Chapter 9: Article

320 38 3
                                    


*Inhale*

*Exhale*

Haaaaa...

Another day of my boring life.

4:30am palang ngayon...

Ang aga ko naman nagising. Bihira sa akin to. Haha!

Ano, matutulog pa ba ako? O wag na?

Wag na nga. Baka pag natulog ako, tanghaliin naman ako ng gising. Ok na siguro yung maaga ako nagising.

Tumayo na ako at naglakad lakad.

Minsan ko lang ginagawa to, pagbigyan.

Hay buhay. Mukhang maaga talaga ako nagising. Wala pang tao dito sa labas. Mga tulog pa siguro...

Kyaaa! Naalala ko na naman yung nangyari kahapon! Ohmayghat David, bakit mo ginagawa sakin to?!

Wala kang modo eh no? Bigla bigla ka nalang papasok sa isip ko, kumatok ka naman minsan..

*blrrr*

Oops? Tyan ko. Di natiis. Haha! Excuse me...

Pumunta ako sa kitchen. Malaking kitchen.

Nagtimpla ako ng chocomilk drink ko. Shempre yung mainit para mabuhay pa lalo yung diwa ko. Kumuha rin ako ng snack rito. At dahil konti lang yung nakuha ko, nagluto ako ng itlog.

Na sunog.

Di ako marunong magluto. Turuan nyo nga ako ples? Haha! Itlog nalang ang iluluto sunog pa. Anong klaseng babae yan.

Grabe kayo sakin, di naman porket babae kailangan magaling na magluto no.

So, dinala ko na yung chocomilk drink ko habang naglalakad.

Ano kayang pwedeng gawin?

Tumulala lang ako rito sa lounge habang nakaupo. Di ko alam kung anong gagawin ko.

Ang aga pa kasi. Siguro mga 5:00am palang...

Sa pagtulala ko rito, may naisipan na akong pwedeng gawin. Yay!

Naisipan kong mag unat ng buto kahit papaano.

Bumalik ako sa kwarto para kunin yung cp ko.

**


So nasa lounge na ulit ako. Dahil wala pa namang tao, pwedeng di na ako magheadset.

Nagplay ako ng random music at sumayaw.

Ulitin ko, wala pa namang tao kaya ok lang.

Sumikat na yung araw kaya tumigil na ako sa pagsasayaw. Bumalik na rin ako sa room para maghanda.

Mysteriously, wala dito si Mr. No Manners. Pabor sakin yun. Ang ganda ng araw ko. Walang asungot haha!

Nakaligo ako ng walang epal. Nakapagbihis na rin ako. Nakapag-ayos na rin ako.

Ngayon, oras na para gisingin si kapatid. Dapat pala kanina ko pa ginawa. Ay wag na nga. Nandun si David ee. Nakakahiya.



Nako Devonn, kailan ka pa nahiya? Ok na yan. Gigisingin mo lang naman kapatid mo eh. Sige na nga.


Kumatok muna ako, nakakabastos naman kasi kung bigla nalang akong papasok diba.

"Oo gising na ako" pinagbuksan nya ako ng pinto.

"Oh? Ang aga mo ah." sabi ko kay kapatid, pano ka talaga nagigising sa alarm mo?

"Ikaw lalo, naka-uniform ka na nga eh. Ano meron ate?"

Gender Bender [Under Revisions]Where stories live. Discover now