Chapter Two

30.5K 511 24
                                    

ANGEL

Pagkababa na pagkababa ko ng hagdan ay sinalubong agad ako ni Zeus na mayroong malaki at magandang ngiti sa kaniyang labi. Dahil sa maganda niyang ngiti ay hindi ko maiwasang gantihan din ito ng ngiting tutumbas sa ngiti niya.


Sa totoo lang ay hindi ko alam kung bakit ba ang cute-cute niya sa mga mata ko. Ang harot diba? Hindi, biro lang! Pero totoong mas cute nga siya ngayong araw, kumpara kahapon.


"Good morning, Angel! Pwede ko bang mahiram sa'yo ang anak mo? Kahit saglit lang. Napaka-kill joy kasi ni Dark kahapon. Kung makaasta naman siya feeling tatay ni Ken! Hmp!" banggit niya na parang kunwari pang nagtatampo.


Dahil natatawa ako sa kaniya ay tumango na lamang ako at dinaan sa tipid na ngiti ang tawa ko. Hindi na ako sumagot sa kaniya at inabot na lamang sa kaniya ng maingat si Ken na pupungas-pungas pa dahil bagong gising. Ayoko nang magsalita, wala pa ako sa mood. Saka, baka may masabi na naman sa akin na kung ano-ano ang Dark na 'yon.


Buti na rin na kinuha ni Zeus sa akin si Ken, Sunday ng apala ngayon at wala si Manang. Magluluto ako ng makakain namin kaya hindi ko rin maaalagaan ng maayos ang anak ko. Kung may kwenta lang sana si Dark sa buhay ng anak niya, edi sana siya ang nag-aalaga sa anak niya at hindi ang kaibigan niya.


Argh! Hayaan ko na nga lang sa buhay ang isang iyon, bad trip na ako sa kaniya kanina sa taas. Ayoko nang dagdagan pa iyon.


"Salamat." rinig kong pagpapasalamat ni Zeus at pumunta na sa sofa para ro'n maupo kasama ang anak ko. Nakita kong masaya ang aura ng anak ko kahit kagigising lang niya, kaya siyempre ay masaya rin akong nakatingin sa kanilang dalawa ni Zeus. Nakita kong nandoon din si Dark at si Adam sa sala habang may pinag-uusapan, mabuti na lang at wala ngayon ang babae na parang coloring book ang pagmumukha dahil sa kapal ng makeup niya.


Dahil pinapanood ko pa ng saglit ang anak ko sa kandungan ni Zeus ay hindi nawala sa labi ko ang ngiti, ngunit kalaunan ay nagawa rin nitong mawala sa akin nang mapunta na ang atensyon ko kay Dark. Nahinto na kasi ang pag-uusap ng dalawa at ang tingin ng damuhong iyon ay napunta na sa akin.


Sino ba naman kasing gaganahang ngumiti kung makita niyong may isang Dark na nakatingin sa'yo ng masama kahit wala naman akong ginagawang masama. Tss. Lakas talaga ng tama ng lalakeng ito.


Dahil nasa loob ko pa rin ang bad trip sa kaniya ay tumalikod na lamang ako at naglakad na papunta sa kusina namin na parang wala lang ang tingin niya. Kahit kailan talaga ay pamatay saya siya, makapagluto na nga lang. Naiinis na agad ako sa lalakeng 'yon ki aga-aga, kung makatingin siya akala mo wala akong karapatang ngumiti sa kahit sino at sa kanit anong dahilan sa buhay ko.


Pangit talaga ka-bonding, letche siya!




***

DARK

Minsan, hindi ko na alam kung anong nangyayari sa akin. Hindi naman ako ganito noon. Pero sa daming nangyari sa buhay ko-sa buhay namin, nagbago ako.


Alam kong galit ako kay Angel. Ayoko sa mga bagay na nagawa niya noon sa buhay at puso ko. Minsan ay nasasaktan ko siya na agad kong pinagsisisihan sa sarili ko. Gustuhin ko man baguhin ang sarili ko ay hindi ko alam kung saan at paano magsisimula.

Loving DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon