Chapter 22: Confession

234 21 4
                                    

Dahil sa top 3 umingay ang buong club house. Ang iingay ng mga istudyante, kulang nalang mabasag yung mga salamin dito. Pinaakyat sa stage yung top 3 na may iba't ibang ekspresyon sa mukha. Yung isa mukhang natatae, yung isa parang hindi na bago sa kanya yung mga nangyayari, yung isa naman akala mo may kumuha ng candy nya kaya iyak ng iyak. 

Nagsimula na silang pagtripan ng mga istudyante. Akala mo'y handang handa yung mga istudyante para rito. Nagulat nalang ako bigla kung saan nila kinuha yung mga kamatis, itlog, harina na mga binabato nila. Naaawa ako sa tatlo. 

Seryoso ba? Ginagawa ba talaga to sa school? Hindi ba ako nananaginip? 

Umalis ako sa kinatatayuan ko. Nilisan ko ang club house. Hindi ko makayanang tignan sila na pinagkakaisahan yung tatlo. Hindi ko rin naman silang kayang ipagtanggol dahil sabi nga nila legal to. At ayokong maging superhero. 

Umuwi ako sa dorm mag-isa. Nagpunta sa kitchen at kumain. Ilalapang ko nalang to. Mabuti pa nga, haha!





Natapos ang gabing iyon. Ngayong papasok ako sa school walang ibang dumadapo sa isip ko kundi yung sitwasyon ng top 3.  Napatingin nalang ulit ako sa mga istudyante nang mapansin kong nasa akin na naman ang mga mata nila. Para bang may nagawa na naman akong kasalanan. Katulad ng dati, hindi ko sila pinansin at patuloy nalang na naglakad.



"*clears throat* Paging Yuuki Devonn!" biglang nagkagulo sa room namin nang marinig ko ang pangalan ko sa speaker. Isang sentence palang ang naririnig ko tumibok agad ang puso ko. This angelic voice, the one who's speaking is David! Jusmiyo ano na naman ba ito David? Ilang chapters na ang nagdaan pero di parin ako nakaka-move on. Yung totoo? Ms. Author ano po bang plano nyo ha? Baka mapalitan na yung title nito into How To Move on ha? HAHA!

"Yuuki Devonn, come out right now!" si David naman, kinikilig ako ano ba! Ano na naman bang pakulo ito haha, umaasa na naman tuloy ako. Pero putek ha, parang lalamunin na ako ng mga babae rito sa room. 

"There you are" nagulat nalang ako nang nasa labas na namin ng room si David at may hawak na megaphone. Maraming istudyante ang nakikiutyoso pero kay David lang naka-focus ang mga mata ko. Tumayo ako sa kinauupuan ko para lumapit pero

"No! S-stay there." pagpigil sa akin ni David. Anong meron? Bakit parang kinakabahan sya? Kinabahan na rin tuloy ako. Hindi ako informed sa pinaggagagawa nya ngayon. Ano bang meron?

May nag play sa speaker ng isang romantic soundtrack. Teka totoo ba ito? What? Anong nangyayari? Ayaw mag function ng utak ko. Bes anyare?

Lumabas ako ng room at doon ko lang narinig ang mga sinasabi nila, hindi daw ba ako yung girlfriend ni Khin? Ngayon ko lang rin naalala. "Girlfriend" nya nga pala ako. Oo nga pala, kailan lang noong nagka-issue ako na girlfriend daw ni Kingkong. Thanks to that bullshit bulletin board.

50-50 tuloy ako. Dahil gusto kong matulungan si Aiko, sarili ko naman ang nilagay ko sa alanganin. Shit. Hindi ko alam kung anong iaakto ko sa harap ni David. Nagkatinginan kaming dalawa, mata sa mata. David ano bang ibig sabihin nito? Hindi ko matukoy kung ano ang pakay mo.

"Devonn can you go out with me?"

Ha? Excuse me readers, pakisampal nga ako? Pakilakasan na rin pwede?

Naguguluhan ako. Oo gusto ko sya pero bakit parang di ako ganoon kasaya nang marinig ang mga sinabi nya?

Napahawak ako sa dibdib ko. Sobrang bilis ng tibok nito at naririnig ko na. Pero may pag aalinlangan parin sa utak ko.

Muli kong tinignan si David mula sa pagkakayuko ko. Hindi ko mabasa kung anong pinapahiwatig ng mga mata nya.

Wala akong ibang nakikita kundi sya. Sya at sya lang. Para kaming nasa ibang dimensyon.

Nakaramdam ako ng kuryente sa kamay ko at doon ko lang napagtanto na hinawakan pala ito ni David. Agad agad kong tinanggal ang pagkakahawak nya. Ewan ko. Hindi ko alam kung bakit itinatanggi sya ng utak ko.

Ganito ba kapag gusto mo ang isang tao? Pero bakit? Nagdadalawang isip ako sa mga sinabi nya. Nanatili akong nakatayo sa harapan nya. Hindi ko maibuka ang mga bibig ko. Hindi ko rin naman maisip kung anong sasabihin ko.

"Can't you be mine?" isa pang sabi nya na may halong pangamba sa mukha.

Bakit ganon? Sa lahat lahat ng sinabi nya wala akong naramdaman? Pinipilit kong ipasok sa utak ko lahat ng sinabi nya. Pinipilit kong damahin lahat ng iyon. Sa totoo lang hindi ba dapat kiligin ako sa pangyayari? Parang kanina lang eh kinikilig ako. Pero bakit iba ngayon?

Takot ba 'tong nararamdaman ko? Takot ba ang nangingibabaw sa akin? Takot ba ako sa mga sasabihin ng istudyante?

"Devonn? Can you please answer me?" sambit ni David.

Gulong gulo ako. Isa ba itong confession?

Bakit hindi ko ramdam? Alam mo yung feeling na may nagsabi sayong gusto ka nya pero tingin mo pinagtitripan ka lang? Hindi naman ganoong tao si David pero bakit ganoon yung nararamdaman ko?

It feels empty. Lahat ng sinabi nya walang feelings. Yun ang naramdaman ko. All those words of him are just empty. Hindi ko mapagkakaila na kahit gusto ko sya, I'm not a fool.

Wala akong maramdaman sa lahat ng sinabi nya.

I'm about to say something pero may biglang sumingit sa usapan,

"She can't be yours." lahat kami napatingin sa direksyon kung saan nanggaling yung nagsasalita. My savior. Naririnig ko na ang pagchichismisan ng mga istudyante. May nagte-take pa nga ng pictures and videos. Sa tingin ba nila show ito? Mga gago.

Lumapit sa akin si Khin at inakbayan ako. Sanhi ng pagkaseryoso ni David at mukhang konti nalang sasapakin na nya si Khin. Ewan ko kung bakit hindi umaangal ang katawan ko sa ginawa ni Khin. What is this?

"Get that filthy hands off her." at tinanggal ni David ang braso ni Khin sa balikat ko. I can feel the pressure.

"Devonn, answer me" sabi ni David ng nakatingin sa akin at hinawakan ang kamay ko. Si Khin naman ang umakto ngayon at tinanggal ang pagkakahawak ni David sa kamay ko.

"I told you she can't be yours because she's mine."

Gender Bender [Under Revisions]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon