Chapter 5: Physical Examination

400 44 1
                                    

"Oppa!"

Mag drop out nalang kaya ako? Parang di ko na kakayanin. Si Aiko, si Mr. No Manners, at ako ay
magkakasama sa iisang section. Huhubells! Bakit ba hindi ako matalino? Di ko tuloy kasama si David na nasa section 1.

Nandito ako sa sulok ng room nakapuwesto. Katabi ng bintana. Masaya na sana ako kung sino man ang tatabi sa akin kaso, nasa right side ko si Mr. No Manners at nasa unahan ko naman si Aiko. Kung minamalas nga naman. May pumasok naman na teacher. Dahilan para humarurot ang lahat para makaupo sa pwesto nila.

"Good morning class. I'm T. Lea, your Homeroom teacher and History teacher. Sana maging close tayong lahat sa school year na ito. Bring out your laptop, and pass me your introduction. I'll give you 20 minutes." Aysh, naiwan ko yung laptop. Tsk tsk. Unang klase palang failed na agad ako. Paano na ako. "Dumbass" letche ka talagang lalaki ka! Bwisit. Panira ng umaga. Maka-dumbass wagas ah? Naiwan ko lang naman yung laptop ko. Yabang neto. Untog kita dyan sa laptop mo para manahimik ka eh. Nagtaas ako ng kamay para magpaalam na kunin yung laptop sa dorm. Pinayagan naman ako kaya umalis na ako ng room.

"Ate!" aigooo, bakit nandito kang bata ka ha?

"Cutting?" ngumiti lang sya sa akin. Aba loko ka ah, tinatanong kita kung nagka-cutting ka, di ko sinabing ngitian mo lang ako. Ngiting aso.

"Ate, wag ka maingay ah?" huh? Bakit? I smell something >:∆

"Ano, may kalokohan ka na naman?"

"Shhh! Pag sinumbong mo ako lagot ka sakin! Ibubunyag ko yung kwarto mo kay Hyung" takte! Alam nya kung pano ako i-blackmail. Putuh, lilinisin ko na nga mga gamit ko mamaya. De jk nakakatamad. Hinayaan ko nalang sya sa kung ano mang plano nya. Kunyari di ko nalang sya nakita haha! Bumalik na ako sa classroom, 5minutes nalang yung natitira. Grabe, naka-15 minutes ako? Tumakbo na nga ako ee. Ganun ba kalayo yung dorm at room namin.

Natapos na kami sa self introduction namin. Wala namang kwenta, puro name, age, bday, achuchuchu yung nakalagay! Pero Ok na rin. Para safe parin pagkatao ko. Baka sabihan lang nilang burara at wala akong alaga sa sarili. Well totoo naman kahit papaano.

"Class, may Physical Examination na magaganap mamaya, magpalit na kayo ng P.E. uniform."

Nagpunta na ako sa locker para kuhain yung P.E. uniform ko. Kinuha ko na kaagad yung P.E. uniform ko, tapos may biglang bumaksak na letter. Kinuha at binuksan ko naman yun.

"Hyung kamusta na? -answer"

Nagulat ako. Tumingin tingin ako dito sa mga lockers pero wala akong makitang tao. Bakit ganun? Nasaan yung naglagay ng letter na ito sa locker ko? Answer nasaan kayo?

Flashback ...

"Ui pare chix oh!" Nakakatakot yung lalaki. Parang may binabalak na di maganda sa akin! Binilisan ko yung lakad ko. Sinusundan nila ako. Huhu mommy! Nasaan na ba kasi yung kapatid ko eh? Tae naman oh. San naman kaya sila nagpunta ni Josh?

Kakalakad ko, di ko na alam kung saan ako napunta. Natatakot na ako grabe, tapos wala pang katao tao dito! Nako Devonn ano nang mangyayari sa iyo? Tatakasan mo na nga lang kasi sila, sa madilim ka pa napunta! Anong katangahan ito?

"Tang*na naman! 3 days nalang yung contest eh, bakit ka ba aalis ng grupo?! Magpaliwanag ka nga"

"Pasensya na, nagkasakit yung kapatid ko eh. Kailangan ko maghanap ng pera"

"Sa contest! Pag nanalo tayo, pwede mo naman maipagamot yung kapatid mo eh, 3 days nalang naman"

"3 days? Kahit 3 days nalang yan, mas mahalaga parin yung kapatid ko! Mahalaga yung 3 days sa akin. Intindihin nyo naman ako"

Gender Bender [Under Revisions]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon