Chapter 30: Trip Day 2

247 17 3
                                    


"Everyone listen!" narinig naming tawag sa amin ng apat na teacher na kasama namin ngayon. Kinuha naman nung isang teacher yung mega phone at nagsalita.

"Ano ang tatlong mahalaga ngayong class trip natin?" tanong naman nya sa amin which is nagpatahimik sa amin. Nagkatinginan naman kami na inaalam ang sagot.

"Undergarments!" humalaklak ang lahat sa sinigaw ng isang istudyante rito. Haha, well totoo naman kasi.

"First!" nakabibinging sabi ng teacher na nagpatigil na naman sa amin.

"First, safety. Second, safety. And third, SAFETY!" pagpapaalala naman nya sa amin.

They gave us a go to take pictures. So nandito kami sa entrance ng Camp N at Nuvali, Laguna. Hinatak naman ako ni Christy para mapasama sa picture nila ni Aiko. Nagpicture rin ang Unluckies at isinama kami bawat shot. Somehow, na-feel ko na belong ako sa kanila kahit ako yung baguhan sa tropa nila. It went all smooth! Plano rin siguro ni kingkong magrelax kaya hindi sya gumagawa ng away naming dalawa.

I suddently feel sad for his cold pressence. No this is not true! Dapat matuwa akong hindi nya ako ginugulo. Siguro nasanay lang ako sa magulong buhay ko kasama sya. Siguro yun nga.

Sabay sabay naman kaming nag-enter sa Camp N with the lead of teachers.


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


As soon as we step a foot inside, pumunta agad kami sa camping site para ilapag yung mga gamit namin. We will not be staying here until tomorrow. So after we put our baggage inside, hinati nila kami sa tatlong group which is our sections. Once again, naihiwalay sa amin si Christy. 


Here are the groupings,


Group 1- Khin (Leader), Devonn, Aiko, etc.


Group 2- David (Leader), Christy, etc.


Group 3- Law (Leader), Louie, Giljam, etc.


This is a Team building kaya binigyan ang tatlong teams ng kulay. Of course, ang pipiliin nitong baklang leader namin is yung color pink but sadly malas sya dahil ang kulay lang is red, black, and white. We picked color red, while the other groups- David(white) ; Law(black). 


Binigyan nila kami ng mga bandana, at kami na raw ang bahala kung anong style ng pagsusuot ang gagawin namin doon. Basta bawal daw 'yon ilagay sa bulsa, kailangan daw nakikita ng teachers yung bandana. So I decided na itali nalang ito sa braso ko. I doubled the knot para hindi malaglag. Si Aiko naman, ginawang headband yung bandana. Napatingin naman ako kay Christy na ginagawang ponty tail yung bandana. Well, hindi ko magagawang hair accessory ito dahil short haired ako saka baka magmukha lang akong tanga.

Gender Bender [Under Revisions]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon