Chapter 3: Welcome

508 50 4
                                    

Opening ceremony ngayon. Nasa bahay kami, nag-aayos.

Nagpalit na ako ng suit at nilabas ko na yung maleta. Pinasok ko na yung dalawa kong maleta sa likod ng kotse ni mommy. Ganun rin yung ginawa ni kapatid. Pumasok na rin kami sa kotse ni mommy. Tuwang tuwa sya dahil nakita na naman nya si kapatid nang naka-dress. Hindi ako mapakali. Paano pag nakita ako ni David na naka-suit? Ano kayang magiging reaksyon nya? Ano rin kayang itsura nya ngayon? Sigurado akong magiging maganda sya. Mas maganda pa kaysa sakin.

Inihatid kami ni mommy sa school. Grabe sobrang laki nito. Maraming mamahalin na kotse ang nakaparada. Dumiretso kami nila mommy sa office, pinapaderetso daw kasi kami doon.

Pagdating naman namin, kinausap ni mommy yung principal. May lumapit sa aming babae tapos pinapakuha kami ng isa sa mga nakatuping papel sa box. Tatlong box iyon. Dorm, Girls, Boys. Yung unang box, nabunot ko number 3. Yung sa pangalawa naman, number 14. Tiningnan ko kung anong nakuha ni kapatid, nakuha nya number 3 din saka number 20. Tapos may binigay na susi sa amin yung babae. "Devonn Kawaguchi, Dorm 3 Room 14. And Darren Kawaguchi, Dorm 3 Room 20." Ah, susi pala ito para sa Dorm. Ang layo naman ng kwarto ni kapatid. Di ako makakadukot ng pagkain nya. May dalawang lalaki naman na nagbuhat ng maleta namin, sabi nila dadalhin na raw nila yun sa dorm.

Pinapunta na kami ni kapatid sa Club House. Dahil hindi namin alam kung saan yun, may naghatid sa amin.

Dumating na rin yung Principal kaya sinimulan na yung ceremony. Maikling speech lang yung sinabi nya, hindi katulad sa ibang school na ang dami pang chechebureche ng principal. Pagkatapos nya sa speech, may mga chefs na pumasok. Kasunod ng mga chefs yung mga waiters na may tinutulak na carts. Puro pagkain yung laman. Grabe nagutom tuloy ako bigla. Teka, nasaan na ba si David? Pumasok kaya sya? Bakit hindi ko sya makita.

Magkatabi lang kami ni kapatid, may pagka-anti social kasi ako. Pero ayokong ma-out of place kaya hindi ko sya pinapaalis sa tabi ko. Siguro kailangan kong maging friendly? Bukas nalang. May lumapit sa kanyang babae, ang ganda nya tapos ang laki ng ano, alam nyo na yun. Nakakapangliit naman yung sakin. Pero ok lang, ayokong mabigatan. Sagabal lang yang dibdib. May binigay na papel yung babae tapos umalis na. Tiningnan namin yung papel, number. Number nung babae yung nakasulat. Ginanahan naman si mokong, niyakap yakap pa nya ako.

"Ate.., totoo nga yung sinabi mo! Thank you! Thank you talaga! Kaya mahal na mahal kita eh" bro, wag dito. Nakakakiya ka!

"Bro, easy. Di ako makahinga" sobrang higpit kasi ng yakap nya. Nakakabanas eh.

"Bakit ganyan yung boses mo? Malat ka? Inuubo ka?" Tss, salamat sa pag-aalala pero its nothing serious. Ito lang naman ang napapala ko kakakain ng sweets.

Naghiwalay na kami ni kapatid, ang sabi nya kasi hahanapin nya yung babae eh. Hinahanap ko si David pero di ko sya mahanap. Parang naikot ko na nga ata itong Club House pero di ko parin sya nakita. Nakaka-dissapoint. Gusto ko syang makita. Na-mimiss ko na sya. Pero ako ba miss nya rin? Nalungkot naman ako. Lumabas nalang ako ng Club House at naglakad lakad tutal di ko naman sya mahanap dito. Baka hindi sya pumasok ngayon.

Ah, ang sarap langhapin ng sariwang hangin! Na-miss ko to. Nung bakasyon kasi, halos di na ako lumabas ng bahay. May nakita naman akong kotse, tapos may bumabang magandang babae na naka-dress. Kakaiba yung ganda nya, pati katulad kong babae naaakit sa kanya. Pero babae ba talaga sya? Baka lalaki sya. Mga lalaki lang kasi ang dapat naka-dress ngayon. Naglakad lakad sya. Sinundan ko naman. Pupunta siguro sya sa Club House, mabuti pa kausapin ko na to. Bigla syang lumingon, nahalata nya sigurong sinusundan ko sya. Magsasalita na sana ako kaso sya yung nauna.

"Hi" yun lang. Ngumiti naman ako sa kanya at lumapit. Hindi sya lalaki. Boses palang nya babae na eh.

"Kanina pa kita napapansin eh, sinundan mo ako noh?" Patay malisya lang pala sya kanina. Akala ko naman nagawa ko na mag ninja moves. Haha!

Gender Bender [Under Revisions]Onde histórias criam vida. Descubra agora