! Hays, ipinikit ko nang muli ang mata ko, ayaw ko syang makita at ayokong makipag away ngayon lalo na't pagod ako. Kahit na natulog ako sa bus kanina, mabigat parin ang mga mata ko. Para namang magnet itong couch sa akin, hindi ako makatayo at parang hinihigop ako nito. Nakadapa ako ngayon dahil medyo masakit parin ang likod ko.


Narinig ko na namang bumukas ang pinto pero hindi na ako nag-abala pang tignan ito. Mas mabuti pa nga kung lalabas ang kingkong na 'yon.


"Fatty! Na-miss mo ba ang gwapo mong kapatid?!" oh, yung maingay ko palang kapatid ang pumasok? 


"SSHIBAAAL!" [F*ck in Korean] pagmura ko sa walanghiya kong kapatid na bigla nalang akong dinaganan. Umalis naman sya agad. Napahawak nalang ako sa likod ko sa sobrang sakit. Walanghiya talaga 'to kahit kailan! I stared at him while gritting my teeth. Sya naman itong natakot at nawala sa labi ang mga ngiti. Sige, pagbutihan mo lang makagaganti rin ako pag magaling na itong likod ko.


"Hoy sorry na!" sigaw naman nya habang nakadepensa pa ang mga kamay. Sa tingin nya ba makakaganti ako matapos nyang upuan ang likod kong masakit?!

Gender Bender [Under Revisions]Where stories live. Discover now