Chapter 18: Say What

261 30 2
                                    

"This girl..." tumingin sya sa akin, yung tingin na may pinapahiwatig. Hinigpitan nya ang kapit sa kamay ko pagkatapos inakbayan ako.

"..is my girlfriend"

Bigla akong napatingin sa kanya at kinindatan nya ako. Para bang nag uusap ang mga mata namin sa tagal naming magkaharap.

Bigla namang may pumasok, at hulaan nyo kung sino iyon? Si David!

Pumiglas agad ako sa pagkakaakbay ni Mr. No Manners dahil sa gulat. Bakit nandito si David?! Umupo sya at tinignan kami. Parang wala lang syang nakita. Nyeta, ano bang ginagawa ko rito?!

"Oh, that's nice." sambit ni David sa amin. Ang cold nga ng pagkakasabi nya ee.

"Dawn, are you sure with this girl?" at ngumisi ang kanyang mommy. Yung mga mata nya parang nananapak ng pagkatao, parang hinuhusgahan nya ako pero ewan. Ang gara sa feels, ang lamig lamig na dito.

"Yes. So, if you may excuse us." sabi ni Khin at hinila ako palabas ng dining room. Nakarinig naman kami ng malakas na tawa mula doon.

"What a witch." sabi nya habang kinakaladkad ako palabas ng mansion nila. Hindi ko lang maintindihan kung bakit nya ito ginagawa. At bakit nandito rin si David? Bawal kaming lumabas ng dorm ee! Nako, lagot kami pagbalik namin sa school!

>>Fast forward<<

*clears throat* "Paging Khiniel Dawson and Devonn Kawaguchi. If you see them around, please bring them to Student Council Government. We will be waiting at dorm 1. Whoever brings them will have a reward. Thank you." -Speaker.

Ito ang bumungad agad sa amin pagpasok ng lounge. Para bang isa kaming kuting na ipinasok sa kulungan ng mga tigre.

"Ayun sila!"

"Kung sino daw makapagdadala sa kanila sa SCG may reward!"

Sigawan ng mga istudyante rito.

"Run!" sigaw sa akin ni Khin. Jusme ano to?! Zombie apocalypse? Hinila na nya agad ako dahil di ako makakilos ee, naguguluhan pa ako.

Tumakbo kami ng tumakbo. Kung dorm 3 itong kinalalagyan namin, tumakbo kami papuntang dorm 5. Kaso ang hindi namin alam, ay may mga nag aabang narin sa dorm 5. Sinugod ulit namin yung dorm 4 to 1 at nag akyat panaog dito. Juskopo, bigyan nyo pa po ako ng lakas para tumakbo! Paulit ulit lang yung sinasabi sa dorm speaker at inannounce narin na kasali rin sa dapat hulihin si David.

May nakita kaming lalaki na nakasalamin, oh si Law pala.

"Louie!" sigaw ni Khin sa kanya. Ay si Louie pala to, akala ko si Law. Kakalito ee! Tumango naman si Louie kay Khin at patuloy kaming nakalabas ng dorm. Tumingin ako sa likod ko, kung nasaan si Law. Nakita kong maraming istudyante ang sumunod sa kanya at mukhang pinipigilan yung mga nanghahabol sa amin.

Naalala ko tuloy yung nabasa ko sa school's rules and regulations. "Punishment goes ahead" jusme, ito ba yung punishment?

"Hoy!" sigaw ko sa kanya at sabay kaming tumigil. For now, nasa school's field kami. Di kalayuan sa dorm pero ang layo talaga kasi shemeberbs, isipin mo nandito ba naman kami sa gitna ng football field tapos inikot namin kanina yung limang building ng dormitories sa school. At nag akyat panaog pa rito. Nakakapagod diba?

"Pagod ka na?" tanong nya sa akin.

"Oo." medyo may paghingal na sabi ko. Takbuhin ba naman namin yun ee, tumakbo ka nga lang sa court nakakapagod na. Ee pano pa kami? Halos ikutin na namin itong buong Red's High!

"Sige, tatakbo ulit tayo." nabingi ako sa sinabi nya. Anong sinabi nyang tatakbo ulit kami?! Hype ba sya? Wala syang kapaguran. May lahi nga ata syang kabayo.

Gender Bender [Under Revisions]Where stories live. Discover now