Chapter 24: Realize

200 22 3
                                    


David's POV


"Alam mo pre, mauunahan ka na talaga ni Khin." sibak sa akin ni Giljam.


"Oo, alam kong mauunahan na nya ako. Pero hindi naman ito karera katulad ng sa kotse Hill eh." sagot ko naman.


Isa akong tanga para mapagtanto na gusto ko na pala sya. Hindi ko maipaliwanag. Basta ang alam ko, gusto ko ako lang ang nasa tabi nya. Gusto ko ako yung bumubuo ng araw nya.


"Bakit di mo nalang sya gayumahin? Gagawan ko yan ng formula" wala sa katinuang sagot ni Louie habang nagta-type ng kung ano sa laptop nya. Lahat nalang idadaan ng kupal na to sa gamot. Minsan napag uusapan naming magkakatropa kung normal pa ba sya.


"Pre... Hibang ka na ba? Pero try nga natin yan kay Christy saka dun sa weirdong 1st year" pagpapatahimik naman ni Giljam kay Louie. Hay, bakit ba nasa kampo ko 'tong dalawang unggoy?


"Alam nyo bang love at first sight is translated by the thalamus as a 'desired human chemical reaction', a important message which is then sent to the amygdala (the core memory center), resulting in the flooding of endorphins and other neurochemicals, such as oxytocin, vasopressin, and dopamine, in the emotional center of ... " -Louie


Hindi na nya napagpatuloy ang mahabang scientific explanation shit nya ng batuhin ko na sya ng highlighter ko. Ang dami dami kasing sinasabi sa science, wala naman kaming maintindihan. Mas maiintindihan ko pa ata kapag lasing ang nag explain ng letcheng pag-ibig na yan.


Sumakatuwid, walang naitutulong ang dalawang 'to sa akin. Putek kailangan ko nang kumilos.


"What's with the rush?" matinong tanong ni Louie. Ano nga bang meron kung bakit nagmamadali ako? Wala tanga ko eh. Ni-reject ko si Devonn pero matapos ang halat gusto ko na rin ata sya. Wala akong masyadong maintindihan kung bakit nagkakaganito ako, basta isang rason lang ang alam ko. Gusto ko na ata sya.


"Louie, takot ata kay Khin 'to. HAHA!" sulsol ni Giljam. Sinamaan ko lang sila ng tingin.


Basta, mamaya aamin na ako kay Devonn. Di ko na rin matiis ang pangtitrip na ginagawa sa kanya ni Khin. Ewan ko pero nakikisabay naman ako sa kalokohan ng Unluckies sa mga babae pero pag dating kay Devonn mahina ako. Ayokong may nanggagago sa kanya. Lalo na sila Candice, mabuti nga tinigil tigilan na nila si Devonn eh.



Dumating na yung panahong hinihintay ko. Ang pag amin ko.



Kinumchaba ko na ang lahat ng kaya ko kumchabahin. Inihanda ko na lahat. Isinaalang alang ko na ang lahat makuha lang sya. Maiintindihan naman siguro ako ni Khin. Di naman siguro sya tanga para di mapansin na may pagtingin ako kay Devonn.


Inipon ko lahat ng tapang ko para ngayon. Para sa kanya. Noong una ayoko pa nga dahil pagtatampulan lang ako ng tukso ng Unluckies. Pero ayoko nang magtago. Ayokong diktahan nila ang nararamdaman ko.


Ganoon pala ang magmahal? Magagawa mong ipaglaban. Kaso marerealize mo lang ang kahalagahan ng isang tao pag wala na ito. Mabuti nalang at medyo tao pa ako kundi baka kung kailan lumayo si Devonn saka ko lang marealize 'tong tinitibok ng puso ko.

Gender Bender [Under Revisions]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang