Chapter Forty-Seven

11.7K 216 18
                                    

ANGEL

Ramdam ko ang pagod nang sa wakas ay makaupo na ako sa malambot naming sofa. Katatapos ko lang labahan ang mga damit namin ni Ken at siyempre ng damuhong si Dark. May kasambahay kami ni Dark dito sa bahay pero tuwing lunes, miyerkules, at biyernes lamang ito napupunta rito dahil ayaw ni Dark ng ibang tao sa bahay namin. Maging ako nga ay mukhang ayaw niya rito, tss. Kahit hindi niya sabihin, hula ko lang.


Dalawang linggo na pala mula nang makauwi kami sa maynila, dito sa mismong bahay namin ni Dark. Aminado akong namiss ko ito dahil dalawang buwan mahigit din kami nawala rito ni Ken.


Sa totoo lang ay ayoko pa talaga umuwi kaagad dito. Gusto ko pa sana manatili sa Palawan ng mas matagal dahil sariwa ang lahat ng bagay doon, kaso nga lang may sakit nga ang asawa ko kaya pinili niyang umuwi rito sa bahay niya. Wala naman akong magawa dahil siyempre, makatutulong sa pagbabalik ng alaala niya ang environment na titirhan niya kaya mainam na rin ito.


Dalawang linggo na rin mula nang makalabas siya sa ospital. Ayos na ang lagay niya maliban sa pagkawala nga ng memorya niya, may unting bakas lang din ang mga galos na natamo niya sa aksidente.


Gayunpaman, mula nang magsama ulit kaming dalawa sa iisang bahay ay ibang-iba sa pakiramdam. Parang ibang tao si Dark. Okay naman kami kung minsan dahil naiintindihan niya ang sitwasyon niya, ngunit dahil hindi nga niya kami maalala ay alangan pa rin siya na kinaiinis ko. Para kaming aso't pusa minsan dito, kairita kasi siya, e.


Moody din siya, parang siya ang naglilihi, e. Ang taray minsan, naiintindihan ko naman na hirap siya umaalala subalit pinapainit niya ang ulo ko. Sa anak ko namang si Ken ay ayos ang turing niya, kahit hindi niya maalala na anak niya ito sa ngayon ay okay naman sila. Sa akin lang talaga may tupak ang damuhong iyon. Kainis talaga! Nabwebwesit ako sa kanya araw-araw, lalo na't buntis ako tapos kung ano-ano pang kalokohan ang pinapakita niya sa akin. Argh!


"Oii Buntis! Tara nga rito!" inis akong napairap sa kawalan nang marinig ko ang boses nito pababa ng hagdan. Agad ko siyang tinapunan ng tingin kaya ngumiti siya sa akin na para bang nang-aasar pa.


Naiinis talaga ako tuwing tinatawag niya akong buntis. Oo nga't buntis ako, pero may pangalan naman ako! Haaaay, buhay ko!


"Ano nanaman!?" iritang tanong ko. Kahit hindi ko tukuyin ay alam niya na agad na naiirita na ako sa kaniya.


"Bakit ba ang sungit-sungit mo? May itatanong lang naman ako, e!" ganti niyang tanong na halata rin ang pagka-irita.


Sige mag-iritahan kaming dalawa, baka masapok ko na ang damuhong ito kapag hindi pa niya hininto ang pangba-badtrip sa akin ngayong araw. Kanina pa siyang umaga nagtatanong sa akin ng nakaraan namin, pero dahil ayoko maisip niya kung gaano siya kasamang asawa sa akin ay bihira ko lang siyang sagutin. Oo, alam kong gusto ko itong gumaling sa karamdan niya, ngunit sa inis ko sa kaniya araw-araw ay bahala na siya.


Pero siyempre, biro lang. Ayoko namang manatili siyang ganito habang buhay, mas gusto ko pa rin 'yung Dark na ramdam ko ang pagmamahal sa akin. Hindi itong Dark na hindi ko man lang maramdaman na siya pala ang asawa ko dahil para lang kaming nagbu-bwesitan dito sa bahay araw-araw. Noong unang mga araw ay nahirapan ako at nasasaktan tuwing hindi niya ako naaalala, pero dahil sanay na ako ay hindi na bago sa akin ito.

Loving DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon