Chapter Fourteen

15.8K 286 14
                                    

DARK

"Sa condo ka na lang umuwi ngayon, Dark. Gabing-gabi na. Lasing ka pa." maingay ang paligid dahil sa malakas na musika, halo-halong boses pa ang naririnig ko. Pero nang magsalita si Nicolle na katabi ko sa isang table ng nightclub na kinaruruunan namin ngayong gabi ay rinig na rinig ko pa rin. Mula nang umalis kami kaninang umaga sa opisina ko ay magkasama na kami.


Nauna kaming nagtungo sa isang tahimik na lugar kung saan naipahinga ko ang utak sa kaiisip ng mga problemang mayroon ang buhay ko ngayon. Nang magtanghalian ay sa isang resto bar kami kumaing dalawa, hanggang sa niyaya niya akong uminom dito. Inabot na nga kami ng gabi dahil masyadong nawili ang sarili ko uminom dito habang dinidistract ang sarili sa punong dancefloor sa ibaba. Aminado akong nakatulong sa akin si Nicolle sa araw na ito, kahit hindi ako madalas sumagot sa mga kinukwento niya buong oras na magkasama kami ay wala naman siyang reklamo.


She keeps my mind occupied. But I keep distance towards her, alam kong may kahulugan sa kaniya ang lahat ng ito. Kaya as much as possible ay iniiba ko ang takbo ng usapan namin tuwing gagawa siya ng paraan na may mamagitan sa amin na taliwas sa nais ko.


"I'm fine, Nicolle. Thank you for your time today, I appreciate it." pagtanggi at pagpapasalamat ko. Nakita ko ang pagkalukot ng ekspresyon ng mukha niya, ngunit wala naman akong magagawa roon kaya tumayo na ako at kinuha ang telepono sa table namin. Buong araw itong nakapatay dahil ayokong may kahit sinong tumawag o mag-text man lang sa akin kanina.


"Ayaw mo pa rin bang tanggapin ang offer ko, Dark? Paano mo malalaman ang epekto nito kung hindi natin susubukan, diba?" hindi pa man ako nakaaalis sa pwesto ay nahinto na kaagad ako nang marinig ang sinabi pa niya. Mariin akong pumikit upang huminga bago ko ibalik sa kaniya ang tingin ko.


"Just stop it, Nicolle. I appreciate what you did today, but to use you just to forget the pain I'm enduring right now, will never be my option. I'm thankful that you're my friend; you listened to me and supported me. But please, stop forcing me to use you. What I did before was wrong, I learned my lessons now." pinatili ko ang sinseridad sa aking boses nang sabihin ko iyon sa kaniya. Kahit alam ko ang gustong mangyari ni Nicolle ay pinili kong hindi makaramdam ng kahit na anong inis sa kaniya ngayon. Gaya ko kay Angel noon ay alam kong pinagpipilitan ni Nicolle sa akin ang sarili niya, kaya nais kong pigilan na agad ito hanggang maaga pa dahil danas ko na ang kakambal na sakit niyon sa hinaharap.


"I still love you, Dark." banggit niya. Hindi na ako nagulat dahil alam ko nang dito papunta ang ginagawa niyang ito sa akin.


"I'm sorry, Nicolle." iyon lang ang nagawa kong sagot sa sinabi niya. Hindi ko na tinignan pa ang naging ekspresyon niya sa narinig at naglakad na lamang ako paalis sa lugar. Kumplikado man ang relasyon namin ngayon ni Angel at nasasaktan man ako nang dahil sa kaniya ay hindi ko magagawang magmahal ng iba.


Mahal ko si Angel— mahal ko siya hanggang ngayon. Pero simula nang mangyari ang mga nangyari sa kanila ni Zeus ay para bang lahat ng pagmamahal ko sa kaniya ay may karugtong nang "pero". Gayunpaman, hindi sapat iyon para magloko at maghanap din ng iba. Naguguluhan man ay pinipilit ko pa ring unawain ang lahat. Nasasaktan man ay pinipilit ko pa ring indahin ito. Nahihirapan man ay pinipilit ko pa rin ang kapit ko sa pagmamahalan na ito. Kailangan ko lang siguro ng oras para unawain ang lahat ng ito.




***

Loving DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon