Chapter Thirteen

16.9K 281 8
                                    

DARK

Malalim na paghinga ang nagawa ko nang matauhan ako sa pagkatulala sa loob ng aking opisina. Alas siete palang ng umaga at masyado pa akong maaga para sa tunay na oras ng aking pasok sa trabaho. Pero dahil gusto kong makalayo sa bahay kahit papaano ay maaga na pumapasok dito kahit hindi naman talaga kailangan.


Mula kasi nang umuwi kami galing Palawan ay aminado akong sirang-sira ang buo kong pagkatao, tila ba nilalamon ako ng labis na kalungkutan na hindi ko kayang takbuhan.Sa lahat ng mga nangyari sa aming hindi maganda ni Angel noon ay itong ngayon ang masasabi kong mas masakit. Dumaan na kasi sa relasyon namin ang pag-asa, e. But everything turns out bad, really bad.


Nasa punto ako ng buhay ko na nasasaktan kapag nakikita ko siya, masakit kasi may parte sa dibdib ko na gusto siyang unawain at pakinggan, ngunit sobrang lumala ang takot sa dibdib ko. Natatakot na sa pang-ilan na pagkakataon ay masaktan ulit kami sa isa't isa.


I hate to see her sad and hurt, but at this point... I chose to protect mine over her. Kahit kasi anong pag-iisip ko na hindi totoo ang lahat sa litrato ay hindi ko magawa, it felt real to me. Kaya sobra akong nasasaktan sa issue na 'yon. I felt betrayed and disgusted.


Sa totoo lang, gusto ko nang tapusin ang relasyon naming ito. Ayoko na siyang masaktan nang dahil sa akin at ayoko na rin masaktan ng paulit-ulit nang dahil sa kaniya. But the thing is– I really love her. Hindi naman kasi agad mawawala ang pagmamahal sa isang tao ng ganoon kabilis, subalit sa sitwasyon ng puso ko ko ay parang hindi ko pa kayang ituloy na mahalin lang siya. Kaya siguro nasabi ko sa kaniya na hindi ko na siyang mahalin pa kailanman.


I'm really afraid to lose her, but I'm also afraid to lose myself loving her still. Ayoko nang paasahin siya na mababalik pa sa dati ang lahat sa amin, alam ko kasing masasaktan lang si Angel kapag umasa siya roon at hindi na nangyari.


Sa lahat ng mga nararamdaman ng dibdib ko sa mga oras na ito ay parang hindi ko na talaga kayang magtiwala pang muli sa pag-ibig ko sa kaniya. Kung kaya ko nga lang pigilan na ang puso kong mahalin siya ay baka matagal ko nang ginawa dahil habang tumatagal na nasa ganito kaming parte sa relasyon namin ay mas lalong sumasakit indahin sa dibdib.


Nasa magulong kalagayan pa ang puso't isipan ko sa mga sandaling ito kaya hindi pa ako makapag-isip ng maayos para solusyunan ang nangyayari sa amin ni Angel. Sobrang daming katanungan, doubts, takot, at sakit pa ang nasa loob ko. Kaya as long as hindi pa ako nakapagdi-desisyon ng maayos ay ayoko munang magbitaw ng salitang maaari kong pagsisihan sa huli. Kaya heto ako at lumalayo na lang muna ng kaunti sa kaniya. Kahit namimiss ko na si Ken ay tinitiis ko, kahit kasi masakit ang ginawa niya sa akin ay may pursyento pa rin sa puso kong magagawan pa namin ito ng paraan.


She's been my source of energy since we were young. Angel already has a huge part in my life, at kapag naiisip ko pa lang na maghihiwalay kami at makahahanap ng ibang taong mamahalin ay nanghihina ako. Pero ang katanungan na "Paano kung sa iba talaga siya sasaya at hindi sa akin?" ay hindi mawala sa utak ko.


Ayoko rin namang maging makasarili at ipilit ang sarili ko sa kaniya kung hindi naman talaga ako ang lalakeng para sa kaniya. I should really let her go before everything gets worse— for the both of us. Paniguradong sbra na naman ang sakit na maidudulot niyon sa aming dalawa kung nagkataon. Maybe this is really the right time to end everything between us...

Loving DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon