Chapter Fifty-Five

9K 179 16
                                    

DARK

Matinding inis ang naramdaman ko kaya na ibato ko kung saan ang kaninang hawak kong folder. Authorities still have no leads on Angel's possible location in Nicolle's hands. Kahit anong bakas o usad man lang ay wala pang magawa ang mga tauhan namin sa paghahanap sa asawa ko. It's been three days since I've recovered from the pain I had in my head and body. I'm now strong enough to help find my wife, Angel.


But I still can't do anything. Hindi ako mapanatag sa bawat araw o minuto man lang na lumilipas na wala pa rin sa tabi ko ang asawa ko. Lahat ng alam kong maaaring puntahan at pagtaguan ni Nicolle ay napuntahan ko na, pero wala pa rin kaming nakukuhang improvements sa lahat. Habang tumatagal ang paghahanap sa asawa ko ay lalo lamang nadadagdagan ang kaba at takot sa dibdib ko.


Buntis ang asawa ko, hindi ko alam ang lagay niya ngayon kaya hindi ako mapanatag kahit gustuhin ko. Maraming bagay ang pumupuno sa isip ko, mga tanong na gustong-gusto kong malaman sa bawat oras na lumilipas na wala siya piling ko. Paano 'yung mga gamot na kailangan niyang inumin para sa baby namin? Hindi ko man lang alam kung kumakain ba ito ng maayos o kung nakatutulog ba ito sa tamang oras at nakakapagpahinga tuwing nahihirapan siya dahil sa pagbubuntis niya.


Again, I feel useless. There is nothing else I can do now but wait for the lead that the authorities will give us. Ano pa ba ang maaari kong gawin para makatulong sa paghahanap? Lahat ng contacts ni Nicolle ay walang maibigay na sagot dahil matagal nang malayo ang loob ni Nicolle sa pamilya niya at mga kaibigan na kilala ko.


I am no help in everything. Damn it!


I know that I gave all my trust in God, but I lack confidence for myself in this matter. I fear for my wife's life. Natatakot lang ako na baka dahil sa mga kamaliang nagawa ko noon ay pinaparusahan na ako ng Diyos. Subalit, alam ko na mabuti ang Diyos sa amin... lalo na kay Angel.


I know Angel does not deserve any of these, so if I have to pay for all the wrongs I did in our past, I pray that I will be the only one to suffer all of that now... bumalik lang si Angel sa aming lahat ng ligtas.


"Just calm down, son! Kagagaling mo lang mula sa sakit, hindi makatutulong sa atin kung magagalit lang tayo at isisisi ang lahat sa ating sarili palagi. We need to trust the authorities about this, they know what they are doing, Dark. Just relax, son." pagpapahinahong banggit ni Dad sa akin at agad pinulot lahat ng papel sa sahig.


"How can I calm myself down, Dad? It's been almost two weeks; Angel is still missing without any trace of her. A-and she's pregnant! Hindi mawala sa utak ko ang katangahan ko nang araw na iyon, I shouldn't have left her alone. Kung hindi ako umalis doon ay mapo-protektahan ko sana siya kay Nicolle. Paano ako kakalma kung ako ang may kasalanan kung bakit nawawala ang asawa ko?" muli na namang naglandas sa aking pisngi ang mga luha ko.


"Naiintindihan kita, anak. Pero kailangan natin ng tiwala sa ibang tao para sa ganitong klaseng bagay. Matuto rin tayong maghintay. With God's help, Angel is safe. That's the thing we should be thinking while we're searching for her. Don't blame everything to yourself, kailangan mong maging matatag para sa pamilya mo. For now, that's the only thing we can do. Just continue praying and trusting, son. Your wife is safe." may lungkot man sa boses ni Dad ay nagawa niya pa ring maging matatag kaya tipid akong napatango at naupo na lamang sa couch ng may malalim na paghinga.

Loving DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon