Chapter Fifty-Three

10.1K 173 11
                                    

ANGEL

Tatlong linggo na ang nakararaan mula nang mag-propose sa akin ang asawa ko. Gawa ng masasayang bagay na nangyayari sa buhay naming lahat ngayon ay mabilis lang lumilipas ang mga araw na hindi na namin namamalayan. Plano pala namin na ganapin ang kasal isang buwan pagtapos kong maisilang ang pangalawang baby namin ni Darkie.


Almost six-month pa lang naman si Baby sa akin kaya may halos limang buwan pa para sa kasal, pero dahil excited ang buong pamilya namin ni Dark ay hindi sila makapaghintay na planuhin na kaagad ang kasal ngayon. Plano nila Mama Sam na gawing magarbo ang wedding namin ni Dark kaya maraming preparations ang inihahanda nila. Ito ang unang araw na sinimulan nila ang paghahanda, kasalukuyan kaming nasa mansyon ng parents ni Dark para pag-usapan ang wedding gown ko na ipasasadya raw nila para lamang sa akin.


Nasa ibang kuwarto naman si Dark habang inaasikaso din ng isang kilalang designer ang magiging wedding suit ni Dark sa kasal. Gustuhin man namin ni Dark na sabay kami mamili ng susuotin ay ayaw naman nila Mama dahil bawal daw makita ni Dark ang magiging itsura ng gown ko sa wedding dahil sa superstition nina Mama Sam at Mama. Isa pang dahilan ng aking mga mama ay para rin daw surprise pa rin ang lahat sa aming dalawa mag-asawa.


Kanina pa kaming 11 am namimili at kinakausap ang isang magaling na designer para sa pagbuo ng gown na nais ko. Halata naman kasi kila Mama na nag-eenjoy sila ni Mama Sam sa pagtulong sa akin sa mga wedding gowns na options, kaya kahit dalawang oras na kaming narito ay masaya pa rin ako. Sa mga ngiti kasi na mayroon ang dalawa kong Mama ay napapangiti rin ako, close na close na kasi talaga sila ngayon. Nakatutuwa.


Sila Mama Samantha rin at Mama ang pinaka-excite sa kasal namin ni Dark, sa katunayan ay nais talaga nila agahan ang lahat ngunit si Dark ang tumutol. Gusto ni Dark na maisilang ko muna ang baby namin para raw kahit hindi pa niya maalala ay nandoon na sa kasal namin ang second naming baby. Ang cute-cute ni Dark nang ipilit niya sa amin ang bagay na iyon na agad ko namang sinang-ayunan. Gusto ko rin na nandoon na ang second baby namin sa wedding photos namin, no.


"Which one do you like the most, Mrs. Smith?" agad akong napalingon kay Ms. Sara nang ipakita niya sa akin ang limang sketches niya ng designs na ginawa niya kanina nang makuha niya lahat ng details na nais ko para sa wedding gowns.


Ang gaganda ng lahat. Ang hirap pumili. Kung pwede ko lang suotin ang lahat ay hindi na ako pipili. Ang galing din talaga ni Ms. Sara mag-desenyo, kahit halos isang oras niya lang ginawa ang mga sketches ay detailed pa rin ito. Nakamamangha. Kinikilig tuloy ako kasi naiimahe ko na agad ang itsura ko sa mga gowns sketches na nakikita ko ngayon.


"Sobrang hirap pumili lalo na't napakaganda ng lahat ng ito, Ms. Sara." pag-amin kong bulalas na salita habang paulit-ulit kong tinitignan ang mga designs na hawak ng kamay ko. Parang lahat sila ay napupusuan ko kaya hindi ko alam kung ano ang mas gusto kong piliin.


"Ang gaganda, hindi ko na tuloy alam kung bagay ba ang lahat ng ito sa akin kapag suot ko na..." dagdag ko pa. Nakita kong binigyan ako ng makahulugan na tingin ni Mama Sam at lumapit sa pwesto ko para tignan din ang mga designs.


"Don't say that, Angel. Lahat ng ito ay bagay sa 'yo, Sara will not sketch it if these were not meant for you. Right, Ana? Manang-mana talaga sa'yo ang anak mo. Ang ganda-ganada mo, iha, para hind bumagay ang lahat ng ito sa 'yo." salita ni Mama Sam na labis kong kinamula.

Loving DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon