Chapter 6: Unluckies

386 40 2
                                    

"Devy!"

Ugh.

Biglang may yumakap sa likod ko habang bumababa ako ng hagdan galing sa room namin. Muntik na akong mahulog! Tae. Saka sino naman si Devy?

"Christina?" Alam mo bang aatakihin ako sa ginawa mo. Muntik na ako mahulog, baka magkalas kalas yung buto ko nito. Ay OA.

"Yeah!" Ah.. Ok.. Tumuloy lang ako sa pagbaba. Pinalibot naman nya yung kamay nya sa braso ko. Di ako sanay. Ako kasi yung kumakapit kay kapatid eh, atsaka matagal ko nang di nakikita yung Answer.

Papunta kami ni Christina sa cafeteria. May card akong natanggap, isu-swipe mo lang sya dun sa kung anong machine tapos makakapasok ka na sa cafeteria. May 99 points pa yung card ko. Nasa likod sya ng I.D. namin. Sa di maipaliwanag na dahilan, sabay nalang kami ni Christina na kumain. Walang kibuan. Awkward.

"Gurl, magsalita ka naman!" Teka kumakain ako. Bawal ako maistorbo LOL. Nginitian ko nalang sya tapos kumain ulit. Maiintindihan naman nya siguro. "Oh my! Ang cute mooo! Smile ka nga ulit!" Muntik ko nang maibuga yung kinakain ko. Ang lakas ng boses nya! Parang kami lang yung tao sa cafeteria kung makasigaw sya ng ganyan. Halatang Fangirl. Napatingin tuloy yung mga istudyante sa amin. Nakakahiya sya. Pinanlakihan ko sya ng mata tapos tinawanan nya lang ako. Napaka ano. Paano pa kaya kung nandito si Aiko? I can't imagine.

"Oppa!" Speaking of the devil. Muntik ko nang ibuga kay Christina yung kinakain ko. Dala ni Aiko yung pagkain nya at tumabi sa amin ni Christina.

"Oppa?" Nagtaka si Christina, kahit ako rin eh. Babae kaya ako. Pinapaalala ko lang. Babae ako.

"Yes, tawag kasi yun ng mga babae na may gusto sa lalaki.. she's handsome right?" Bulag ka na ba Aiko? Oo nga. Sa tingin ko nga bulag ka na!

"Yeah, mukha talaga syang lalaki. Pero in the same time mukha din syang babae... Ang weird mo Devy." Ako pa ngayon ang weird? Sino sa ating tatlo yung weird? Hindi ba kayong dalawa? Bulag na rin ata itong si Christina. Pero sige, malabo nalang yung mata nya kasi mukha naman daw akong babae. Haha! So, ako pala si Devy?

Btw, David nasaan ka na? Si kapatid rin nasaan? Sabay sabay lang naman yung lunch namin ah. Bakit wala parin sila rito?

"Nandun si David sa tambayan ng Unluckies." ay sheks, nasabi ko pala yung nasa isip ko? Maniniwala na ba akong weird ako. Haay, bakit narinig mo pa Aiko?

"Crush mo? Ayieee!" Shut up Christina. Kinikilig ako eh! Hahaha lande. Di ko mapigilan ngumiti. Oo crush ko yun eh. Kahit pangalan lang marinig ko masaya na ako haha.

"You look so charming Oppa! Ngumiti ka lang palagi" oww thank you! Ang kapal. He! Tigilan nyo nga ako. Pero sige na nga. Hahaha. Kelan kaya mapapansin ni David yung 'charm' ko? Eto na naman aasa na naman ako. Letche ang sabi ko magmu-move on ako eh >.<

"So, gurl sinundan mo si David dito?" oo parang ganun na nga Christina.

"First year lang sya nandito eh. Ibig sabihin nandito ka na rin dati? Bakit hindi naman kita nakita, sa tagal ko ba naman dito."

"Hindi Aiko, parehas kami ng school na pinasukan noong elementary kami. Tapos nag promise kami kung saan kami mag-aaral kaso na-late sya. Di ko alam na dito pala sya nag-aral noon." Pagpapaliwanag ko. Kasi naman eh.

"Devy, what's your relationship with David?" Hmm. Ano nga ba? Magkaibigan ba kami or what? Ang alam ko kasi schoolmate at classmate ko lang sya. Tapos nagka-crush ako sa kanya. Tapos napaka-friendly nya. Then ewan ko kung bakit nya naisip na doon kami mag-aral sa ordinaryong private school. "Former classmate?"

"Classmate lang ba talaga? Mukha kasi kayong close Oppa." Mukha ba? Parang hindi naman. Parang ako lang yung lumalapit sa kanya eh. Saka ano namang relasyon namin. I'm not really good in this.

Gender Bender [Under Revisions]Where stories live. Discover now