Chapter Forty-Four

11.6K 222 12
                                    

ANGEL

Nang makarating kami sa ospital kung saan itinakbo si Dark ay wala na kaming sinayang na oras at nagtungo na sa front desk ng ospital. Matindi man ang kaba at takot ko sa maaaring sitwasyon ng asawa ko ay medyo na himasmasan na ako kumpara kanina bago pa man kami makarating dito. Gusto ko maging positive sa mga oras na ito dahil ayokong dagdagan pa ang sitwasyong mayroon kaming lahat na nag-aalala sa kalagayan ni Dark.


"Excuse me, may d-dinala po ba ritong n-nabangga— naaksidente?" utal na banggit ni James na tila ba hirap na hirap siyang tukuyin ang nangyari sa pinsan dala ng matinding kaba at takot gaya na lamang ng nararamdaman kong muli ngayon.


Kanina ay maayos-ayos na ang pakiramdam ko, pero nang makita ko ang ilan sa mga taong narito rin sa ospital na halata sa kanilang mga mata ang lungkot ay hindi ko rin maiwasang makaramdam ng ganoon.Sa daming naganap sa buhay ko mula kahapon hanggang sa mga sandaling ito ay hindi ko talaga kayang magpanggap na maayos ako.


Nagtitiwala ako sa kakayahan ni Dark lumaban, ngunit natatakot ako na baka hindi na naman sumang-ayon sa aming dalawa ang panahon. Kahit ngayon lang sana ay pagkalooban na kaming dalawa ng asawa ko ng kaginhawaan sa pag-ibig. Hindi ko pa kayang magpaalam ng tuluyan sa kaniya... hindi pa sa ngayon.


"Ano pong name ng patient, Sir? Marami po kasing patient na dinala rito na na-aksidente rin po. Para po madaling mahanap ang pakay niyong patient ay kailangan namin ng name niya." magalang na paliwanag ng hospital receptionist sa amin.


"D-dark S-smith..." utal na sagot ni James. Bakas pa rin ang panginginig sa boses niya gawa ng kaba't takot, kaya napatango na lamang ang nurse at hinanap na ang pangalan ni Dark sa records nila. Habang naghihintay kami ay naramdaman kong hinawakan ni James ang kamay ko, sobrang lamig ng kamay niya kaya hinawakan ko rin ito upang bigyan ng init. Kung mahirap sa akin ang sitwasyon na ito ay alam ko rin na ganoon din kay James. Alam ko na mahal na mahal niya ang pinsan niya.


"I'm sorry po, dead on arrival po ito." Banggit ng receptionist na agad kong kinabigla. Nabitawan ko ang kamay ni James at napakapit sa kung saan. Parang isang malakas na sampal ang naramdaman ko nang magproseso sa aking utak ang sinabi ng babae sa amin. Wala akong naging sagot at tanging pagluha lamang ang nagawa ko.


"W-what!?" hindi na pumasok sa akin ang naging tanong ni James at nanatili lamang paulit-ulit sa aking utak ang mga katagang sinabi ng receptionist kanina.


"Noong nakaraang linggo pa po. Dead on Arrival po si Mr. Bart Smill nang dalhin dito sa amin." Nang marinig ang sunod na sinabi ng medical receptionist sa amin ay mabilis ko itong tinignan ng may sama ng loob.


"Dark Smith! Not Bart Smill. What the hell, Miss!" halata sa boses ni James ang matinding galit na nagbigay ng gulat at kaba sa kausap naming babae. I feel bad for her, pero sobra ang nabigay sa amin ng sinabi niyang misinformation.


"N-naku, Sir... pasensya na po talaga. Hindi ko po kasi naintindihan ng maayos. M-ma'am... pasensya na po." utal niyang paghingi ng paumanhin at yumuko pa sa ami dala siguro ng kahihiyan. Galit man sa nangyari ay mas minabuti ko na lamang tumango. Agad naman itong kumilos at muling nagtipa sa computer upang alamin ang totoong record ng asawa ko.


"Dark Smith po, 7:49 PM po dumating dito. Kasalukuyan pong nasa emergency room ang patient. Nasa may bandang dulo po ang ER namin. Sa kaliwang bahagi ng gusali, kaliwa lang po kayo then kanan." paliwanag niya ng direksyon sa amin kaya wala na kaming sinayang na oras at dumiretso na sa sinabi niyang direksyon.

Loving DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon